Chapter 8- Her Smile

332 68 57
                                    

10 years ago

"Hey, can you lend me your water gun?"  napalingon si Enrique sabay tingin sa paligid, walang ibang tao doon kundi silang dalawa ng batang nagsalita. Nagtatakang tinuro nya ang sarili.

" Ako?"

" Yes, you. I want your water gun, can I borrow it?" eto marahil ang anak ng amo ng tatay nya na galing Amerika. Laking lola eto kaya ngayon nya lang nakita, at ayon sa tatay nya ay dito na sa Pilipinas eto mamamalagi kasama ang mga magulang nya. She looks pretty in her sky blue dress, that gives more life to her big eyes. Her small straight-edged nose compliments well her thin lips, that emphasized her angelic beauty in her early age. Kulang na nga lang ng tiara at mukha na syang munting prinsesa.

"  I... I am... because.. kasi ginagamit ko pa pangdilig ng orchids ng mommy mo." nabubulol pang sagot nya dito, hindi kasi sya maging mag-english. Hindi pa eto naiituro ng maayos sa eskwelahan nila.

" It's okay. You can speak tagalog. I can understand you, I just can't speak well in tagalog." nakangiting sagot neto. Napansin marahil neto ang nagkakabulol ng kausap sa pag-eenglish. " By the way, I'm Devon, and you are?"

" I am Enrique, tatay Mario's son. Ahh...here." at mabilis nyang inabot ang baril-barilan sa batang babae. Sa tuwa neto ay agad sinimulan ang pagdidilig ng mga bulaklak. " Wooh, this is great. bang.. bang.." panay pa din ang pagbaril nya sa mga halaman hanggang makita nyang tahimik lang nakatingin sa kanya ang isa. Agad nyang itinutok dito ang baril-barilan at sinimulang eto patamaan ng tubig.

" Don't... don't... Stop... don't... stop.." panay ang ilag nya sa pamamaril ng batang babae ngunit tinatamaan pa din sya.

" Alright, as you wish. I will not stop. Don't stop, don't stop." tatawa-tawang hinabol nya eto.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

Present time

" Hoy Bestie! Tulala ka na naman d'yan, antok ka na noh?" agad na umusog palayo si Devon at umaktong pinahihiga ang kaibigan sa mga hita nya. Agad namang tumalima ang isa. " Ano ba kasing iniisip mo ?"

" Wala naman, naalala ko lang dito tayo unang nagkita. Mukha ka pang manika noon eh, ngayon mukha ka nang...

" Ano, mukhang ano ha? Ituloy mo!"

Mukhang diwata.... diwata ng drift wood!" at tumawa eto nang pagkalakas-lakas na lalong kinainis ng dalaga.

" Ah, ganon ha? Eto sa'yo!!" at sinimulan na nya etong sakalin. Ngunit hindi pa man nya nahihigpitan ang pagkakahawak sa leeg neto ay bigla na syang kiniliti ng kaibigan, sapat para mabitawan nya ang leeg neto.

" Nakakainis ka ah, porke't may Lucy ka na ginaganyan mo na ako."

" Oh, san nanggaling yun? Bakit nasama si Lucy dito?

" Hmp.. kunwari ka pa. Kung makipagngitian ka sa kanya wagas."

" Hay naku Vonvon, costumer eh kaya dapat talagang ngitian."

" Hindi kayo bagay noh, flirt sya eh, lolokohin ka lang nun." lumawak ang ngiti ni Enrique, sa pananalita kasi neto ay halatang nagseselos sya. Marahil ay mahal na din nya ang kaibigan hindi pa lang nya narereliaze.

" Selos ka naman?"

" Hindi ah, mas gusto ko kasi si Fretz para sa'yo." at noon din ay nawala ang ngiti sa mga labi ni Enrique at biglang gumuho ang papasibol pa lamang na pag-asa.

You Snatched My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon