❤37

709 31 5
                                    

LOVE'S POV

*Jin Bading calling..*

Mabilis kong sinagot ang tawag mula kay Jin kahit alam kong ngongo pa rin ang boses ko dahil sa pag iyak. Halos hindi ko na rin makilala ang sarili ko sa sobrang mugto ng mga mata ko.

["Love, biglang umalis si jungkook dito sa bahay nila. Baka pupunta dyan sa inyo!"]

"Pupunta? Imposible Jin! Baka sa bar na naman sya pupunta! Doon puro babae, magsasawa sya! Di na nya ko kailangan, tatanggapin ko nalang talaga ang katotohanan." Napaiyak na naman ako. Pagod na kong umiyak pero di ko kayang pigilan.

["Kung iyon ang desisyon mo Love, susuportahan nalang kita, pero wag na wag mong kakalimutan ang magpatawad Love, kasi hindi mawawala ang bigat ng pakiramdam mo at galit dyan sa puso mo kapag di mo sya pinatawad."] Aniya. Mabuti nalang at may kaibigan pa rin akong normal mag-advice sa kabila ng pagiging abnormal naming lahat.

"Oo Jin, ngayon palang magmu-move on na ko."

Bigla akong nakarinig ng ingay mula sa labas ng bahay kaya naman nagmadali akong lumabas mula sa kwarto ko at hindi ko na napatay ang tawag.

Nagulat ako sa nakita kong eksena pero mas nangunguna ang pagtataka ko.

Napakunot ang noo ko dahil hindi ako makapaniwala.

Sinisigawan ni Jungkook ang step father ko na si Papa Ryan habang panay ang iyak nya. Nasa tabi naman ni Papa Ryan si Mama na halos umiiyak na rin.

Anong nangyayari?

"Magsama kayong dalawa! Wala ka talagang kwentang ama!" Umiiyak na sigaw ni Jungkook kay Papa Ryan kaya naman hindi ko na naiwasang lumapit sa kanila.

"Anong nangyayari?" Halos naguguluhang tanong ko. Halos sabay sabay naman silang napatingin sakin.

"Anak." Sambit ni mama at saka lumapit sakin.

Hingal na hingal si Jungkook habang nakatingin ng masama sa akin. Paano nya nasabing walang kwentang ama si Papa Ryan? Bakit nya ito sinisigawan?

"Jungkook, anong ibig sabihin nito?" Tanong ko, wala akong ideya sa nangyayari pero kinakabahan na ko.

"Gusto mong malaman? Yang itinuturing mong step father! Siya ang papa ko! At yang ina mo ang kabit ng papa ko!" Sigaw nya sakin.

Para bang ayaw magsink in sa utak ko ang sinabi nya pero nararamdaman ko na ang unti unting panlalambot ng tuhod ko.

"Ma, totoo ba yon?" Papaiyak na tanong ko kay mama. Akmang hahawakan nya ko sa braso pero umiwas ako.

"Anak, magpapaliwanag ako." Umiiyak na sagot nya. Gustung gusto nya kong hawakan pero pilit akong umiiwas.

Bigla nalang nagflashback sa isip ko ang mga nangyari noon sa probinsya.

"Kaya ba tayo umalis ng probinsya dahil may totoong pamilya si Papa Ryan doon?" Tanong ko pero di sya sumagot at marahan lang na yumuko. Ayaw na ayaw ko noon na umalis sa probinsya, masaya ako sa probinsya kaya halos kaladkarin nila ako para lang makaalis kami doon at wala na kong nagawa kundi tanggapin nalang ang desisyon nila.

"Ma, bakit ka pumayag maging kabit?!" Halos isigaw ko 'yon kay Mama. Masakit para sakin kaya hindi ko na naman naiwasang mapaiyak.

"Anak, hindi mo naiintindihan." Giit nya.

"Anong hindi ko naiintindihan? Ma, hindi na ko bata! Naiintindihan ko na mas pinili mong maging kabit ni Papa Ryan! Pero bakit mas pinili mo 'yon? Bakit mas pinili mo na umalis tayo ng probinsya kahit alam mong ayaw na ayaw ko? Kahit alam mong masaya na doon ang buhay ko! Bakit mas pinili mo sya kaysa sakin?"

Hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil sa pag alis namin doon. Iyak naman sya ng iyak at hindi pa rin ako sinasagot.

Biglang natuon ang atensyon ko kay Jungkook dahil bigla na lamang nyang sinuntok ang gate namin at padabog na umalis.

"Jungkook!" Halos sabay na sigaw namin ni Papa Ryan.

Akmang susundan ko si Jungkook pero pinigilan ako ni mama sa braso.

"Bitawan mo ko Ma! Boyfriend ko si Jungkook!" Mariin na sabi ko sa kanya.

Halos hindi naman makapaniwala ang ekspresyon ng muka nilang dalawa sa sinabi ko.

Tumakbo ako para sundan si Jungkook. Ramdam na ramdam ko ang init ng muka ko at habang tumatakbo ako mas lalong nagbabagsakan ang mga luha ko.

"Jungkook! Sandali lang mag-usap tayo please!" Halos paos kong sigaw. Mabuti nalang at hindi pa sya gaanong nakakalayo at mukang mabagal din ang pagpapatakbo nya sa motor nya. Siguro nga'y dahil nilalagnat sya.

Nang makita kong inihinto nya ang motor nya ay mas binilisan kong tumakbo patungo sa kanya.

Bumaba sya mula sa motor nya at humarap sa gawi ko.

Hingal na hingal ako nang makalapit ako sa kanya.

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sya ng mahigpit. Ang init ng katawan nya, obviously nilalagnat nga sya.

Niyakap ko sya na parang ito na 'yung huli kong yakap sa kanya.

Pero hindi nya ko niyakap pabalik. Hinayaan nya lang ako na yakapin ko sya.

Nang medyo kumalma na ko saka lamang ako humiwalay ng yakap sa kanya.

"Jungkook, mag usap tayo." Sabay punas ko sa basang basa kong pisngi. Pagod lang syang nakatingin sa akin at ktang kita ko sa mga mata nya ang sobrang lungkot.

"Ano pang pag uusapan natin?" Malamig na tanong nya.

"Ka-Kailangan nating mag usap dahil girlfriend mo ko, dahil may relasyon tayong dalawa."

"Lumayo kana sakin Love, dahil ang totoo nyan, galit ako sa inyong lahat! Galit ako sa step father mo! Galit ako sa mama mo! Galit ako sayo!" Halos pasigaw nyang sabi.

"Pero bakit pati ako?"

"Dahil habang nagpapakasaya ka sa kumpleto pero peke mong pamilya, nandun ako sa isang bahay, nag iisa! Walang kasama! Kami dapat 'yung masaya ngayon, kami dapat ng mama ko! Kami dapat 'yung kumpleto ang pamilya! Ako dapat 'yung masayang anak sa piling ng sarili kong ama! Pero dahil dyan sa mama mo, imposible nang mangyari 'yon!"

"Pe-Pero Jungkook mahal mo ko di ba? Malalagpasan din natin 'to.." Para na kong nagmakaawa base sa tono ng boses ko.

"Lumayo kana sakin! Hindi mo pa ba nahahalata? Ginamit lang kita! Simula nang lumipat ako sa lugar na 'to, alam ko nang ikaw 'yung anak ng kabit ng papa ko! Gusto kitang masaktan ng masaktan para maramdaman mo rin yung sakit na naramdaman ko at ng mama ko dahil sa kagagawan ng mama mo! Gusto ko lang gumanti sa ginawa ng mama mong ahas!"

*PAK!*

Sinampal ko sya at nakita ko ang ilang butil ng luhang bumagsak sa mga mata nya.

"So hindi totoo na mahal mo ko? Niloko mo lang talaga ako? Kung sabagay, parang ako lang naman talaga 'tong may gusto sayo eh! Jungkook ang sakit sakit!"

Gusto kong magwala. Sobrang sakit dahil mahal ko talaga sya.

"Mas masakit 'yung nararamdaman ko hanggang ngayon Love! Dahil hindi ko na maibabangon pa mula sa hukay ang mama ko! Kung hindi nilandi ng mama mo ang papa ko, buhay pa sana sya! Hindi sana sya nagkaroon ng malubhang sakit! Hindi sana sya namatay!"

*PAK!*

Muli ko syang sinampal kahit nanginginig na ang kamay ko.

"Dinamay mo ko sa galit mo kahit alam mong WALA akong kasalanan sayo Jungkook! Ang sakit sakit Jungkook! WALA akong kasalanan sa problema ng mga magulang natin pero bakit sa akin ka gumanti? Nasaan ang kunsensya mo!" Sinuntok suntok ko sya sa dibdib kahit nanlalambot na ko sa sobrang pag iyak. Tinulak tulak ko sya sa sobrang galit ko pero hindi sya gumaganti.

"Jungkook, para matapos na ang lahat ng 'to. Isang tanong nalang, mahal mo ba talaga ako?" Paos kong tanong. Sobrang lamig ng pakiramdam ko. Ang lakas ng loob ko pang magtanong kahit alam ko na naman ang isasagot nya.

"Hindi, dahil ang puso ko ay nakalaan na sa isang babae at hindi ikaw yon."

Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon