Chapter 2 ♡ Ikaw na naman?!

669 4 1
                                    

        (2 Weeks bago naganap ang insidente)

        Mika.

        ----

        "Nakita nyo na ba yung bagong transferee sa Class 4-A? Kyaa! Crush na crush ko talaga siya!"

        "Oo! Ang pogi pogi nya talaga. Walang binatbat ang classmates natin sa kanya. Malas natin. Tsk. Shet I can't breathe!!"

        "Makalaglag panty sya! Pero I don't care, I love it! Kyaaaaa!"

        "Akin sya! Tumahimik kayo kung ayaw nyong makalbo!"

        "Hindi noh! In your dreams! Akin lang sya!!!"

        Yan. Ang ingay ingay talaga nitong mga kaklase 'kong puro chismis at paglalandi lang ang inaatupag. Nakakadisturbo tuloy sa aking pag contemplate sa mga bagay bagay... Ugh. Ba't ba kasi kaya ayaw nila akong tularan? Isang mahinhin at mabait na dalagang Filipina. Nasa mga katulad ko na mga kabataan ang kinabukasan ng bansa. Naks!

         Hindi naman sa bobo ako... Tawagin nalang nating medyo mahina talaga ako sa acads kaya't nandito ako ngayon sa 4F. Kahit naman 'di ako masyadong henyo kagaya ng iba 'kong batchmates ay masaya ako dahil kasama ko ang mga kaklase kong may iba't ibang personality...

        Pero, hindi ako madalas nakikipagsocialize sa kanila kasi mas gugustuhin ko pang mag beauty sleep pag may free time ako. Oo, KJ na kung KJ, yan nga tawag nila sa akin.

        May bestfriends naman ako eh na dito rin sa 4F... Mga lalake nga lang. Kung tutuusin, simula nung bata ako ay naging one of the boys na rin ako dahil sa kuya ko at mga lalake kong pinsan. Kaya pati dito sa school ay mas sanay na akong lalake ang mga friends ko.

        Sino-sino sila? Sina Jake at Vlad. My only best friends in this school.. At kung nagtataka kayo kung bakit wala sila ay absent sila ngayon. Nah, I mean nag cutting. Ulit. Kung ako sa inyo ay masanay na kayo. Maloko eh.

        RING RING RING.

        Nag ring na lang ang bell at pumasok na ang aming homeroom teacher ay patuloy pa rin sa pagpapantasya itong mga kaklase ko. Anak ng. Konti nalang talaga at iisipin ko nang tumira sila ng vulcaseal.. O mas worse, rugby. Itanong ko kaya para maconfirm?

        "Okay class. Listen at may napakaimportante akong announcement ngayon. Alam naman siguro ninyo na may bagong transferee na last week lang dumating..."

        And as if on cue, "KYAAAAAAH!!" Tili ng mga kaklase kong adik.

        And sa sagot ko sa mala rhetorical na question ni sir, No. Sir. Hindi ko po alam na may transferee pala at wala rin pala akong pakialam. Hindi ako aware sa kung sinong gwapong nilalang man 'yung tinutukoy nilang lahat. Sorry to disappoint.

        Lul as if naman masumbat ko yan kay sir. 

        "Please calm yourselves." Sabay hampas ni sir ng libro sa mesa nya kaya't nabalik ulit sa kanya ang atensyon naming lahat. Ang astig lang talaga nitong si sir kaya't peyborit ko 'to eh! "As I was saying, yung transfereeng yun sa class 4-A ay nag request na mapalipat.... dito sa class 4-F."

Roommate By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon