Chapter 1

6 0 0
                                    

                                Chapter 1
             "Ang musika ang nagtulak
                  sakin papalapit sayo"

8 years ago
Aug 12 20*0 
3rd year high

Umagang umaga sa eskwelahan namin ay halos magkagulo na ang mga tao dito. Hindi ko alam kung bakit ang iba kong kaklaseng babae ay nagpapaganda.

Ano bang meron? Bakit wala man lang akong alam alam sa mga nangyayari dito sa school? Dumiretso nalang ako sa classroom namin at nadatnan ko dun ang mga kaklase ko na nagaayos ng mga gamit nila at para bang tuwang tuwa sila sa mga pinaguusapan nila.

Lumapit ako sa isa kong kaklase para magtanong kung anong nangyayari, sobrang curious na ako sa mga pinaggagagawa nila.


"Leo anong meron?" Tanong ko.


"May school media daw kasi na magiinterview ngayon sa mga players natin tapos ipapakita sa ibang branch nitong school yung magagawang footage." Pagpapaliwanag naman si Leo at umalis na rin.

Kaya pala nagkakaganyan sila kasi may school media na magiinterview, taon taon ay may nagaganap na soccer match sa eskwelahan namin at taon taon rin may school media pero napaaga naman ata ngayon taon kaya siguro ay wala man lang akong kaalam alam sa mga nangyayari.


Isang oras na rin ang nakakalipas pero ang kaibigan ko at ang teacher namin para sa first subject ay wala parin. Himala ata at maaga ako sa pagpasok kanina at si Mica naman ang late. Natatawa talaga ako pagnaiisip ko ang itsura niya pag sinisermonan ako araw araw dahil late ako, mukhang ngayon ay ako naman ang mangsesermon sakanya.

Dumating na ang alas kwatro ng hapon at wala parin ang kaibigan ko, ngayong oras narin ang interview ng mga soccer players at sobrang dami ng tao sa field para manood ng interview.

Syempre dahil dakila akong tsismosa ay makikinood narin ako, hindi kasi ako pamilyar sa mga members ng soccer team kaya susubukan kong manood para man lang may ideya ako sa mga yun.

Sobrang siksikan na ang mga studyante dito sa field at naka handa na rin ang mga camera at andun narin yung sikat na host dito pagdating sa mga events.

Grabe lang! Ang ganda niya, alam niyo ba na pangarap kong makita man lang sa camera kahit minsan pero sad to say at ang pangarap kong yun ay parang malabong mangyari. Gusto ko sanang sumali dito sa mga club tungkol sa hosting pero nahihiya ako pag magaaudition kaya hanggang pangarap nalang yun.


"Gosh! Excited na ako!!"


"Mee too! Mamaya pag tapos ng interview papicture tayo a?"


Rinig na rinig ko ang nga pinaguusapan ng mga schoolmate ko, hindi ko naman sila masisisi kasi bali-balita ay may mga itsura naman talaga yung mga players namin kaya sila nagkakaganyan.

"Okay students! Tahimik muna tayo magsisimula na!" Sabi nung isang lalaki habang may hawak hawak na mic kaya ang lahat ng tao dito sa field ay naging tahimik.

LEFT UNSAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon