Chapter 1 ♡ Hello, neighbor!

449 4 0
                                    

        (3 weeks bago naganap ang insidente)

        Mika.

        ---

        "Good morning, world!"



        Masayang bati ko sa sarili pagkagising ko. Kung may makarinig man sa labas sa napaka-overjoyed kong bati ay baka isipin na may sayad ako.

        Eh kasi, nasa boarding school kaming lahat ng mga estudyante dito sa Hanami University at number one sa rulebook namin ang dapat mag-isa lang kami sa aming mga dorm rooms.

        Automatic expulsion na kaagad kung nagkataong may nahuling estudyanteng magkasama sa iisang kwarto. Kahit babae at babae pa or lalake at lalake, wala silang pakialam. Napoles-zoned eh. Ang batas ay batas daw..

        Sus. Kung alam ko lang, forever alone ang gusto na drama ng school authorities eh. Matandang dalaga kasi ang school president namin. Baka bitter sa lahat ng happy moments.

        Tsch. Push natin to.

        Ayun lang. Ang saya talaga sa boarding school. Sa halos tatlong taon ko na dito ay medyo nasanay na rin akong mamuhay mag-isa..

        At ngayon, sa last year ko dito ay medyo nakakalungkot din isipin na darating ang araw na aalis ako sa kwartong napamahal na saakin. Palapit na nga eh. Shet lang.

        Umuuwi lang ako sa bahay namin kung may okasyon, mostly mga once every 3 months lang. Hindi rin naman ito naging problema kina mom and dad kasi mostly nasa abroad sila dahil sa business namin.

        Ako si Mikaella Salazar, Mika for short, ang unica ija sa pamilya namin. 17 years old ako at isang Senior high school student. Hihi. Ang gwapong kuya Kazu ko naman, naks ganyan talaga ang lahi naming mga Salazar- mahiya kayo please- ay nasa Australia ngayon. Doon kasi naka base ang office na mina-manage niya. 2 years lang ang agwat namin pero naturingang child prodigy ang kuya ko kaya naman ay agad siyang nakagraduate ng college sa kursong Bachelor of Science in Business Management sa edad na 18.

        19 na siya ngayon at successful na sa larangan niya.. Balita ko magma-masters pa nga daw siya. Wow lang. Sana naman namana ko rin ang super genius genes ng parents namin. Bakit ganun? 

        Napakaboring ng life story ko ano? Sigh

        Dinalian ko ang aking morning rituals para hindi ako ma-late.. ulit.

        Suki na kasi ako sa late list eh. Kahit na maximum of 5 minutes lang naman ang layo ng lalakarin ko from my dorm building to school... Hindi ko talaga matansya ang tamang oras.

        Kasi naman, nabubuhay ako sa kasabihang "Better arrive late than arrive ugly." Oh, i-status nyo na yan! Sus. Pakunwari pa. Hahahaha!

        After 48 years ay natapos rin ang aking paghahanda. Sinarado ko na ang aking cosmetic kikay kit at nilagay sa bag ko. Tumingin ako sa salamin one last time at nag wink.

Roommate By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon