Unang araw bago ang pag-alis. sa bundok
"Tasya! Gumising ka na diyan!"
Unti-unti namang ibinuka ni Tasya ang mga mata at sumulubong sa kanya ang liwanag ng araw mula sa bintana malapit sa kanyang kama.
"Kumain ka na diyan! Mag ayos ka na rin ng sarili mo. May mga damit diyan na hinatid ni Korina kanina. Bilisan mo! May pupuntahan tayo." Utos ni Kaleb kay Tasya.
"Teka. Isa-isa lang naman. Mahina ang kalaban!"
Binilisan naman ni Tasya ang pagkain, at agad namang nag ayos ng sarili at naghanap ng maaring maisuot na damit.
Bagong magagandang damit na naman ang nakita niya. May kulay berde na may laces, may kulay asul, lila, at mayroon ding pula.
"Ang gaganda talaga ng taste ni Korina pagdating sa mga damit." Sabi ni Tasya sa sarili niya.
Pinili niyang suotin ang damit na kulay asul. Sleeveless ito at hanggang tuhod ang taas.
Tinignan ni Tasya ang kanyang sarili sa salamin. Inayos niya ang mahaba niyang buhok at hinayaan itong nakabuhayhay.
Sa tuwing nakikita niya ang sarili sa salamin, naiisip niya na sa panlabas niyang anyo ay napaka aliwalas kung tignan, ngunit alam niya na sa kaloob-looban niya ay nandoon nakatago ang dilim at ang takot na kanyang nararamdaman. Para bang ang kanyang panlabas na anyo at isang pagbabala't-kayo lamang sa kanyang tunay na nararamdaman.
"Tapos ka na ba diyan?"
Dinig niyang tinig mula sa labas. Kanina pa pala naghihintay si Kaleb sa kanya.
"Nandiyan na!" Sagot naman nito at dali daling isinuot ang doll shoes na iniwan din ni Korina kasama ng mga damit. Dali dali namang lumabas ni Tasya.
Paglabas niya ay hindi maiwasan ni Kaleb ang mapatitig sa dalaga.
"Ang ganda." Hindi niya napigilang masabi.
"Anong sabi mo?" Tanong naman ni Tasya.
Nakahinga naman ng malalim si Kaleb dahil salamat ay hindi iyon masyadong narinig ni Tasya.
"Ah ibig kong sabihin, ang ganda ng umaga ngayon. Napaka ganda ng asul na langit at mapuputing mga ulap." Palusot naman nito. Ngunit habang sinasabi niya ito ay nakatitig lamang siya kay Tasya.
"Oo nga eh. Teka, saan ba tayo pupunta? Pinatawag ba ako ng kapitan?" Kinakabahang tanong ni Tasya kay Kaleb.
"Hindi. Gusto ko sanang sumama ka sa aking mangisda sa ilog." Anyaya ni Kaleb. Napatawa naman si Tasya sa sinabi ng lalaki.
"Bakit ka naman natatawa diyan?" Tanong nito.
"Inaanyayahan mo akong sumama sa iyo sa pangingisda? Gusto mong sumama sa iyo ang bihag mo sa panghuhuli ng isda?" Natatawang sabi ni Tasya.
"Ibinilin ng Kapitan sa akin ang alagaan ka, at hindi matatawag na 'pag-aalaga' ang pagkukulong ko sa iyo sa silid na iyon. Pero kung gusto mong diyan ka lang sa loob, eh wala namang problema sa akin iyon. Pumasok ka na sa loob!" Sabi nito at hinawakan ang braso ni Tasya at hinila papasok ng silid.
"Uy! Teka teka! Ikaw naman hindi ka mabiro! Tara! Game ako diyan sa trip mong pangingisda!" At buong lakas na hinila niya naman si Kaleb papalabas.
Kinuha naman ni Kaleb ng bingwit niya at isang kahon ng mga pa-ing.
Dumating sila sa gilid ng ilog kung saan mangingisda si Kaleb. May hinila siyang lubid at dahan dahang lumapit ang isang bangka na gawa sa kawayan. Una siyang sumakay dito at iniabot niya ang kanyang kamay kay Tasya na halatang natatakot pa sa tubig.
"Dito nalang ako." Sabi nito Kay Kaleb. Hindi pa kasi ito nakakasakay ng isang bangka sa ilog.
"Ako ang bahala sa iyo!" Matapang pang sabi ni Kaleb kay Tasya.
"Eh paano kong mahulog ako diyan sa bangka mo?" Tanong pa nito.
"Anong akala mo sa akin? Hindi ako marunong lumangoy? Edi lalangoy ako para iligtas ka." Nakangiting sabi ni Kaleb.
Hindi naman mapigilan ni Tasya na mapangiti sa sinabi ni Kaleb.
"O ano? Tatayo ka nalang ba diya Halika na?" Sabi nito sabay abot ng kanyang kaliwang kamay sa dalaga.
"Sige na nga"
Inabot niya naman ang kamay niya.
Nang nakasakay na ang dalawa sa bangka, ay nagsimula nang magsagwan si Kaleb.
Sa pagsunod nila sa agos ng ilog, ay sobrang naaliw naman si Tasya sa magandang tanawin na nakikita niya.
Tanaw na tanaw niya ang mga ibon na kumakanta pa na nasa ibabaw ng mga puno sa gilid ng ilog, ang mahinahong daloy ng alon sa ilog na nakakapagpalinaw ng kanyang pakiramdam.
"Dito tayo. Siguradong marami tayong mahuhuling isda na bandang ito." Sabi Kaleb at ikinabit na ang bulateng paing sa kanyang bingwit.
"Bulate! Ilayo mo yan sa akin ha!" Bigla naman napasigaw si Tasya nang makita ang mga bulate sa kahon ni Kaleb.
"Bakit ka natatakot dito? Ang liit liit nga ng nilalang na ito. Eto tignan mo." At inilapit pa ito ni Kaleb kay Tasya at pinalo agad ang kamay nito.
"Binabalaan kita!" Pasigaw na sabi sa kanya ni Tasya at pinalo palo pa ang likod ni Kaleb. Napatawa naman si Kaleb sa ikinilos niya.
"Alam mo ang cute mo kapag nagagalit ka. Namumula ka na oh!" Sabi nito at pinisil ang pisngi ni Tasya.
"Binibiro mo pa ako diyan! Mangisda ka na!" At napahawak tuloy si Tasya sa mukha niya.
"Baka umalis na nga ang mga isda dito dahil ang ingay mo eh." Ani pa ni Kaleb at muli na namang napatawa.
"Hoy!" Bigla namang napasigaw ang lalaki dahil wisik ng tubig na tumama sa mukha niya. At si Tasya na naman ang tumawa dahil sa ginawa niya.
"Ha! Iyan ang bagay sa iyo!" At sobra ang tawa nito.
"Ah yan pala ang gusto mo ah. Ayan!"
At nagpalitan nalang sila ng pag wisik ng tubig.
Ilang minuto ang lumipas ay may kumagat na sa paing.
"Ooh! teka teka may nahuli na tayo!" Sigaw ni Kaleb at dali daling hinila ang bingwit.
"Ayan! Ang laking tilapia nito!" Laking sabi nito sabay pakita ng nahuling tilapia kay Tasya.
"Wow! Paborito ko iyan!" Masayang sabi nito.
"Hmph! Bala ka diyan! Huli ko 'to noh! Ikaw ang manghuli ng sa iyo." Patawang sabi ni Kaleb.
"Eh hindi ako marunong mangisda." Sabi ni Tasya.
"Gusto mong matuto? Sige tuturuan kita. Halika!" Anyaya ni Kaleb.
Tumayo naman si Tasya at pumunta sa tabi ni Kaleb.
"Simulan mo sa pagkabit ng bulate---"
"Oy teka lang! Ikaw na ang magkabit niyan!" Sabi naman ni Tasya. At napangiti naman si Kaleb dito.
"Oh sige na nga. O ayan! Hawakan mo dito." Inabot ni Kaleb ang bingwit kay Tasya.
"Ganyan? Hintayin ko lang na may kumagat?" Pasiguradong tanong ni Tasya dito.
"Oo ganyan. Hawakan mo lang dito ng mahigpit. Yan!" Turo ni Kaleb, at hindi na namamalayan ng dalawa na dumadampi na ang kanilang mga kamay sa isa't isa.
"Oh! Ayan ayan! May nahuli na ako!" Sigaw ni Tasya.
"Hilahin mo!" Sabi ni Kaleb at tinulungan niya ang dalaga sa paghila nito.
"Wah! Ang laki nito!" Sobrang saya niya sa huli niyang malaking tilapia.
"O aba! magaling! Magaling kasi ang nagturo eh." Malakas na loob pa na sabi ni Kaleb.
Napangiti nalang si Tasya.
"Salamat Kaleb ah."
"Walang anuman."
BINABASA MO ANG
Villa Amore
Short StoryIsang storyang nagsimula sa lalawigan ng Villa Amore at ang pag-aaway sa pagitan ng makapagyarihan na Mayor at malalakas na pwersa ng mga taga bundok. Pagdami ng mga kaaway, ang isang bagay sa mundo na hindi natin maiiwasan. Hindi maiiwasa...