❤44

707 31 1
                                    

LOVE'S POV

Buong gabi ako hindi nakatulog sa sobrang excited na makauwi, miss na miss ko na si Jungkook! Gusto ko na syang mayakap ulit.

Nauna na kong sumakay sa sasakyan ni Papa Ryan papuntang airport.

"Papa Ryan, naeexcite na po talaga ako!" Para akong batang nakikiusap kay Papa Ryan na bilisan 'yung pagmamaneho.

"Ako rin naman eh, matutupad na 'yung gusto kong magkaayos kami. Pero mukang may problema tayo Love." Aniya kaya naman nawala ang ngiti sa labi ko.

"A-Ano po 'yun?"

"Sabi sakin ng Lola nya, ngayon na din daw 'yung flight ni Jungkook papuntang Korea."

"PO?"

"Yun ang sabi ng Lola nya, eh wala naman doon 'yung Lola nya para pigilan sya, hindi rin namin makontak si Jungkook."

"Hindi po pwede Papa Ryan!" Halos mangiyak ngiyak na sabi ko.

"Wag ka muna magpanic Love, kung siya talaga 'yung true love mo, kahit magkalayo kayo, magkikita at magkikita pa rin kayo."

~~

"Ma, Papa Ryan, kailangan nating bilisan para maabutan ko si Jungkook, dederetso na ko sa airport!" Sabi ko sa kanila pagkarating namin ng Manila.

"Oo, dederetso na tayo." Pagsang ayon ni Papa Ryan kaya naman halos manakbo na kami para makalabas ng airport dahil nasa kabilang airport pa si Jungkook.

Ilang oras lang ay nasa kabilang airport na kami.

Naabutan ko doon ang mga kaibigan ko.

"Mga trops!!!!" Sigaw ko sa kanila.

Kitang kita ko naman ang ngiti sa mga labi nila nang salubungin nila ako bago ako niyakap.

"Sandali, hindi ako makahinga!" Giit ko.

"Nasaan pasalubong namin!" Masayang sambit ni Hoseok kaya naman nabatukan ko sya.

"Si Jungkook?" Tanong ko sa kanila.

Bigla nalang naging malungkot ang mga muka nila.

"Si Jungkook? Nasaan na? Magkakabalikan na kami mga trops!" Masayang sabi ko pa.

"Kakaalis lang nya Love, di kana umabot." Malungkot na sabi ni Jimin kaya naman halos manghina 'yung tuhod ko.

"Baka nagbago pa isip ni Jungkook, hindi aalis 'yun!" Sabi ko sa kanila bago ako nagtatakbo.

"Jungkook! Kookie Oppa!" Sigaw ko kaya naman nagtinginan ang mga tao sakin.

"Jungkook! Kookie Oppa!" Sigaw ko pa.

"Tama na Love, muka kanang tanga. Nakikita mo 'yung eroplanong 'yun? Diba lumilipad na? Doon nakasakay si Jungkook." Sabi sa akin ni Yoongi kaya naman halos batukan ko sya pero pinigilan ko 'yung sarili ko dahil alam kong gagantihan nya ko.

Bigla nalang akong napaiyak sa isang tabi at napaupo sa sahig. Tinakpan ko nalang 'yung muka ko ng magkabilang palad ko dahil nahihiya akong makita nila akong umiiyak, pero hindi ko kayang pigilan ang mga luha ko.

Okay lang sana kung sa probinsya nalang sya pumunta eh, bakit sa Korea pa? Mas malayo 'yun. Hindi ko rin alam kung saan sya doon pumunta at kung kailan pa sya babalik. Kung babalik pa ba sya.

"Akala kasi ni Jungkook wala na syang pag asa sayo, kasi hindi ka man lang nagparamdam kahit binigay ko naman 'yung sulat nya sayo." Sabi sa akin ni Jin.

"Nung isang araw ko lang nabasa eh." Humahagulgol na sagot ko.

Bigla nalang may humawak sa magkabilang kamay kong nakatakip sa muka ko at pilit akong itinayo.

Jungkook?

"Tumahan kana." Aniya.

"Ayoko nang nakikita kang umiiyak." Sabay yakap nya sakin.

"Taehyung."

Akala ko si Jungkook na.

~~

A/N: Ganun talaga guys, minsan hindi happy 'yung ending, pero malay nyo si Taehyung pala 'yung true love nya. Hahaha!

Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon