Chapter 6 ♡ Pizza? Pizza.

153 2 1
                                    

Kung curious kayo kung papaano kaming dalawa nakatulog ng mahinahon kagabi (Siya lang pala, hindi ako) ay ganito yun...

[Flashback]

"Sa sahig ka matutulog." Wika ko kay Kyo habang tinititigan pa rin siya ng masama. If only looks could kill.

"Ayaw!"

"Ikaw na nga 'tong nakikishare ng unit ko ay ikaw pa 'tong choosy!"

Ugh. How will I survive living in one unit with this guy?!

"At sino ba naman kasi ang may dahilan nito? Sino ba kasi ang bwiset na umantala sa tahimik na pamumuhay ko? Ha?"

Oo nga naman. Sapul na sapul, guilty nga ako. Hehe. "So ano ba kasing trip mo? Ikaw dito sa kama at ako sa sahig?" Pag-iiba ko.

Pero wag naman sana.

"Nope. Hahatiin natin ang bed okay? May extrang kurtina ka ba at push pins jan? Or kahit thumbtacks, meron?"

"Extrang kurtina lang... Naubos ko na yung push pins sa school eh. Pero pwede ka namang bumili dun sa may convenience store. May school supplies sila dun."

"Palalakarin mo ako ng gantong oras? Tsch."

"Sabi ko nga.. Ako na lang." Aksyon na sana akong tatayo nang pigilan niya ako. Hinila niya ang kamay ko kaya't napaupo ulit ako.

"Ano ka, hilo? You better stay here. Baka may mangyari pa sayo at ako pa ang managot." Sabi niya saakin habang kinukuha yung wallet niya sa backpack niyang Jansport. Rich kid talaga ang lalakeng to. "Ako na ang pupunta. Don't sleep yet or else I'll torture you."

Shucks. Ang creepy!

"Urm. By the way.. Do you want something to eat? I'll buy you food na lang. Just don't sleep yet and wait for me." Yaaaaak. Conyo alert.

But wait, what? Did I hear it correctly? Free food? Free food. Kulang nalanh mag heart heart 'tong mga mata ko 'nung narinig ko yun. Well, pakapalan na ng mukha. Libre daw eh!

Tsaka sa lahat ng nangyari ngayong gabi... Kulang yata yung dinner ko kaninang take out lang na McDo chicken fillet and rice (Na dinala ko sa loob ng Starbucks at dun ko kinain kasi badass ako. Kahit bawal, paki ko sa bawal nila. Nyahaha)

"Gusto ko nung parang slurpee nila. At ng Nova. Yung malaking Nova na cheese." Actually, marami pa sana akong gustong kainin pero sa nahihiya kasi ako. Sa estado kong to ay nahiya pa ako. Sorry naman.

Nag nod lang siya. "Yun lang? Sure?"

Nasesense niya kaya na kulang na kulang yun saakin? "Yup."

"Alright, noted. However.. In return, you need to arrange my clothes somewhere. Let me borrow a portion of your cabinet. I don't like it when my things aren't tidy eh." Conyo na nga, neat freak pa? Ang dami dami kong nadidiscover dito sa Kyousuke na to ha. Major turn off pa ang majority. Eew.

For the sake of free food.. May magagawa pa ba ako?

Sinimulan ko nang gawin ang sinabi ni kamahalan (insert sarcasm here) at isa isang kinuha yung mga damit niya nang umalis na siya. Nagsimula ako sa shirts... Holy crap may shirt siyang may logo ng survey corps! Shingeki no kyojin fan din pala ang mokong! Kainggit! Saan niya kaya 'to nabili?

At sa dinami dami pang shirts (at polo shirts) pati na rin ng pants ni Kyo ay naisipan kong itupi muna ang mga ito bago ko inarrange sa cabinet. Buti nalang di ako nahirapan na mag allocate ng space. Proud naman ako at natapos ko ang task ko habang wala pa siya. Hehe!

At kung nagtataka man kayo if nasaan yung boxer shorts niya... Hindi ko ho pinakialaman. Baka magkanightmare pa ako kung hahawakan ko yun! Yak.

Oh well. Wala pa naman ang pagkain ko.. Makapagplantsa nga muna. At dahil sa mabait ako, kinuha ko na rin pati yung uniform ni Kyo at isinama ito.

Anghel talaga ako eh, ano?

Nasa kalagitnaan pa ako ng pagpaplantsa ng polo niya ay dumating na siya. Agad ko naman itong in-off muna. Teka nga lang, may naamoy akong masarap... Sniff. Sniff.

PIZZA?!

OH MY GOSH.

Confirmed nga! May dala siyang malaki na box ng pizza! At yung plastic bag naman ang dala niya sa kabilang kamay. "May pushpins ka bang nabili?"

"Yup. Sorry natagalan, Yellow Cab was crowded. Anyway. I got us pizza. And here's your slurpee-ish oh. And your nova." Inilagay niya sa table yung mga pinamili niya habang inabot niya saakin ang blue slurpee-ish. Yay! My faaave. Sakanya naman is yung orange.

"Wow. Thank you!" At sinimulan ko nang lantakan ang pizza. Ang saraaaaap! Maiiyak ako sa heaven na dinaranas ng taste buds ko ngayon.

"Ngayon ka lang ba nakakain ng pizza?" Magagalit sana ako, kaso mukhang seryoso siya sa tanong niya. Walang ni bahid ng pang-asar sa tono niya.

"Masaya lang ako. Ba't ba?"

"Polo ko ba yung pinaplantsa mo?" Tanong niya. Sandali nga. Ako lang ba to or namumula ang cheeks niya?

"Oo. Sinama ko na rin. Tipid rin yun sa kuryente." Hindi na rin siya nakasagot pa. Bakit nemen? Ayaw ba niyang may gumagawa nun?

"First time ko kasi maranasan na hindi maid or sa dry cleaning shop ang nagpaplantsa ng uniform ko, so thank you." At ako naman ang speechless.

Wowowowow. Mayaman naman kami pero I know how to do my chores, besides, sabi ni mama mas maganda yun kasi training din yun kapag nagkaasawa na ako.

"Ano ka ba. Walang anuman! Basta ba't may Yellow Cab pizza every night!"

"Sure."

Tempting man ang offer but I don't want to get fat. Seriously, pizza night every night? Magiging obese ako in two weeks pag nagkataon. "Biro lang! Ito talaga." At nagpatuloy lang kaming lantakan ang pizza.

Roommate By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon