Entry #9

2 0 0
                                        

Hi Bud,

Nag-backread nga pala  ako, parang ang landi ko naman ata sa nakaraang entry ko. Ubod ng assuming pa. Kuuuuuu!

Ngayon ko lang naisip ang ka-LDR ko dati, hindi kasi maganda ang paghihiwalay namin eh. He was my bofriend for almost 7 years. After high school kaming naging mag-jowa. Medyo complicated ang relasyon namin dati kasi hindi alam ng parents ko ang namamgitan sa'min 'nun pero open naman siya sa parents niya--sa buong family niya actually including the tita's, tito's, and cousins.

Sabi niya botong-boto daw ang angkan niya sa'kin bilang girlfriend niya. Masayang-masaya nga daw ang mga ito at nakatagpo na siya ng matinong babae kuno (dami ko tawa dun), lahat kasi ng mga ex-girlfriends niya hindi bet ng angkan niya. Ang dami nilang criticism sa mga ito.

Gandang-ganda naman ako sa sarili ko nun, feeling ko ang haba ng hair ko. Talaga namang ang sarap sa feeling pag gusto ka ng family ng boyfriend mo tapos inlove na inlove naman ito sa'yo, para kang nanalo sa jackpot prize.

Pero ang nakakalungkot hindi pa alam ng family ko ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Takot kasi akong malaman nila na may boyfriend na ako eh. Sabi kasi ni papa noong sophomore ako bawal daw magboyfriend saka na lang daw pag tapos na sa pag-aaral ang bata ko pa daw kasi. Nakinig naman ako hindi ko nga lang sinunod.

~Ria'ng matigas ang ulo.

Give Your Story A TitleMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon