Prologue ♡

664 8 0
                                    

        "Dahil sa katangahan mo, dun na rin ako titira sa unit mo." 

        "Sus. Yan lang naman pala eh-

        ...

        ...

        "dun na rin ako titira sa unit mo"

        ...

        "dun na rin ako titira sa unit mo"

        ....ANO?!?!"

        Kung minamalas ka nga naman. Wala talagang magandang napapala ang katangahan ko. Ubod na nga ako ng malas sa buhay ay sadyang nabiyayaan din ako ng pagkaclumsy. Halos lahat nalang ng mga bagay na ginagawa ko ay nagreresulta sa... pagkapalpak. Kung may hari man ng sablay, pwes, hindi naman yata ako magpapatalo. Prinsesa ng sablay ang naituring sa akin, sa isang Mika Salazar. Ito na nga ba ang tinatawag na balance ng aking kagandahan? Na kesyo di mo daw makukuha lahat lahat?

        Ang saklap naman!

        Ano nga ba ang kinakakaproblemahan ko ngayon? Itong baliw na kapit-dorm room kong saksakan ng gwap... sungit! Lahat siguro ng babae sa school namin ay magkakarandarapang maging roommate itong si Kyousuke Lopez. Pwera nalang talaga sakin.

        Bakit nga ba hindi? Siya lang naman ang sikat na campus heartthrob. Gwapo, isang katotohanan na kahit ako ay hindi kayang i-deny. President ng school dance troupe. National number one rank na Mathlete. Neseye ne eng lehet eh, lul! Pero wag kayong magpapauto sa lokolokong 'yan. Ubod yan ng sungit, sama, at natural na snob! Wala nga ata yang puso, kumbaga.

        Oh no. Hindi maaaring makasama ko ang hayop na ito. Lalong lalo na sa unit ko! Hindeeeee! Isa itong sumpa! Pakigising ako sa bangungot na ito, pakiusap lang!

Roommate By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon