Sinigurado nila na makakabalik na sila sa kampo bago pa tumilaok ang manok para masiguradong wala pang gising na mga tao at hindi sila mahuhuli ng mga ito.
Banda alas 7 ay dinalhan na ni Kaleb ng almusal si Tasya.
"Ikaw? Di ka kakain dito?" Tanong ni Tasya sa kanya habang lumalamon na ng mainit na pandesal.
"Doon na ako kakain sa hapag, kasama ng lahat." Sabi naman ni Kaleb sabay ngiti Kay Tasya.
Nag-aayos pa ng buhok si Kaleb nang biglang may kumatok sa pinto. Binuksan naman ito ni Kaleb at bumungad sa kanyang harapan ang Kapitan.
Nabigla naman si Kaleb sa nakita.
Pumasok si Kapitan Basilio sa loob tumingin tingin sa paligid hanggang sa dumaan ang mata niya Kay Tasya na naka-upo sa kama at abala sa pagkain.
"Nakikita ko ngang hindi napapabayaan dito 'tong prinsesa ko ah." Sabi nito habang lumalapit Kay Tasya. Si Tasya naman ay napatigil sa pagkain at umupo ng maayos.
Palagi nalang talagang tumataas ang kaniyang mga balahibo sa tuwing nararamdaman niya ang presensya ni Kapitan Basilio.
Umupo ang Kapitan sa tabi ni Tasya.
"Natasha Alegardo. Napakagandang babae." Sabi nito habang hinahawak hawakan ang buhok ni Tasya.
"Kapitan---"
"Gusto kong sa silid ko siya matutulog ngayong gabi."
Hindi na natapos ni Kaleb ang sasabihin niya sana sa Kapitan nang bigla na itong nagsalita.
Nanlaki naman ang mga mata ni Tasya sa narinig. Nagulat ito sa sinabi ng kapitan.
Matutulog daw sa silid niya ngayong gabi. Walang salita ang lumabas sa bibig ni Tasya dahil ramdam niyang nanginginig na ang kanyang mga kamay, paa at bibig sa sobrang takot.
Tumingin ito kay Kaleb na parang humihingi ng tulong.
"Kaleb, bihisan mo siya ng maganda mamayang gabi at dalhin mo siya sa silid ko. Gusto ko na mabangong-mabango siya pagdating niya sa akin mamaya." Tugon niya kay Kaleb.
"Bihis na bihis na parang malayang anghel." Ang ranging lumabas sa bibig ni Kaleb.
Wala namang ka alam-alam ang Kapitan sa tunay na ibig sabihin ni Kaleb sa sinabi niya.
"Sige, alis na ako. Magkikita tayo mamaya binibining Natasya."
At umalis na sa silid ang Kapitan.
Tumayo naman si Tasya at tumakbo papunta kay Kaleb at niyakap ito ng mahigpit.
Dinig naman ni Kaleb ang hagulhol nito. Grabi ang iyak ni Tasya habang niyayakap siya.
"Kaleb, Kaleb ayoko. Ayokong pumunta." Umiiyak na sabi ni Tasya kay Kaleb.
Agad namang pinunasan ni Kaleb ang mga luha ni Tasya at pinatahan ito.
"Tasya, hindi ka magagalaw ni Kapitan. Ilalayo kita sa kanya. Ilalayo kita sa lugar na ito. Itatakas kita, huwag kang mag-alala." Sabi nito kay Tasya.
Muli na namang napayakap si Tasya sa kanya.
"Sige na, ihanda mo na ang sarili mo. Magiging ligtas ka na."
BINABASA MO ANG
Villa Amore
Short StoryIsang storyang nagsimula sa lalawigan ng Villa Amore at ang pag-aaway sa pagitan ng makapagyarihan na Mayor at malalakas na pwersa ng mga taga bundok. Pagdami ng mga kaaway, ang isang bagay sa mundo na hindi natin maiiwasan. Hindi maiiwasa...