Chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3
Sorry

Ngayon na ang araw ng birthday ni Lira, kanina sa school ay halos hindi na ako makapag focus sa mga lesson dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, natutuwa ako at the same time ay kinakabahan rin. Sino ba naman kasi ang inaakala na yung mismong kapatid niya ang magrereto sakin sakanya.

Dumaan rin kanina si Lira sa school namin at inabot ang invitation para sa 16th birthday niya. 3rd year high school lang pala siya, at isang taon lang rin ang tanda ko sakanya.

Hindi na ako mapakali sa kwarto ko ngayon at kanina pa ako paikot ikot dito, hindi ko kasi malaman ang susuotin ko.

Mag dress kaya ako? O kaya magpantalon nalang? Mukhang pang high profile ang mga imbitado ron kaya magdress nalang siguro ako.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako ng dress na kulay maroon. Syempre naghanda narin ako ng regalo para kay Lira, nakakahiya naman kung makikain lang ako ron diba. Sa totoo lang ayoko talagang pumunta dun, nahihiya ako dahil hindi ko pa naman siya gaanong kilala at hindi parin naman niya ako gaanong kilala tapos iimbitahan niya ako sa birthday niya.

Paano nalang kung magnanakaw pala ako? Paano nalang kung mamamatay tao pala ako? Paano nalang kung pera lang pala ang habol ko sa kapatid niya diba? Pero syempre hindi naman ako ganon. Hindi naman yun ang habol ko sa kapatid niya. Hindi ko rin naman ineexpect na maririnig niya yung usapan naming dalawa ni Mica eh, tapos magugulat nalang ako na irereto na niya pala ako sa kapatid niya.

Humarap ako sa salamin at ngumiti, maganda naman ako. Syempre ikeclaim ko na maganda ako dahil ako lang naman magisa rito, pakapalan nalang ng mukha yan. 

Yung dress na napili ko ay off shoulder type at medyo fitted yung sa waistline ko. Hindi naman ako payat, hindi rin ako mataba kumbaga sakto lang para sa edad ko.

Nagheels narin ako para hindi naman ako magmukhang kawawa dun, yung hanggang balikat kong buhok ay ipinlantsa ko.

Sa huling pagkakataon ay humarap ulit ako sa salamin at ngumiti, kuntento na ako sa suot ko at tinext ko na si Mica na papunta na ako sa bahay nila.

Pagkababa ko ay andun ang parents ko at nanonood ng tv kasama yung kapatid kong lalaki. Todo ang ngiti nila habang pababa ako ng hagdan, medyo mataas tong heels ko kaya medyo awkward pa ang paglalakad ko pero kailangan kong maging maayos dahil ito ang araw na ipapakilala ako kay Shan, kinakabahan narin ako dahil baka magkalat pa ako run.

"Saan ba kayo pupunta ni Mica?" Tanong ng mama ko.

"Sa birthday party lang po ng kaibigan namin," paliwanag ko.

"Jonathan! Ihatid mo na tong anak mo oh." Sabi ni Mama kay Papa, mabilis naman sa alas kwatrong lumabas si Papa para istart yung kotse namin.

"Wag kang papagabi ng uwi ah? Hanggang 9 ka lang tapos magtext ka rin sakin kung nakarating ka na." Pagpapaalala sakin ni Mama, yung kapatid ko naman ay nakaupo sa sofa namin at nakangiting nakatingin sakin.

"Ate! Dumaan kayo ni Ate Mica sa mall ah? Pasalubong ko." Sabi ng kapatid ko, bata palang yan at 6 years old palang kaya ang hilig sa pasalubong.

Umoo naman ako sa kapatid ko at nagpaalam na sakanila, inihatid ako ni Papa sa bahay nila Mica. Saglit lang ang byahe dahil malapit lang naman ang bahay nila Mica sa bahay namin.

Pagkadating na pagkadating ko sa kwarto ni Mica ay tapos narin siya sa paghahanda. Naka Blue na dress naman siya at naka sandals. Kung titingnan mo ang kaibigan ko hindi mo mahahalata na nananapak yan. Maganda si Mica, medyo magaslaw nga lang sya dahil medyo may pagka boyish at bagay na bagay talaga kaming dalawa dahil minsan ay ganun rin ako at nagkakasundo kami sa mga ganung bagay.

LEFT UNSAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon