"Cafe Americano for Ms. Sereinne," tinanggal ko ang earphones ko sa isang tenga nung narinig ko ang pangalan ko, kasalukuyan akong nasa Cafe malapit sa unit ko dahil may inaantay akong importanteng tao ngayon.
Antagal tagal nga nung babaeng yun e, san pa kaya nagpupunta yon bakit hanggang ngayon ay wala parin? Tumayo nalang ako sa upuan ko para kunin yung kapeng inorder ko at bumalik na rin.
Biglang tumunog yung pinto netong cafe at niluwa nung ang napakagaling kong kaibigan. Nagiikot muna yung mata niya bago pa lumapit sakin, jusko talaga tong babaeng 'to.
Nakapamewang muna siya sakin bago siya tuluyang umupo sa harap ko, naku talaga tong babaeng to! Mukhang badtrip na naman.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ko sakanya, kinuha naman niya ang kape na nasa harapan ko at ininom ito at bumuntong hininga. Ano na naman kaya ang problema nito?
Tinaasan ko siya ng kilay at bumuntong hininga ulit ito sa harapan ko.
"Ano bang problema mo? E kung magsalita ka kaya hindi puro ka ganyan." Pagsesermon ko sakaniya, high school palang kami ay ganyan na yan. Palaging naka buntong hininga, kala mo tuloy araw araw may problema.
"Ganito kasi yon! Namomoblema ako ngayon dahil dun sa reunion natin! Mga high school batch mate '10! Hindi ko alam kung anong susuotin ko." Dere-deretso niyang sabi na kala mo eh member ng isang rapper group.
Pero napaisip ako nung nabanggit niya yung reunion, bakit hindi ko alam 'to? Wala man lang nagsabi saken.
"Ha? Anong reunion?"
Nagulat naman siya nung tinanong ko yon at bigla na naman napaisip. Minsan talaga hindi ko malaman ang nasa isip netong kaibigan ko at bigla bigla nalang maggagaganyan.
"Tsk! Ang tagal mo daw kasing nawala kaya di rin nila alam kung pupunta ka or what." Nakanguso niyang sabi sakin, totoo rin naman. Sobrang tagal na simula nung nawala ako, hindi naman ako umalis ng bansa pero lumipat kami ng bahay malayo sa lugar na pinagtitirahan namin dati. Nawalan na kasi ako ng connection sakanila simula nung araw na yun.
"Ayokong pumunta, ikaw nalang."
"Tumigil ka nga! Nakakainis ka na, hanggang ngayon ba naman tinatakbuhan mo parin siya? High school pa tayo non tapos ngayon may mga sarisarili na tayong buhay hindi mo parin siya hinaharap hanggang ngayon."
Napatahimik ako sa sinabi niya at bigla na naman nagrehistro sa isip ko ang mga nangyari 7 years ago.
Naalala ko na may kinabaliwan akong isang lalaki noon, yung tipong kada makikita ko siya sa eskwelahan namin ay halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba. Ewan ko bakit ganun kalakas ang epekto niya sakin. Natatandaan ko pa kung saan ko siya unang nakita at yung araw na yon ay hinding hindi ko malilimutan.
"Uy Balita ko may gaganapin daw na classical music competition dito sa school natin ah?" Dinig kong sabi ng kaklase ko habang nakikipagkwentuhan siya sa isa ko pang kaklase.
Ano daw? Classical music competition? Ano naman kaya yun? Hindi ko naman alam kung ano yon kaya hayaan ko nalang.
Dumiretso ako sa office nitong school building namin para puntahan ang kaibigan ko. Naglilinis don dahil may ginawa na namang kalokohan.
"Bilisan mo diyan Mica dahil gutom na gutom na ako." Sabi ko sakanya, nakatulala naman ito sa kawalan habang hawak hawak yung pamunas na pinanggamit niya para panglinis dun sa lamesa ni Ma'am Paula.
"Pagod na pagod na ako bwisit! Hindi naman ako yung nauna eh siya kaya yung na unang sugudin ako! Nakakainis naman oh." Reklamo niya at bumuntong hininga, bakit ba kasi nakapa lapit sa away nitong kaibigan ko at ayan tuloy dito ang bagsak niya.
"Dapat hindi mo na kasi pinatulan alam mo namang ganun talaga ugali non e." Inirapan naman niya ako at bumuntog hininga na naman. Naiinis na ako sa mannerism niyang yan! Parang laging dala dala yung problema nitong mundo.
Nagulat ako nung bigla siyang tumayo na para bang may naalala at kinuha niya yung isang naka crumple na papel sa bulsa nung palda namin.
"Ay teka teka!! Ito dali manood tayo mamaya nito a? Antayin mo lang ako matatapos na ako sa paglilinis tapos punta na tayong theater." At pinakita niya sakin kung anong naka imprenta sa papel na hawak niya.
Musikang Klasikal
3pm Aug 13 20*0
University of San Sebastian Theater Hall
Let your talent in classical music shine!
See you there students!Ayan siguro yung pinagkukwentuhan nung mga kaklase ko kanina pero teka nga classical music? Diba parang ang boring naman non? Pero bakit parang ang daming babaeng gustong gustong pumunta don?
"Ayoko nga ikaw nalang no ang boring dun baka antukin lang sa mga violin tapos nga piano piano don." Sabi ko at totoo naman dahil wala akong hilig sa mga ganun tska lalo naman tong kaibigan ko pero bat ngayon gustong gusto na.
"Samahan mo na ako! Dali nandun yung buong soccer team natin eh! Nandun yung crush ko! Si Aldrin Ventosa! Pleaseeeee Rein samahan mo na ko lilibre kita mamaya nung lasagna mo." Kaya pala gusto niyang manood dahil dun sa Soccer team pati dun sa crush niya, pero dahil dun sa magic word na sinabi niya ay napa oo niya ako na sumama sakanya na makita yung crush niya.
Pagdating namin ay sobrang tahimik naman dito at parang onting kaluskos mo lang ay maririnig na nilang lahat. At eto naman kaibigan ko ay halos pagpawisan na sa sobrang kaba, kala mo siya yung magpeperform. Nakaka antok nga sa totoo lang, lalo na yung nag papiano tapos yung nagviolin kanina, pero infairness ang sarap sa ears.
"Ano na pwede na ba tayong umalis? Baka makatulog na ako rito."
"Mamaya na please? Antayin lang natin tumugtog si Shan." Bulong niya sakin.
"Sino naman yung Shan na yun?"
"Gaga ka, member nung soccer team natin yun no. Sila yung pinunta nung mga yun." Nginuso niya yung mga lalaking naka upo bandang unahan namin. Hindi ko nakita yung mga mukha nila dahil nakatalikod pero likod palang alam halata mo na medyo maganda yung hubog nung katawan nila. Isa siguro diyan yung crush netong si Mica.
"Hala ayan na si Shan."
Binaling ko yung mga paningin ko sa entalblado at may isang lalaking naka tuxedo na papalapit sa grand piano sa gitna, kilala ko to. Siya si Shan Martinez, pamilyar ang pangalan niya sa school dahil siguro ay soccer player siya pero hindi ko alam na marunong pala siyang tumugtog ng piano.
Napatahimik ako sa nakita ko at simula nung inilapat niya ang mga daliri niya sa piano keys at nagumpisang tumugtog ay tila ba nakikisabay ang tibok ng puso ko sa bawat galaw niya. Ang pakiramdam na ito ay hindi ko maipaliwanag pero parang simula ngayon ay makakahiligan ko ng makinig sa ganitong klase ng musika at lahat nang yun ay dahil sakanya.
Nagising ang diwa ko sa tawag ni Mica saken. Nagdeday dream na naman ba ako? Bakit ba ganito? Naaalala ko na naman.
"Ano na? Sasama ka ba?"
"Sige sasama na ako." Alam ko na sa oras na makita ko ulit siya ay magbubukas na muli ang pintuan na matagal na panahon ko ng sinarado.
Sana lang pag nakita ulit kita ay di ako traydurin ng bibig ko dahil baka masabi ko sa'yo ang mga bagay na hindi ko na dapat sabihin. Yung mga bagay na matagal ko na dapat kinalimutan pero hanggang ngayon ay nandito parin. Sabi nga nila na 'Some things are better Left Unsaid' parang ang pagibig ko sakaniya na kahit kailan ay nakatitiyak ako na hindi niya malalaman.
--
Kamusta! This is based on a true story, and it is dedicated para sa lahat ng taong takot sumugal sa pagibig.
Sa next chapter po ay maguumpisa ang kwento nila 8 years ago.
Yun lang! Enjoy reading tska nga pala pagpasensyahan niyo na yung sa 'ng' at 'nang' nalilito kasi ako pagdating diyan kaya intindihin niyo nalang. Thank you! Pag naka abot ng 10 reads to pati 10 votes at 10 comments ay magaupdate ako.
BINABASA MO ANG
LEFT UNSAID
Novela JuvenilKaya mo bang itago sa isang tao na matagal mo na siyang gusto? Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo sa isang taong sobrang hirap maabot? Kaya mo ba?