Naglalakad na si Tasya papauwi sa kanilang bahay nang biglang nawalan ng ilaw ang piligid.
“Malas naman oh!” napawika nalang ito. Agad niya namang kinuha ang kanyang cellphone mula sa kanyang bag upang may magamit siyang ilaw sa kanyang paglalakad.
“Brrr. Ang lamig pa.” Malalakas at malamig na simoy ng hangin ang sumasalubong sa kanya habang siya ay naglalakad.
Pagdating niya sa labas ng kanilang bahay ay agad siyang nagtaka dahil naiwang bukas ang kanilang gate. Agad naman niya itong isinara at naglakad na papasok. Ngunit laking gulat niya nang nakita niya ang kanilang katulong na nakatali malapit sa kanilang pintuan.
“Yaya? Yaya! Anong nangyari?” Tarantang tanong ni Tasya sa katulong. Tinggal niya ang takip sa mukha nito at tinanggal ang mga tali sa kamay at paa nito.
“Hi-hindi ko po alam kung sino po sila Maam Natasya. Basta ang alam ko lang po ay nasa panganib ang iyong ama!” Naiiyak sa wika ng katulong at may bakas pa itong takot.
“Si Dad? Si-sige po yaya. Umalis na po kayo dito at humingi po kayo ng tulong.” Dali dali namang pumasok si Tasya sa mansyon.
"Dad? Dad! Nandiyan ka ba?" Halos mabaliw siya sa pag-iikot sa loob ng kanilang bahay upang mahanap ang kanyang ama, hanggang sa pumunta siya sa may bakuran. Mayroon siyang naririnig. Hindi lang isa, kundi maraming boses.
Kaya dahan dahan siyang lumapit.
“Wala na ang pinunong korapt!”
“Ito ang sinasabi kong sapat na kabayaran Kapitan!”
“Iligpit mo na iyan Fernan!”
“At siguraduhin mong walang ibedensiyang maaaring makakapag lagay sa atin sa panganib.”
“Daddy!” Hindi mapigilang sumigaw ni Tasya nang makita niya ang duguang katawan ng ama niya.
Tumakbo siya papunta sa wala ng buhay na katawan ng kanyang pinkamamahal na ama.“Anong ginawa niyo sa daddy ko? Sino kayo?! Bakit niyo ginawa ‘to?!” Pasigaw na wika ni Tasya habang humahagulgol ito sa iyak.
“Kapitan, anong gagawin natin sa anak niya? Baka magsalita pa ‘to. Lagot tayo.” Bulong ng isang rebelde sa Kapitan.
“Dakpin niyo siya! Gawin nating bihag!” Utos ng Kapitan.
“Narinig ninyo ang Kapitan! Dakpin ang anak ng mayor!”
“Teka! Ano ba! Saan niyo ako dadalhin! Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Daddy!! Daddy!!” Sigaw ni Tasya habang pilit na pumipiglas mula sa pagkaka hawak sa kanya ng lalaki.
“Tumahimik ka nalang.” Dinig niyang sabi ng rebelde. Mayroon itong telang itinakip sa kanyang mukha, at bigla nalang naging madilim ang lahat.
-------
“Ano ba ang planong gawin ni Kapitan sa kanya? Baka kung ano pa ang gawin nito.”“Bakit ba ako ang sinasabihan mo niyan! Sa Kapitan mo sabihin iyan! Hindi sa’kin! Bahala ka na nga diyan!”
Unti-unti nang nakakarinig ng mga boses ang anak ng Mayor. Kahit na nahihilo pa, pinipilit niya tumayo mula pagkakahiga ngunit hindi niya maigalaw ang mga kamay at paa niya.
“Tanggalin niyo ang mga taling ‘to!” Sigaw nito habang pilit na kumakawala.
“Pakawalan niyo ako! Mga mamamatay tao! Ibalik niyo ako sa ama ko!” Patuloy paring sigaw nito.
“Alam mo, walang maitutulong yang pagsigaw mo na iyan. Baka nga mapa-ikli pa ng pagsigaw mo ang buhay mo. Kaya tumahimik ka nalang.” Mahinahon na sabi ng rebeldeng nagbabantay sa kanya. Napalingon naman si Tasya dito.
“Hoy rebelde! Wala kang karapatang pagsabihan ako! Pinatay mo ang ama ko! Ikaw na mamamatay tao!” Sabi naman nito sa rebelde.
“Tsk, una sa lahat, tigil tigalan mo na iyang pagtawag sa akin ng ganyan dahil may sarili akong pangalan, at pangalawa, hindi ako ang pumatay sa ama mo! Kaya pwede ba, tigilan mo na iyan.” Na-iinis na wika ng rebelde.
“Una, wala akong paki-alam kung may pangalan ka! Pangalawa, kasamahan ka ng pumatay sa Dad ko! Kaya isa ka na ring mamamatay tao! Tulong! Tulongan niyo ako!” Pasigaw paring wika ni Tasya.
Bigla naman itong napa-iktad papalayo nang biglang lumapit ang rebelde sa kanya at hinawakan ang panga niya.
“Sa huling pagkakataon, inuulit ko. Walang maitutulong ‘yang pagsigaw mo! Kung ayaw mong magalit ang kapitan namin dahil sa ingay na ginagawa mo, tumahimik ka nalang! Pumapatay iyon ng tao kapag nagagalit siya! Ano? Kaya kung ayaw mo pang mamatay, sundin mo ang inu-utos ko! Maliwanag ba?” Malamig na sabi ng rebelde.
Na aninag niya ang mga nanlilisik nitong mga mata. Hindi na siya naka kilos pa dahil pakiramdam niya ay pwede na siyang lamunin ng malaki at matikas nitong pangangatawan. Napatango nalang siya.
“Aray!” Bigla namang napatingin ang rebelde kay Tasya nang bigla itong napa-aray. Nakita naman niya ang namumula nang mga paa at kamay dahil sa mahigpit na pagkaka-tali sa kanya.
Namumula na ang maputi at makinis nitong balat na halatang alagang-alaga at lumaki talaga sa mayamang pamilya.
“Okay ka lang ba?” Tanong nito kay Tasya.
“Mukha ba itong okay sa iyo ha? Mukha ba akong okay?” Sabi naman ni Tasya at napa-yuko ito. Kitang kita naman ng rebelde ang mga pumapatak nitong mga luha mula sa kanyang mga mata.
Nakaramdam naman ng awa ang rebelde. Dahil nadamay pa ang anak ng Mayor na wala naming kinalaman sa lahat ng mga nangyari.
“O sige, tatanggalin ko ang mga tali mo. Basta ipangako mong hindi ka tatakas at wala kang gagawin na anumang kilos na maaari mong ikapahamak dito. Maliwanag?” Alok ng rebelde kay Tasya.
“Talaga ba? Oo! Ipinapangako ko!” Laking gulat na sabi ni Tasya. Ginawa naman ng rebelde ang sinabi nito at tinanggal na ang mga lubid na nakatali sa paa at kamay nito.
Hating gabi na nang nagsimula nang kumilos si Tasya. Nagtagumpay sa kanyang pagkukunwari na tulog na siya, naghihintay lang pala siya ng pagkakataon na makatulog na ang rebeldeng nagbabantay sa kanya upang siya ay makatakas.
Dahan-dahan siyang naglakad mula sa pintuan. Hindi naka kandado ang pinto kaya walang hirap siyang naka labas sa silid. Hindi man lang nagising ang rebeldeng bantay kaya naka hinga ng malalim si Tasya.“Buti naman.” Sabi niya pa sa sarili niya. At mabilis na tumakbo papalayo.
Kahit hindi niya alam ang kanyang patutunguhan, naglakad lang ng naglakad si Tasya.
BINABASA MO ANG
Villa Amore
Short StoryIsang storyang nagsimula sa lalawigan ng Villa Amore at ang pag-aaway sa pagitan ng makapagyarihan na Mayor at malalakas na pwersa ng mga taga bundok. Pagdami ng mga kaaway, ang isang bagay sa mundo na hindi natin maiiwasan. Hindi maiiwasa...