" Okay dude, no problem. Ako na bahala. You take care alright? Just tell Fredo and Brandon I'll visit on Christmas vacation." agad na pagsang-ayon ni Bret sa pabor na hiningi ng kaibigan. Hindi matatawaran ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan nang maging magkasosyo sa negosyo ang mga magulang nila. Daig pa nila ang tunay na magkapatid. Kaya naman nang dumating sa buhay ni James ang kapatid sa labas na si Ivan, eto na ang naging takbuhan nang isa. Kay Bret kaya nyang umiyak na parang bata, kaya nyang ipakita ang mga kahinaan nya. Eto din ang tanging kaibigan nya kahit pa noong naglagi si James sa Australia para iwasan ang kapatid sa labas. Kaya naman ang simple pabor na hinihingi neto sa kaibigan ay hindi nya mapapahindian.
" Thanks dude, you're the man. I owe you one!" masayang sagot ni James.
" Hey, you owe me a lot!" at parehong tumawa ang dalawa sa tinuran ni Bret.
" Alright then, I'll make sure to pay you back, big time!" natapos ang usapan ng dalawa sa mga asaran. Not even distance can keep them apart.
♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
ASUNCION INTERNATIONAL SCHOOL
" Devon, alam mo ba during our Physics class nahuli ko si Kevin panay ang tingin sa'yo, tapos bigla ngingiti na parang baliw. May gusto ata sa'yo yun eh." magkaharap ang dalawa sa lamesa, kasalukuyan silang nasa canteen at kumakain ng tanghalian.
" Hoy, nakikinig ka ba?" untag ni Fretz kay Devon. Napansin kasi nyang tulala eto, at naninibago sya.
" Huh? Ano ulet sinabi mo? Sorry Fretz may iniisip lang kasi ako."
" Ano ba kasi yon? May problema ka ba? Pwede mo namang sabihin sa'kin eh."
" Nothing serious Fretz, don't worry." ngunit ang totoo ay nag-aalala pa din sya kay James. Buong linggo na kasi etong hindi nagpaparamdam. Nagsisisi na tuloy sya na hindi nya binigay ang cellphone number nya dito.
" Okay, I understand. Pero hindi porke't Biyernes ngayon ay dapat Biyernes Santo din ang mukha mo. It's TGIF, dapat masaya, dapat excited kasi weekends na. Wait, don't tell me si gwapong kidnapper ang iniisip mo? Well, kung ako din naman eh mag-iisip. Pagkatapos kang pakiligin biglang mawawala na parang bula? Nasaan ang hustisya?"
" Ang OA lang Fretz. Hindi sya ang iniisip ko. At bakit ko sya iisipin aber? Manigas sya. Over my dead sexy body. Kung ayaw nya magpakita, eh di wag. Hindi ko kawalan."
" Wooh, affected much? Halata Devz, wag nang magdeny. Pakipot pa kasi."
" Shut up! Ikain mo na lang Fretz, gutom lang yan." pilit umiiwas si Devon sa usapan. Hindi nya alam kung bakit nasabi iyon ni Fretz, masyado bang halata sa mukha nya na si gwapong kidnapper kuno ang iniisip nya? She should stop, she should not be thinking about him. She should stop right now.
♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡
Linggo nang araw na iyon, kakatapos lamang magsimba ng pamilya Ferrer kasama ang magkapatid na Patrick at Enrique. Anak ang dalawa ni Mang Mario, ang matagal nang driver nang mga Ferrer. Simula binata pa lamang si Carmelito ay naninilbihan na eto sa kanila. Halos magkaedad ang dalawa noon kaya naging matalik sila na magkaibigan. Unlike other rich family, they treated their helper as part of the family. Kaya nang mamatay si mang Mario ay lalong naging malapit si Carmelito sa dalawang binata. Kung nagkataon sigurong nagkapamilya din si nanay Ester ay malamang magiging malapit din si Devon sa magiging anak neto.
Naglalakad sila papuntang parking lot nang may tumawag kay Enrique.
" Hello?... I'll be there in less an hour. I won't be late." saad ni Enrique sa kausap.
BINABASA MO ANG
You Snatched My Heart
FanfictionAnong gagawin mo kung may isang taong bigla lumapit sayo? Deretso ang titig sa mga mata mo.. Sa sobrang lapit nyo sa isa't isa pati tibok nang puso nya naririnig mo.. May matatamis na ngiti sa mga labi.. Pero bigla ka lang pala nanakawan? Ika nga n...