LOVE'S POV
Syempre cold ang awra ko ngayon. Hahayaan ko syang bumawi dahil sa ginawa nya sakin.
"Kamusta?" Bati nya pagkalapit sakin. Hinayaan ko talaga na sya ang unang babati sakin. Plain lang ang expression ng muka ko. Hindi muna ko ngingiti ng malapad sa kanya.
Hindi ako sumagot kahit nakangiti sya sakin. Kahit maganda ang awra nya ngayon.
Inakbayan nya ko pero tinanggal ko pagkakaakbay nya sakin.
Ang bigat bigat kaya ng braso nya, masakit sa balikat!
Nagbago ang ekspresyon ng muka nya dahil sa ginawa ko pero bigla syang ngumiti ulit sakin. Walang sabi sabing hinawakan nya ang kamay ko.
Umiwas ako ng tingin at napakagat sa labi ko. Kinikilig ako eh.
Muli akong napatingin sa kanya nang iangat nya ang kamay ko. Hinalikan nya ang kamay ko. Buset! Gustung gusto ko nang makangiti sa sobrang kilig pero pilit ko pa ring pinipigilan.
"Halika mamasyal muna tayo." Pag aaya nya sakin.
Tumango lang ako at ngumiti ng tipid sa kanya.
Hindi na tinanggal ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Enebe! ~\(≧▽≦)/~
"May nakapagsabi na ba sayo na ang ganda mo?" Out of nowhere na tanong nya.
"Oo mama ko." Tipid na sagot ko.
Ilang segundo syang hindi umimik.
Akala ko pa naman sasabihin na nya na ang ganda ako. Hays -_-
"May favor nga pala ako. Kung okay lang sana sayo." Aniya. Humarap sya sakin at tiningnan ako sa mga mata. Ang gwapo nya talaga, potek!
"Ano yun?"
"Kung pwede lang sana, wag nating banggitin ang mga magulang natin. Kung okay lang sana sayo."
"Bakit naman?"
"Gusto ko pag magkasama tayo, ang topic lang natin ay tungkol lang satin. Ayoko ng mga tungkol sa mga magulang."
"Pero bakit nga?"
"Basta love, naiinis ako eh! Hindi ko mapigilan na makaramdam ng galit."
"Ga-Ganun?" Yun nalang ang nasabi ko. Naguguluhan ako sa kanya. Mukang may mapait syang karanasan sa mga magulang nya at doon yata ako mahihirapan dahil family oriented ako.
"Okay lang ba sayo?" Tanong nya. Hinawi pa nya ang buhok ko na nakalaylay sa muka ko kaya mas lalo akong kinikilig.
"O-Oo, sige." Ngumiti nalang ako ng tipid.
"Magmerienda tayo sa starbucks." Pag aaya nya.
Tangina tama ba naririnig ko? O baka naman small cup na americano lang oorderin namin? Hays.
"Tapos turo mo nalang mga gusto mong orderin ha." Dugtong nya.
Wow, ang galante nya ata ngayon?
"Si lola kasi, maipapasa na nya sakin ang restaurant nya sa korea. Konting lakad nalang ng mga papeles, okay na."
Mabilis akong napatingin sa kanya at napatigil sa paglalakad.
"Oh bakit?" Tanong nya.
"Edi aalis kana rin pala dito?" Tanong ko pabalik sa kanya. Paano na kami pag umalis sya?
"Ahm kahit naman umalis ako, magiging okay pa rin naman tayo di ba?"
"No! Mahirap ang LDR! Paano na yung relasyon natin? Wag ka munang umalis, hintayin mo munang makapasa ako sa audition ko sa entertainment doon!" Giit ko.
"Haha entertainment? Para rin naman yun sa future natin, para hindi tayo maghirap pagdating ng panahon."
"Alam mo okay lang sakin kahit maghirap tayo basta magkasama tayo!" Halos papaiyak na sabi ko.
Bigla nya kong niyakap at naramdaman ko ang malambot nyang labi sa noo ko. Akala ko sa labi ko na, bwisit naman.
"Matagal tagal pa naman yun, kaya habang magkasama pa tayo. Sulitin na natin." Bulong nya sakin.
Bwisit ka talaga Jeon Jungkook! Iiwan mo din pala ako pagdating ng panahon!
BINABASA MO ANG
Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)
Conto"Jungkook oppa!" "Wag mo kong tawaging oppa, ooppakan kita dyan!" #EpistolaryNovel