Hi Buddy,
Hapong-hapo ako ngayong araw. PAGOD NA PAGO AKO. Halos tatlong sako ng labahin ang nilabhan ko ngayong araw eh. May isang sakong puro puting damit pa ang kailangang labhan. Kalerkey'ng buhay. Ang hirap talaga pag nag-iisang babae ka lang at ang nag-iisang kapatid mo pa ay sobrang batugan. Tinambakan pa ako ng maruruming damit niya pagkakitang naglalaba ako. Nakakainis.
Alilang-alila ako ngayong araw. 😭 Tuwang-tuwa naman ang mama ko kasi ang bait ko daw at naisipan kong labhan ang gabundok naming labahin na 3 buwan ng nakatambak sa mga basket, kikiskisan daw nila ang kuko ko. Kuuuu nakakainis lang! At hindi ko alam kung bakit naisipan kong gawin yun. Once in a blue moon lang akong sapian ng espiritu ng kasipagan talaga.
Habang naglalaba ako nakatunghay ang mga audience ko sa'kin. Lahat sila manghang-mangha lalo na si mama at panay naman ang panunukso ng tiyahin ko sa'kin. Bingi-bingihan ako at nagconcentrate lang sa paglalaba ng biglang nangulit ang tiyahin kong isa na addict sa facebook, talaga namang umabot sa level 99 ang inis ko kasi paulit-ulit niyang tinatanong kung 'pano makukuha ang confirmation code sa fb account niya kahit paulit-ulit ko ng ini-explain yun.
Dumating pa ang pamangkin kong baboy at nakisali sa ginagawa ko at pagkatapos nagtampisaw sa tubig na gagamitin ko pangbanlaw. Halos nagkandakuba-kuba pa ako sa pag-igib nun kasi wala kaming gripo tapos ginawa lang niyang swimming pool ang malaking planggana na pinaglagyan ko.
Imaginin mo yung pagka-badtrip ko Buddy. Idagdag mo pa na gutom na gutom ako pagkatapos pero pagbukas ko sa ref nawala na dun ang last slice ng coffee cake na ginawa ko kahapon na kinain pala ng batugan kong kapatid. Tapos galit-galitan na ako't lahat pero hindi tumalab kay papa yun kasi galit din siya dahil wala man lang nag-abalang mag-prepare ng hapunan at nilalangaw na ang hugasin sa lababo, tanong ng tanong naman si mama sa'kin kung anong uulamin. Jusko, ang sasarap ng buhay nila! Gusto ko ng magwala at ipanghambalos lahat ng nakikita ko sa sala at ang sarap pagbabatuhin ng mga bungangang talak ng talak.
Ayun, ang ending umakyat ako sa kwarto ko at ini-lock ko ang pinto. Nagpanggap akong tulog at hindi ko pinakinggan ang bawat pagtawag sa pangalan ko at ang mga katok sa pintuan. Bahala sila, matutulog ako dahil wala ng mapaglagyan ng pagod ang katawan ko.
Nagising ako madilim na ang buong kwarto. Damang-dama ko na din na parang may nakadagan sa'kin na mga sakong seminto. Ang bigat-bigat ng katawan ko at ang baho ko na, hindi pa pala ako naliligo at kumakalam na ang sikmura ko.
Lumabas ako ng kwarto kahit para akong lalagnatin. Pagdating ko sa kusina my nakahanda ng pagkain sa mesa kaya kuain na ako. Napadako naman ang paningin ko sa lababo na sana ay hindi ko ginawa kasi nagtambak na naman ang hugasin. Napapikit na lang ako at bumuntong-hininga.
~Lantang Ria.
BINABASA MO ANG
Give Your Story A Title
AcakBawat araw na nagdaan ay isang kuwento. Isang kabanata ng ating buhay. Ang pamagat ay naka-depende sa kung anong emosyon ang umiiral sa iyo at kung anong sitwasyon ang dumaan sa araw mo. Enjoy Reading! ✔ Vote ✔ Comment ✔ Share ✔ Follow me ✔ Read m...
