LOVE'S POV
Ilang buwan akong walang ganang kumain dahil umaasa ako na may Jungkook na kakatok sa pinto namin. Maraming beses ko nang kinukulit si Papa Ryan na kontakin si Jungkook pero miski sya ay hindi ito makontak, hindi nya rin makontak ang Lola ni Jungkook kaya hindi nya rin alam kung saan ba sa Korea si Jungkook.
"Kulang pa kasi 'yung ipon ko para makarating tayo ng Korea eh." Malungkot na sabi sa akin ni Papa Ryan. "Gusto ko ring mahanap si Jungkook, pero miski 'yung Lola nya, hindi ko makontak para makahingi ng tulong. Sobrang busy na siguro."
"Anak, sinusundo kana ni Taehyung, baka malate pa kayo sa school!" Tawag sa akin ni Mama kaya naman tumayo na ko at uminom nalang ng tubig, hindi ko na naman naubos ang pagkain ko.
"Good morning Love." Bati sa akin ni Taehyung. Sinabi sakin ni Taehyung na hanggang ngayon hindi sya nawawalan ng pag asa na magkabalikan kami pero ayos lang din naman daw sa kanya kung ayaw ko na talaga sa kanya.
Kung minsan napapaisip na rin ako kung aasa pa ba ako kay Jungkook. Kasi kung mahal talaga ako ni Jungkook, hindi aabot ng ilang buwan 'yung hindi nya pagpaparamdam, kahit man lang sana 'yung papa nya, dapat kinokontak nya.
"Ma, alis na po kami." Paalam ko kay Mama.
"Sige, mag iingat kayo ah?" Aniya. "Saglit lang anak, 'yung cellphone mo naiwan mo!" Pahabol sakin ni Mama.
Hindi ko alam kung tatanggapin ko pa ba 'yung cellphone ko. Hindi na ko ginaganahan gumamit ng cellphone kung hindi rin naman si Jungkook 'yung tatawag o kachat ko.
Napakunot ang noo ko nang biglang mag-ring 'yung cellphone ko. Unknown number lang sya kaya naman kinuha ko ito mula sa kamay ni Mama.
"Baka si Jungkook na 'yan?"
Biglang bumilis 'yung heartbeat ko nang sabihin iyon ni Mama.
"Hello?" Kinakabahang sagot ko sa tawag.
Sana si Jungkook na nga.
["Hello, this is from YG entertainment, congratulations Ms. Love Lee, you're one of the lucky performers who passed the audition. You already have a chance to train in Korea."]
"Oh my gosh!" Gulat na sabi ko.
["You've got a score 98% according to your singing and dancing skills based on your videos that you sent."]
"Thank you so much! Thank you, thank you!"
Nagtatatalon ako sa tuwa dahil pagkakataon ko na rin itong makarating ng Korea.
"Ma! Makakarating na ko ng Korea! Mahahanap ko na si Jungkook!" Tuwang tuwang sabi ko.
"Sabi ko sayo eh, kahit paglayuin kayo, magtatagpo pa rin kayo." Masayang sagot sakin ni Mama bago nya ko niyakap.
Napansin kong napakamot sa ulo si Taehyung pero ngumiti sya sakin. "Masaya ako para sayo Love." Aniya.
BINABASA MO ANG
Kookie Oppa! • Liskook (COMPLETED)
Short Story"Jungkook oppa!" "Wag mo kong tawaging oppa, ooppakan kita dyan!" #EpistolaryNovel