Left Unsaid

3 0 0
                                    

'Somethings are better left unsaid'

Totoo nga bang may mga bagay na nararapat na hindi nalang sabihin? Totoo nga bang may mga bagay na mas makakabuti kung hindi mo nalang malalaman?

Noon pa mang highschool ako sobrang hilig ko ng magbasa ng mga pocket books at mga novels. Ito nalang kasi ang paraan ko para makatakas sa mundong 'to kahit papaano. Ito nalang yung paraan para kahit papaano ay makaramdam ako ng saya.

Dito rin ako umasa na balang araw mahahanap ko rin yung taong para sakin tulad nung mga nababasa ko sa mga libro. Sa libro kase halos perpekto na ata ang pagkakadescribe ng mga author sa love story nang kung sino mga bida dito. Yung tipong halos perperkto na yung lalaki. Gwapo, Mayaman at nagugustuhan rin niya pabalik yung bidang babae.

Isang aminan lang ay nagiging mag on na agad sila, pero alam niyo sa totoong buhay ay napaka hirap palang umamin sa isang taong gusto mo.

Yung tipong gusto mo ng sabihin dun sa taong yon pero nauunahan ka ng takot. Nauunahan ka ng takot na mareject, pagtawanan o kung ano pa man.

Nagkagusto ako sa isang lalaki sa school namin. Sa isang lalaking napaka hirap abutin. Yung kahit ang lapit lapit niya sakin ay parang sobrang layo na ng pagitan namin.

Sa kwentong 'to matututunan niyo na may mga bagay na dapat wag mo nalang sabihin. Tulad ng pagmamahal ko sakanya, hindi ko man lang masabi sabi. Sabi ng kaibigan ko na sa pagibig ay kailangan mong sumugal kahit walang kasiguraduhan kung magugustuhan karin ba niya pabalik.

Yung pagibig ko sayo ay nararapat lang na isarili ko nalang kasi alam kong kahit kailan wala akong chance sa'yo kasi alam ko naman na hindi ako ang gusto mo.

LEFT UNSAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon