Hey bud,
Ang tagal ko na palang hindi nakaka-entry sayo. Umabot na ng 4 na buwan. Namiss kita Buddy! 😊
Alam mo gumawa ako ng cake. First cake ko, Haha. Ayun, hindi naman siya masyadong sunog tsaka malasa naman. Hindi kasi ako gumamit ng oven kasi wala naman kami nun, ini-steam ko nalang. Coffee pala ang flavor nun, medyo hindi ako sanay sa lasa ng kape eh, napapaitan ako.
Pero grabe, ang hirap pala mag-bake lalo na pag hindi kumpleto ang mga gamit! Naku, nangalay ang mga braso ko kaka-whisk ng eggwhite para maging meringue. Buti't tumulong ang kapatid ko, napakinabangan ko ang maskels niya haha. Ayun, fluppy naman ang cake pero durog ang gitna eh. Sa sobrang excited ko kasi ini-slice ko agad pagkahain, dapat pala palalamigin muna tapos mas mabuting sinulid ang gagamiting pang slice para hindi madurog. Napanood ko kasi sa youtube. Se-share ko ba ang recipe? Sige, pag may magko-comment siguro. Haha.
May natutunan ako sa ginawa ko today, yun ay wag kang mapagod agad. Kahit gaano pa kahirap ang ginagawa mo o hinaharap mong sitwasyon ngayon darating at darating din ang time malalasap mo ang tamis ng iyong mga paghihirap, ang lambot at ang sarap ng tagumpay sa bandang huli. Basta ba wag kang susuko kahit gano paman kahirap yan, magiging worth it din sa huli.
P.S. Mag-aaral na akong mag bake. 😂
~Ria 🍰
BINABASA MO ANG
Give Your Story A Title
AcakBawat araw na nagdaan ay isang kuwento. Isang kabanata ng ating buhay. Ang pamagat ay naka-depende sa kung anong emosyon ang umiiral sa iyo at kung anong sitwasyon ang dumaan sa araw mo. Enjoy Reading! ✔ Vote ✔ Comment ✔ Share ✔ Follow me ✔ Read m...
