Mainit ang ulo ni James na bumaba galing sa kwarto nya, hindi kasi sya nakatulog buong gabi kakaisip kung paano mahahanap at makakaganti sa unang babaeng nanakit sa kanya, physically. Ang babaeng nagngangalang Devon. Tanghali na kaya napilitan na din syang bumaba, gutom na rin kasi sya. Pagkatapos na lang nya kumain saka ulet sya matutulog. Katulad ng sinabi ni Bret wala na syang nagawa kagabi kundi umuwi.
" Kiko, linisin mo nga yung garahe. Baka mapagalitan na naman tayo ni ma'am nyan eh!"
Biglang napalingon si James kung saan nanggaling ang boses, sa pag-aakalang Kiddo ang kanyang narinig, kung paano sya tawagin ni Devon nung araw na nagkaengkwentro sila.
" Ah, shut up! Who's that?" pasigaw na tanong ni James. Dahil na rin sa takot at pagkabigla, walang nakasagot sa kanya.
" I SAID, WHO'S THAT? WHO'S CALLING ME KIDDO?" may diin ang bawat salitang kanyang binanggit.
" Ay.. sir, walang pong.. tumatawag sayo nang kiddo, si Kiko po tinawag ko, yung bagong boy natin."
" I don't care! From now on, I don't want to hear that name. Understand?"
" Opo sir. Pasensya na po ka...."
" Go, prepare my lunch. NOW!
Wala nang nagawa ang kasambahay kundi sumunod sa amo. Agad na dumeretso sa kusina sa takot na lalong magalit eto kung matatagalan pa ang kanyang pagluluto.
♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
" MOMMY, pasok na po ako." paalam ni Devon sa kanyang ina habang bumababa sa hagdanan. Kasalukuyan etong kumakain ng agahan kasabay ang kanyang daddy.
" Mag-almusal ka muna anak."
" Sa canteen na lang po ako kakain, may tatapusin pa po kasi ako eh." hindi pa din eto tumitingin sa kanyang ina, nagtatampo pa din sya.
" Hhmmm.. Mommy, why can't i get back my DD? Promise po, hindi ko na sya itatakas. Magbebehave na po talaga ako." hindi nakatiis si Devon at nilapitan din ang ina. Samantalang ang kanyang daddy ay hindi maitago ang ngiti na nauwi sa malakas na tawa.
" I already told you the consequences and you have to deal with it Divina. Now, go to school if you don't want to eat. Don't be late."
" Yes mommy, bye." walang ganang paalam nya sabay halik sa pisngi ng mag-asawa.
" Don't be too harsh on her, honey." pahayag ng ama ni Devon pagkalabas neto nang pinto.
" Stop it Carmelito, don't spoil her too much. Napag-usapan na natin eto."
" Alright, I love you." lambing neto sa asawa.
♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
SINADYA ni Enrique sunduin si Devon noong umagang iyon dahil alam nyang masama pa rin ang loob nito. Hindi pa din kasi pumayag ang mommy nito na ibalik si DD, marahil gusto nya ding protektahan ang anak.
Si DD ang regalo ng daddy ni Devon sa kanya noong 16th birthday nya. It is a colored-blue Volkswagen Beetle, a very special car kasi dito mismo natanggap ng daddy nya ang matamis na "oo" ng asawa. Doon nagsimula ang magandang relasyon ng dalawa, and the rest is history. Halos ituring nila etong parang panganay na anak. Her parents are very sentimental kaya hindi na sya magtataka kung pati ang tissue sa unang restaurant na pinagdate-an nila ay nakatago pa. Kaya ganon na lang katatagan ang samahan nilang pamilya.
BINABASA MO ANG
You Snatched My Heart
FanfictionAnong gagawin mo kung may isang taong bigla lumapit sayo? Deretso ang titig sa mga mata mo.. Sa sobrang lapit nyo sa isa't isa pati tibok nang puso nya naririnig mo.. May matatamis na ngiti sa mga labi.. Pero bigla ka lang pala nanakawan? Ika nga n...