Chapter 2
4th year high
Sept 12 20*1It's been a year simula nung nakita ko yung taong magpapabago ng taste ko sa buhay. Simula nung araw na 'yon, yung araw na nakita ko siyang tumugtog ng piano ay hindi na ako nakatulog dahil yung araw na din yun ay napaniginipan ko siya. Isang taon narin ang nakakalipas at eto ako ngayon at halos isang taon narin nagkakagusto sa lalaking hindi man lang ata ako kilala.
"Ano yan?" Tanong sakin ni Mica habang naka tingin sa screen ng phone ko. Wallpaper ko kasi yung nakita kong pinost na picture ni Shan sa Instagram. Hindi ko kasi siya friend sa facebook at naka private ata yung facebook niya kaya hindi ko rin masearch. Buti nalang may Instagram siya at hindi na kailangan mag followers request pa para makita ko yung mga pinopost niya.
Tumawa naman si Mica na pang witch at umupo sa tabi ko.
"Ikaw talaga Rein! Kunware ka pang hindi mo crush si Shan Martinez a, pero may pa wallpaper wallpaper ka pang nalalaman." Natatawa niyang sambit buti nalang at nandito kami sa tambayan namin ngayon sa tabi ng cr at walang masyadong tao rito kaya okay lang na asarin niya ako. Wala namang makakarinig e.
"Wag kang maingay Mica kala mo! Ibubuking kita kay Aldrin na may gusto ka sakanya." Pagbabanta ko, di ko naman close yung Aldrin kaya wala ring kwenta yung pagbabanta ko. Wala gusto ko lang siyang iblackmail.
"Wow! Kala mo namang close kayo, Sinong niloko mo? Belat! Tara na nga at kumain nalang tayo sa Canteen." Hinila niya ako hanggang sa makarating kami sa school canteen.
Maraming tao ngayon dahil breaktime narin ng mga Gr. 9 at Gr. 10 kaya ganun. Hinanap nalang ng mga mata ko si Shan at hindi nga ako nagkakamali at andito rin siya!
Dug dug dug dug
Hindi ko pinahalata na may gusto ako sakanya at kunware ay wala lang sakin 'to. Pero sumusulyap ako ng paunti unti sakanya.
Bagay na bagay talaga sakanya yung uniform namin. Puting puti ang uniporme niya at plantyadong plantyado. Naka sukbit rin sakanya yung ID ng mga student athlete kaya libre sakanila yung mga energy drink dito sa canteen. Pagnakakasalubong ko siya ay amoy na amoy ko yung pabango niya. Tapos yung buhok niyang minsan ay naka brush up, minsan naka ladlad naman. Ang mga features ng mukha niya ay nakakainlove talaga. Medyo singkit siya at maganda rin yung balat niya, bali-balita ay half chinese daw si Shan kaya medyo mistisohin siya.
May lalaki pala talagang almost perfect no? Yung parang walang mali sakanila at halos lahat ay perpekto na. Posible naman pala ang mga tulad niya para sa isang ideal type pero hindi nga lang siya yung para sa'yo.
Agad na tumayo si Shan at nagpunta sa counter at may binibili ata.
"Punta ka dun dali! Kunware may bibilhin ka rin." Bulong sakin ni Mica at sinunod ko naman. Papalapit palang ako ay sobrang kabadong kabado na ako.
Nasa tabi ko na siya at kamustahin niyo naman 'tong puso ko. Sobrang lakas na ng tibok mo please wag kang papahalata sakanya.
"Ate dalawang gatorade nga po." Sabi Ni Shan dun kay Ate Mayet, yung nagtitinda dito sa canteen.
Tahimik lang ako sa tabi ni Shan at kunware nagaantay lang ng turn ko para bumili. Pag kaharap ko siya ay nagiging best actress ako.
"May laro ba kayo mamaya?" Tanong ni Ate Mayet kay Shan.
Naku! Ate Mayet! Kung alam mo lang kung gaano ka kaswerte dahil nakakausap mo siya. Baka pag kinausap ko yan ay baka di lang ako pansinin at sabihan pa akong feeling close.
Tumango naman si Shan at iniabot na ni Ate Mayet yung dalawang gatorade na kulay violet. Ang swerte naman ng mga Althlete dito, biruin mo libre sakanila yung mga ganyan pero kaming mga normal na estudyante ay may bayad. P45 yung isang gatorade dito, ang mamahal ano? Parang ginto e. 35 lang ata sa 7/11 yan e.
BINABASA MO ANG
LEFT UNSAID
Novela JuvenilKaya mo bang itago sa isang tao na matagal mo na siyang gusto? Kaya mo bang pigilan ang nararamdaman mo sa isang taong sobrang hirap maabot? Kaya mo ba?