Kabanata 3

0 0 0
                                    

       Bandang hapon na nang nagsimula ang pagpupulong.

       Nagsidatingan ang mga rebelde at doon ay naghihintay na si Kapitan Basilio na masayang kumakain habang naka paligid sa kanya ang magagandang kababaihan.

        Ang mga babae na kasama nila sa bundok ay hindi pinapahawak ng mga armas, kundi gumagawa lamang ng mga bagay na dapat gawin ng mga kababaihan. Para nga bang ginawa lamang silang parang alipin.

       Nang dumating na at kompleto na ang lahat. Tumayo na sa kanyang pagkaka upo ang Kapitan, hudyat na magsisimula na ang kanilang pagpupulong.

“Alam naman siguro nating lahat, na buhay pa ang anak ni Alegardo. Ang anak niya na nakasaksi sa  pagpatay natin sa kanyang sariling ama. Ngayon, gusto kong mapagpasiyahan ng grupo ang tungkol sa kung ano ang gagawin natin sa babae.” Malakas at malinaw na sabi ni Kapitan Basilio.

“Kapitan, ano po ba ang gusto niyong gawin sa kanya na ang buong grupo ang makikinabang?” Sabi ng isa sa mga rebelde na naka-upo malapit sa Kapitan.

“Gawin nating alipin dito. Total maganda naman iyon at sobrang ka-akit akit pa.” Pilyong sabi naman ng isa pang rebelde. May iba pang rebeldeng tila ba sumang ayon sa kanya at naghiyawan at nagsigawan pa.

“Hindi!”

       Bigla namang sigaw ng isa.
Napatingin naman ang lahat at pati na rin ang Kapitan sa biglang pag sigaw ni Kaleb.

“Anong ibig sabihin mo sa ‘hindi’?”
Tanong naman ng Kapitan sa kanya.

“Mas pipiliin ko pa sigurong patayin nalang siya kaysa naman gamitin pa natin siya sa kung ano man yang gusto niyong gawin sa kanya.” Mahinang sabi ni Kaleb.

“Oo nga naman. Pagpatay. Magaling naman tayo diyan.” Sang-ayon ni Kapitan Basilio.

“Ano pa? May iba pa ba kayong naiisip diyan?” Dagdag ng Kapitan.

“Kapitan, gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na nauubos na ang suplay natin sa pagkain, at nagkaka-ubusan narin ang ating mga armas at iba pang kagamitan pangsalakay.” Sabi ng isang rebeldeng naka-upo lamang sa ilalim ng puno sa gilid.

“At ano naman ang kinalaman diyan sa pinag-uusapan natin ngayon Enrico?” Tanong sa kanya ni Kapitan Basilio.

       Tumayo naman si Enrico mula na pagkakaupo niya sa ilalim ng puno at naglalakad papalapit sa Kapitan.

“Ang gusto ko lamang sabihin Kapitan, ay paano kung gawin natin pambayad ang babaeng iyon sa ibang grupo doon sa kabilang bundok? Sagana sila sa mga pagkain, at marami rin silang mga armas. Handa silang tumulong sa atin kung makakapagbigay lamang tayo ng napakagandang handog sa kanila bilang kabayaran sa tulong na ibibigay nila.” Sabi ni Enrico habang nakatayo katabi ng Kapitan.

        Napatango naman si Kapitan Basilio sa sinabi ni Enrico. Isa kasi si Enrico sa pinaka paboritong miyembro ng Kapitan. Kaya lahat ng sinasabi nito ay pinapakinggan at sinasang-ayunan talaga ng Kapitan.

“Napakagandang plano Enrico. Ma-aasahan talaga kita sa lahat ng bagay.” Sabi pa ng Kapitan sa kanya, at may patapik pa sa kanyang likuran.

        Napangiti naman si Enrico dahil sa puring natanggap niya mula sa pinuno.

“Kung gayon, yun nga ang ating gagawin. Sa ikatlong araw mula sa araw na ito, at pupunta tayo sa Bundok Kalasig upang humingi ng tulong na mga suplay mula sa grupong naroon. Sa pag-alis natin, at dala natin ang babae bilang handog natin sa kabayaran sa kanila. Sumasang-ayon ba ang lahat?”

“Opo Kapitan!”

       Sang ayon ng lahat na pasya ng Kapitan.

“Kaleb, siguraduhin mong alagang-alaga at preskong-presko ang handog natin, upang hindi naman tayo mapahiya. Ma-aasahan ba kita?” Tugon ni Kapitan Basilio na tahimik na si Kaleb.

“Opo Kapitan.” Patangong sagot naman ni Kaleb.

       Natapos na ang pagpupulong at nagsimula nang bumalik ang mga rebelde sa kani-kanilang mga pwestong binabantayan.

“Sayang naman, ang ganda pa naman ng dalagang iyon. Jackpot na sana iyon para atin.”

       Narinig ni Kaleb mula sa mga rebeldeng nadada-anan niya.

        Hindi nalang niya ito pinansin at agad nang pumasok sa silid kung saan na-abutan niya si Tasya na nakatingin lamang sa bintanang de metal.

“Oh ayan, bihisan mo muna yang damit mo.” Sabi ni Kaleb sa kanya sabay lapag sa kulay lilang damit. Napatingin naman si Tasya dito.

“Saan mo naman ito nakuha?” Nagtatakang tanong nito.

“Huwag ka nang magtanong. Ang inutos sa akin ng Kapitan at bihisan ka at alagaan sa susunod na tatlong araw bago ka dalhin sa kabilang bundok.”
Biglang kinabahan ni Tasya.

“Kabilang bundok? Bakit? A-anong gagawin niyo sa akin?” Takot na tanong nito.

       Sinabi naman ni Kaleb kay Tasya ang tungkol sa pasya ng Kapitan na dalhin siya sa kabilang bundok upang ibigay bilang bayad.

“Yun na ang pasya ng Kapitan, at wala nang makakapag pabago pa sa pasya niyang iyon.” Sabi pa ni Kaleb.

       Napa iyak naman si Tasya sa kanyang narinig.

“Patayin niyo nalang ako! Patayin mo nalang ako! Kaysa kung ano pang gawin ng ibang tao sa akin! Mas pipiliin ko pang mamatay nalang!” Pasigaw naman na sabi ni Tasya habang humahagulgol ito sa pag iyak.

“Sinubukan ko naman imungkahi iyan kanina.” Wika ni Kaleb at umupo sa upuan malapit sa pinto.

“Ano? Sinabi mong patayin nalang ako?” Nabigla naming sabi ni Tasya
.
“Oo. O diba, magiging masaya ka pa ata kung sumang ayon silang lahat na patayin ka nalang eh.” Sagot pa nito.

“Hindi naman na magiging masaya ako, pero kung ikokompara ito sa iba pang sitwasyon na maari kong harapin, siyempre mas pipiliin ko nalang ang kamatayan.” Wika pa ni Tasya habang nagpupunas ng luha.

“Kaleb! Aalis na tayo!”

        Dinig nilang sigaw mula sa labas. Bigla naming napatayo si Kaleb.

“O sige na! Mabihis ka na diyan, at may pupuntahan pa kami.” Tugon ni Kaleb kay Tasya.

“Bakit? Saan kayo pupunta?” Tanong naman ni Tasya sa kanya.

“Wala ka nang paki-alam dun.”

        Matigas na sagot ni Kaleb at lumabas na agad ng silid.

Villa AmoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon