Bago mag tanghali ay nakabalik na sa kampo sina Kaleb at Tasya. Pagdating nila sa kampo ay nadatnan nila si Kapitan Basilio sa training grounds na na ginagawang abala ang sarili sa shooting practice.
"Aba aba, saan ka naman taking Kaleb? At kasama mo pa itong bihag natin." Sabi nito kay Kaleb habang tinitignan ng maigi ang dalawa.
"Pumunta lamang po ako sa ilog upang manguha ng sariwang isda." Sagot ni Kaleb sa Kapitan. Naka yuko ito habang nagsasalita halatang may takot ito sa pinuno.
"Ganun ba. At ginawa mo bang taga sagwan 'tong magandang binibini na ito?" Wika naman ng Kapitan habang tinitignan ang dalaga mula ulo hanggang paa.
"Magandang araw sa iyo binibini." Bati nito sa dalaga.
"Ma-magandang umaga." Mahinang sabi naman ni Tasya.
"Ibabalik ko na po siya sa silid niya, Kapitan." Sabi ni Kaleb.
"Sige, siguraduhin mong hindi yan magiging stress ha! Alagaan mo lang ng mabuti yan." Bilin ni Kapitan Basilio sa lalaki.
"Opo Kapitan"
"Pero! Alan mo naman siguro ang limitasyon mo." Dagdag pa ng Kapitan.
Agad namang napasagot si Kaleb.
"Opo. Alam ko po ang limitasyon ko."
"Magaling. Makaka-alis na kayo."
Ipinasok agad ni Kaleb si Tasya sa loob ng silid. Pagdating sa loob ay napansin ni Kaleb na ang kanina'y masigla at masayang Tasya ay bigla nalang naging balisa ngayon.
"Bakit parang nawala ang lahat ng enerhiya diyan sa katawan mo?" Taking nito kay Tasya na ngayon ay naka-upo na sa kanyang kama.
"Hindi ko gusto kung paano makatingin sa akin ang Kapitan." Mahina nitong sabi.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Kaleb sa kanya.
"Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Sagot naman ng dalaga sa kanya habang nakatingin ito kay Kaleb.
Nagbuntong hininga nalang ang lalaki.
"Hindi lang si Kapitan Basilio ang ganyan kung makatingin sa iyo. Pati narin ang iba pa diyan." Wika ni Kaleb.
Bumigat naman ang pakiramdam ni Tasya sa narinig.
"Kasama ka ba dun?" Natatakot na tanong niya kay Kaleb.
"Tasya makinig ka, kahit kailan hindi dumaan sa aking isipan ang gawan ka ng masama at labag sa kalooban mo. Nandito ako para alagaan ka at kung maari, nandito ako para protektahan ka." Mahinahong sabi ni Kaleb sabay pinahiran ang mga butil ng luha na lumabas mula sa mga mata ni Tasya.
"Pero ginagawa mo lang naman ito dahil inutos ito ni Kapitan Basilio." Hagulhol na sabi ni Tasya.
"Oo sinimulan ko itong gawin dahil sa utos ng Kapitan sa akin, pero itinuloy ko ito dahil gusto ko. Gusto kong protektahan ka dahil alam kong napapalibotan ka ng panganib dito. Hindi ka nabibilang sa lugar na ito Tasya." Sabi ni Kaleb kay Tasya, at niyakap ito.
Naramdaman niya naman ang mukha ng dalaga sa kanyang balikat na basa na sa luha.
Naramdaman niya ang takot na pilit lamang na itinatago ni Tasya sa likod ng kanyang mga ngiti at masayahing mukha.
"Huwag kang mag-alala Tasya. Nandito lamang ako upang protektahan ka." Sabi nito kay Tasya. Hinyaan niya nalang si Tasya na umiyak sa kanya.
"Umiyak ka lang diyan. Ilabas mo lang lahat."
Nang tumila na ang mga luha niya, ay agad naman siyang pinangiti ni Kaleb.
"Alam ko na kung ano ang makakapag pasaya ulit sa iyo." Wika nito.
"Ano naman iyon?" Tanong ni Tasya habang nagpupunas ng luha.
"Di ba paborito mo ang tilapia?" Sabi ni Kaleb sa kanya
"Oo"
"Ipagluluto kita. Teka lang." Nakangiting sabi naman nito kay Tasya at agad tumayo at may kinuha mula sa cabinet.
"Eto oh! Habang nagluluto ako, punasan mo muna yang luha mo, at tsaka yang sipon mo." Nakangiting sabi ni Kaleb sabay about ng puting panyo kay Tasya.
At hindi naman nabigo si Kaleb dahil napangiti niya naman si Tasya.
"Luha lang kaya walang sipon!"
"Sus! Nahihiya ka pa!" Pabirong sabi ni Kaleb.
"Ipinahid ko na kasi lahat sa damit mo!" Sabi pa ni Tasya, sabay tawa.
"Okay lang. Labhan mo ito mamaya." Wika pa ni Kaleb habang papalabas na ng pinto.
"Hoy! Grabeh ka naman!" Pasigaw pa na sabi ni Tasya upang marinig ito si Kaleb sa labas.
Bigla namang isinilip ni Kaleb ang kanyang ulo sa loob.
"Joke lang!"
Muli, sa kabila ng lahat ng iniisip ni Tasya ay isang ngiti na naman ang ipininta ni Kaleb sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Villa Amore
Short StoryIsang storyang nagsimula sa lalawigan ng Villa Amore at ang pag-aaway sa pagitan ng makapagyarihan na Mayor at malalakas na pwersa ng mga taga bundok. Pagdami ng mga kaaway, ang isang bagay sa mundo na hindi natin maiiwasan. Hindi maiiwasa...