Chapter 12- Too Sudden, Very Unexpected

176 33 19
                                    

" Devon!" malakas na sigaw ni James upang agawin ang atensyon ng dalaga na kasalukuyang nag-aayos ng gamit.

" Devon, we need to talk." muli ay tinawag sya ng binata. At dahil doon ay tumutok sa kanya ang lahat ng pares ng mata ng mga kaklase nya. Kakatapos lang nang klase nila at naghahanda na ang bawat isa para umuwi. She paused for a moment when she heard him shouting her name. The sound of his voice made her shivered as if a cold breeze just blown. But she opted to ignore James and she immediately left the room and run towards the parking lot.

" D*mn it, pick up the phone Devon." mahinang sambit ni James. Agad nyang sinundan ang dalaga ngunit hindi na nya naabutan at mabilis etong nawala sa paningin nya, halatang umiiwas marahil ay dahil na rin sa ginawa nya buong maghapon. He felt guilty, kaya't gusto nyang makipag-ayos dito.

" Finally! Where are you? Tinatawag kita kanina sa classroom pero hindi mo man lang ako pinansin. We need talk." dere-deretsong litanya ng binata matapos sagutin ni Devon ang tawag.

" I have to go, kailangan ako sa bahay eh." pagsisinungaling nya. Dahil sa totoo ay ayaw nya etong makita.

" Hatid na kita para mabilis. Asan ka ba?"

" No need, kaya ko umuwi mag-isa."

" Atleast tell me where you are!" bahagyang tumaas ang boses ni James.

" Pauwi na nga ako!" dahil sa inis ang tumaas na din ang boses ni Devon dahil sa tinuran nang isa. Puputulin na sana nya ang tawag nang marinig nyang nagsalita eto muli sa mahinahon nang boses.

" Alright then, just don't forget to do my essay for tomorrow."

" Okay, bye!" hindi na nya hinintay pang makasagot ang isa at tuluyan nang pinutol ang tawag.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

" Oh, bakit nakasimangot ang diwata ng drift wood?" eto ang unang bati ni Enrique kay Devon. Nandoon sya sa Asuncion International School para sunduin ang kaibigan. Kasalukuyan syang nakaupo sa isang bench sa gilid ng parking lot nang makita nya si Devon, hindi maipinta ang mukha.

" Wag mo akong kausapin, wala ako sa mood makipagbiruan!" mataray ang naging sagot neto.

" Wooh... Scary ka Vonvon ah." ngunit hindi na eto sumagot, hudyat na hindi talaga eto handang makipagbiruan o makipag-usap man lang.

" Okay, mananahimik na nga ako eh. Ayos lang kung ayaw mo magkwento ngayon, pero alam ko namang hindi ka din makakatiis at sasabihin mo din sa akin yan." nilapitan na nya si Devon nang tuluyan at inakbayan para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam neto.

" Urrggghh!! Nakakainis kasi yung bago namin classmate. Ang yabang nya. Bwisit talaga sya!" napangiti na si Enrique, kilalang kilala nya talaga ang kaibigan. Hindi lilipas ang ilang minuto ay ilalabas neto ang sama nang loob, hindi neto ugali ang magtago ng saloobin, kahit pa nga ba madalas ay sya ang napagbabalingan neto.

" Bagong kaklase? Si James Roberts ba yan?" nakakunot ang noong bumaling sa kanya si Devon. At upang masagot ang tanong na mababasa sa mukha ng dalaga ay agad na nya etong ikwenento.

" Kasi nga, sya yung spoiled brat na   estudyante ko. Remember last week sobrang busy ako tutoring, sya yun. He hired me for a week para sa preparation nya sa Assessment and Qualification Test sa school nyo. Hindi ko naman ine-expect na masasama pala sya sa section nyo, to think na top section kayo, maybe he really is smart, pasaway lang." mahabang paliwag ni Enrique sa naguguluhan na ding kaibigan. Ngunit matapos ang ilang segundo marahil ay naintindihan na ang nangyari ay agad umigkas ang dalawang kamay neto at pinagbabayo ang dibdib ng binata.

You Snatched My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon