Hi Buddy,
Guess what? Balik na ulit ang energy ko!
Tumutulong na kasi sa gawaing bahay ang batugan kong kapatid at hindi na masyadong nangungulit ang tiyahin ko. Nag-ala amazona ba naman ako 'nung nakaraan. Pang best actress din ang linyahan ko 'nung napugto ang pasensya ko sa mga kasama ko sa bahay. Ang akala nila may katulong sila eh, kabila't kanan ang mga utos 'kala mo naman pinapasweldo nila ako eh panay nga ang hingi nila ng pera sa'kin. Kuuu! Tapos sasabihin pa nila ang selfish ko raw, porket naka-graduate na ako't nagkatrabaho ganun sobrang yabang ko na daw. Ay naku! Ang laki pa talaga ng problema nila sa'kin ha, ako nga itong walang pahinga kakatrabaho para sa kanila eh, pati gawaing bahay ako pang ang gumagawa.
Ayun, sa sobrang sama ng loob ko umiyak ako ng bongga. Nadala na ako ng emosyon ko kasi kapapanood ko lang 'nun ng The Legal Wife kaya emosyunal ako. Nanumbat na ako at nangwenta ng mga gawain sa bahay na ako lang palagi ang gumagawa. Ang panget ko pa namang umiyak.
Alam ko namang mali yung ginawa ko kasi nga mga magulang ko sila kaya dapat lang na pagsilbihan ko kasi anak lang ako, pero nakakapagod lang ng paulit-ulit kong ginagawa ang mga gawaing bahay pero sila hindi naman naiisip ang pagod ko kakalinis tapos kakalatin lang pagkatapos. Okay sana kung solong anak lang ako o kaya'y maliit pa ang kapatid ko pero mas malaki pa sa'kin ehh. Ang lalaki ng mga braso pero ang tamad-tamad kahit sa pag-iigib hindi man lang maaasahan. Pero ang dami niyang time sa laro at sa girlfriend niya.
Palibhasa paboritong anak kaya spoiled sa mga magulang ko. Pag-inutusan mo makareklamo parang mababalian ng buto. Nagsusumbong agad kay mama tapos ayun, pagagalitan na naman ako kasi ang bossy ko daw sa bahay. Hindi ko na daw ginagalang ang pamamahinga ng mga kasama ko. Nakakabuwesit lang at nakakatang-ina talaga. Eh, wala naman silang ginawa buong maghapon kundi ang humilata at naka-tunganga sa tv.
Ang ending ako ang gagawa ng ipinag-uutos ko. Jusko, gusto ko nalang mag-asawa ng mayaman at umalis sa bahay na ito at hindi na magpakita sa kanila kahit kailan. Hahahahahaha
~Ria'ng pagod na.
BINABASA MO ANG
Give Your Story A Title
AcakBawat araw na nagdaan ay isang kuwento. Isang kabanata ng ating buhay. Ang pamagat ay naka-depende sa kung anong emosyon ang umiiral sa iyo at kung anong sitwasyon ang dumaan sa araw mo. Enjoy Reading! ✔ Vote ✔ Comment ✔ Share ✔ Follow me ✔ Read m...
