Entry # 2

5 0 0
                                        

Hi buddy!
Pa entry ulit ah? 😅

Alam mo minsan maa-appreciate mo talaga yung halaga ng isang bagay depende sa sitwasyon. Hindi inaasahan at wala sa plano then eventually, you'll end up being thankful.

Tulad ngayon. Nandito ako sa isang lugar na tanging mga halaman lang ang kakilala. At ang nag-iisang karamay ko sa awkward na sitwasyong ito ay ang cellphone ko.

Tsk! Napapanis na yung laway ko kakatikom ko ng bibig at sumasakit na yung mata ko kakatutok at kakalikot sa SD card at device memory ng phone ko kasi puno na. I can't take pictures anymore. 😒

Hindi pa ako nananghalian kasi ang awkward kong kakain ako mag isa tapos sila busy lahat kaka-decorate, arrange at kung anong bagay pa ang ginagawa nila.

Nakaka-frustrate kasi hindi ko sila kilala lahat and worst walang signal sa lugar nato. Nakakaumay na rin yung stories sa library ko.

I feel so out of place in this place. Nakakainis kasi gusto kong tumulong at makipag-usap but I don't know how at feeling ko rin wala akong karapatan. Alam mo yung feeling? Na parang nakakapanliit sa sarili at feeling ko unti-unti na akong kinakain ng insecurities ko. 😭 And I don't want to feel this kind of pain in my chest kasi mawawalan ako ng kompyansa sa sarili ko niyan.

Hindi ako sanay sa ganitong bagay at sitwasyon, oo. Pero pinipilit ko namang makisama and I'm trying to fit in. Minsan nga tinatanong ko yung sarili ko kong kakayanin ko ba talaga to. Kasi feeling ko wala akong kaalam-alam sa mga bagay na'to.

I can surely handle the students but the question is, how can I handle the stress? Will I be a good teacher? Ngayon pa nga lang parang gusto ko ng magback out nalang eh. Naduduwag ako na ewan kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Nalilito ako, natatakot at naninibago. I'm a teacher but I'm afraid of teaching. Oh diba nakakatanga?

Hinihintay ko yung mga kasamahan kong high school teachers pero nalipasan na lang ako ng gutom wala pa rin kahit isang dumating. Jusko ha, nakakainis na. I'm definitely not a morning person pero pinipilit kong bumangon ng maagang-maaga at tinitiis ang bawat umaga na parang isang contestant ng ice bucket challenge uy para hindi ako malate.

Tsk. Ayokong dalhin sa trabaho ko yung ugaling 'always late' eh. Nanakit na yung pwet ko kaka-upo at parang puputok na yung pantog ko kasi nahihiya akong umihi. Haay! Sana pala nagdala ako ng unan dito kasi nakakaantok maghintay. Only if I know this will happend.

Pati sa favorite fruit ko nawalan na ako ng ganang kumain. Nakakabadtrip talaga to eh. Pano, hindi ako yung tipong friendly na madaldal. Minsan lang ako maging friendly at sa mga friends ko lang ako madaldal. Kumusta naman yun?

Sa totoo lang, nakakatawa na nakakaiyak yung sitwasyon ko ngayon. Parang gusto ko na nga silang pagsabayin' gawin. Nakakabuang haha.

Geh, yun lang muna. Next time ulit! 😃

~Ria

Give Your Story A TitleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon