Kabanata 7

0 0 0
                                    

Ikalawang araw bago ang pag alis sa bundok

        Bandang 12:00 pa ng hating gabi ay ginising na ni Kaleb si Tasya.

"Uy gumising ka." Sabi pa ni Kaleb habang tinatapik ang likod ni Tasya.

"Madilim pa naman sa labas ah." Mahinang sabi ni Tasya habang pumipikit pikit pa.

"Bakit?  Ano bang meron?" Tanong pa nito sabay iminulat ang mga mata. Pagkamulat niya ng mata niya,  nakita niya si Kaleb sa tabi niya.  Nakangiti ito at para bang hindi mapakali.

"Naglakad lakad kasi ako kanina,  tapos ayun may nakita akong tiyak na magugustuhan mo. Tara na!  Ipapakita ko sa iyo." Sabi pa nito sabay hatak kay Tasya patayo ng kama.

"Ito naman.  Hindi pa pwedeng bukas nalang. Kita mo namang ina-antok pa ako eh." Wika naman ng ina-antok pang dalaga.

"Wala na sila pagdating ng umaga." Sagot naman ni Kaleb sa kanya.

       Sila?  Mawawala agad?  Halos hindi na talaga maintindihan ni Tasya ang kahit na ano mang pinagsasabi ni Kaleb sa mga oras na iyon.  Kaya,  hindi nalang siya nagsalita pa, nagbihis siya at nagsimulang sumunod kay Kaleb papalabas ng silid kahit na ito ay inaantok pa. 

     Naglakad sila sa masukal na gubat. Habang lumalayo sila sa kampo,  at dumadami narin ang mga punong nakikita ni Tasya.  Wala silang dalang kahit na anumang pampa-ilaw at ang maliwanag lamang na buwan ang nagsisilbing ilaw sa kanilang paglalakad. 

"Malayo pa ba tayo, Kaleb?" Napatanong si Tasya.  Malayo layo narin kasi ang kanilang nilakad. 

"Narito na. Huminto muna tayo dito." Sabi ni Kaleb at him into nga sila sa paglalakad.  May na aninag naman si Tasya na parang liwanag sa likod ng mga puno. 

"Ano iyon?" Nagtatakang tanong nito.

"Ipikit mo muna ang mga mata mo." Wika pa ni Kaleb.

"Ipikit?  Bakit?" Dagdag pang tanong ni Tasya.

"Basta huwag ka nang maraming tanong.  Ipikit mo ang mga mata mo." Natatawang sabi ni Kaleb.

        At si Tasya naman na walang magawa at walang alam king ano na ang nangyayari sa mundo ay sumunod nalang at ipinikit ang dalawa nitong mga mata.

"Ayan. Tapos, lakad lang.  Dahan dahan ah,  gagabayan kita."

"Ipikit mo lang yan, huwag kang mangdaya." Dagdag pa nito. Ginabayan niya sa dahan dahan na paglalakad si Tasya hanggang sa makarating sila sa lugar.

"Pwede mo nang idilat ang mga mo." Nakangiting sabi naman ni Kaleb.

       Kaya dahan dahan na idinilat ni Tasya ang kaniyang mga mata, at sa pagdilat niya ay nakita niya ang napakagandang tanawin sa lahat.

       Hindi mabilang at halos libo-libong mga alitaptap ang lumilipad,  kumikislap, at kumukuti-kutitap sa harapan niya ngayon.

"Ang--ang ganda"

    Parang naubusan ng maaring sabihin si Tasya at ang mga salitang iyon nalang ang lumabas sa bibig niya. Walang iba nang iba.

"Nagustuhan mo? Sabi ko na nga ba magugustuhan mo 'to eh." Sabi ni Kaleb sa kanya.

      Parang mga bituin na bumaba pa mula sa langit kung tignan ang mga alitaptap na ito dahil sa sobrang dami nila.

"Hindi ko na nga malaman kung mga alitaptap pa ba 'tong nakikita ko o mga bituin na eh." Sabi ni Tasya habang titig na titig pa din na tanawing ipinakita ni Kaleb sa kanya.

"Oo nga. Napakaganda nilang tignan. Para kang nasa ibang mundo. Mundong malaya." Dagdag naman ni Kaleb dito.

"Nakakagaan sila ng pakiramdam. Kahit na sandali lang, nakakawala sila ng problema." Wika pa ni Tasya.

"Alam mo, maari mong maihalintulad sa alitaptap ang buhay ng tao. Ang totoong buhay ng tao." Sabi ni Kaleb. Napatingin naman si Tasya sa kanya, handang makinig.

"Sa buhay, dapat marunong kang magbigay ng liwanag sa sarili mo. At katumbas ng liwanag na iyon, ang ang nararamdaman mong kalayaan sa sarili kahit nasa gitna ka na ng kadiliman." Nakangiting tinapos ni Kaleb ang sinabi niya.

       Napangiti naman si Tasya dito.

"At ang isa sa liwanag na iyon ay ang tinatawag nilang pag-ibig." Dagdag ni Tasya dito.

       Napatingin naman si Kaleb sa kanya.

"Pag-ibig?" Tanong ni Kaleb sa kanya.

       Si Tasya naman ang nagsimulang mag kwento. 

"Naaalala ko pa ang sinabi ni mommy sa akin noong bata pa ako at noong nabubuhay pa siya.  Nagsisimula na kasing madamay si Dad sa mga problemang pam-politika nun.  At dahil bata pa ako, hindi pa ako nakaka-intindi at naguguluhan pa ako sa mga nangyayari."

"Tapos bago ako natulog nun, kina-usap ako ni mommy, sabi niya sa akin, huwag daw akong mag-alala. Alam niya daw na nahihirapan na ako sa mga nangyayari, ngunit kahit na ang gulo at ang dilim na ng buhay may iiral parin na liwanag. At ito ang pagmamahalan na natitira sa mga tao sa paligid." Naiiyak si Tasya habang binabahagi niya kay Kaleb ang tungkol sa mommy niya. 

      Sa edad na 7 ni Tasya ay pumanaw na ang kanyang ina dahil sa sakit nitong cancer.  Ginawa ng ama niya na makapasok agad sa politika para magkapera na sapat upang madala ang asawa sa ibang bansa upang doon magpagamot.  Ngunit,  hindi pa siya naging mayor ay pumanaw na ang pinakamamahal niyang asawa. 

"Napakaganda at napakaliwanag nga ng ilaw na dala ng pag-ibig." Wika pa ni Kaleb. 

"Katulad ngayon." Dagdag pa ng lalaki.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Tasya. Medyo nakaramdam ng kaba si Tasya sa sinabi ni Kaleb. Hindi niya alam kung bakit.

"Tasya, hayaan mo akong lumampas sa aking limitasyon bilang isang tagapangalaga mo lamang." Dahan dahang lumapit si Kaleb kay Tasya.

"Alam kong mahirap magmahal ng isang rebeldeng marami nang taong napatay." Nakayukong sabi nito. Hinawakan naman ng kanyang dalawang kamay ang mga kamay ni Tasya.

       Nanatili namang naka tingin si Tasya sa kanya. Hindi na niya naramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Nakaramdam siya ng init sa kanyang buong katawan, lalo na sa kanyang mukha.

        Unti-unting sinalubong ni Kaleb ang kanyang mga mata. Sa sobrang lapit ng kanilang mukha sa isa't isa ay nararamdaman na ni Tasya ang mainit na hininga ni Kaleb.

"Tasya,  mahal kita."

      At ang naramdaman ni Tasya ang malambot na labi ni Kaleb.

      Pagkatapos ang matagal na pagdampi ng kanilang mga labi,  napangiti si Tasya. 

"Alam mo kung ano ang nakakatawa?" Sabi pa niya habang ito ay nakangiti at halata ang kaligayan sa kanyang mga mata.

"Ano naman iyon?" Nakangiti ring tanong ni Kaleb sa kanya na hanggang ngayon ay hawak hawak parin ang mga kamay ni Tasya.

"Nakakatawa dahil inakala ko na impossible na mahalin ako pabalik ng taong nasa harapan ko ngayon." Sinunggaban ni Tasya si Kaleb,  at muli isang matamis na halikan ang naganap.

        Medyo lumiwanag na ilang minuto nalang ay sisibol na ang araw.

        Gusto ni Tasya na kung pwede lang ay mas humaba pa ang gabing iyon at hindi na darating ang umaga. Dahil ang ibig sabihin ng pagliwanag ng umaga ay babalik na sila kampo.

       Nanatili lamang silang dalawa na nakatingin sa kalangitan na unti-unti nang nagliliwanag hanggang sa isang bituin nalang ang natira sa malawak na kalangitan.

"Huwag kang mag-alala Tasya, itatakas kita dito." Malakas na sabi ni Kaleb. At mula sa pagtitig sa kalangitan ay tinignan ng mukha ni Tasya.

"Ano? Kaleb, baka mapahamak ka. Ayokong may mangyaring masama sa iyo!" Wika pa ni Tasya habang hinahawakan ang kamay ni Kaleb.

"Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala. Pagdating ng dilim ngayong araw na ito, magiging malaya ka na."
Sabi nito kay Tasya.


Villa AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon