Chapter 7- First Confession

327 68 55
                                    

" There you go," you look prettier, iyon sana ang gustong isunod ni James sa kanyang sinabi. Ngunit hindi sya nagkalakas ng loob " Pwede na, nagmukha ka ng babae." ang bigla na lang nyang nasabi.

Sinuot ni Devon ang pamalit na damit na binili ni James. Pagkatapos kasi nilang maglinis ay sobrang nadumihan ang kanyang damit. Mapapagalitan sya ng kanyang magulang kung ganon ang hitsura nyang uuwi, pero sa tingin nya ay mas masisita sya kung eto naman ang suot nya. Isa iyon casual dress na half sleeves, V-neck, colored-light blue na hanggang tuhod ang haba. Halata kasing hindi sa kanya ang damit at mag-uusisa ang mga eto.

" Yung damit ko na lang siguro ang susuotin ko."

" No.... I mean no need. Nakabihis ka na eh, okay na yan." depensa ni James sa pag-aakalang naoffend ang dalaga sa sinabi nya.

" Hindi ba magagalit yung may-ari neto. Tingnan mo oh, bago pa. Nakakahiya naman." sinabi kasi ni James na binili nya ang damit na iyon para sa isang kaibigan.

" She doesn't even know this dress exist. I will just buy new one. Bagay kaya sa'yo." pangbawi sana ni James ngunit hindi na eto pinansin ni Devon naglakad na eto palayo habang nagpapaalam.

" Una na ako James, late na din kasi eh."

" Hindi ka ba nagugutom? Baka gusto mo dinner muna tayo bago ka umuwi." ayaw pa kasi nyang umalis ang dalaga, hindi nya alam pero gusto nya pa etong makasama.

" Sa bahay na ako kakain, malamang hinihintay na ako ng nanay ko."

" Alright then, but I'll give you a ride. It's an order Devon. You really work hard today, at least have some rest on your way home." hindi na nakatanggi si Devon. Hinayaan na lang sya ang lalaki sa gusto neto, at tulad na sinabi nya umidlip sya habang nasa sasakyan.

Sa bahay nila Enrique sya nagpahatid, hindi pa buo ang tiwala nya dito kahit sya ang may atraso. Wala din namang dahilan para malaman neto ang bahay nila dahil sa loob ng dalawang buwan ay hindi naman na sila magkikita.

" We're here. Thanks for the ride."

" It's nothing. Besides this is the only thing i could offer. Get inside, I know you are dead tired. But don't skip dinner, goodnight."

" Copy that, goodnight," pinanood ni James ang dalaga habang papalayo ang sasakyan. Hindi nya pansin ang mga ngiting kanina pa nakaukit sa mga labi nya. Ngunit biglang may lalaking lumapit dito at inakbayan sya, at sa isang iglap ay nawala sila sa paningin nito. Hindi nya maiwasang mag-alala.

♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡♥♡

" Oh, Vonvon late na ah. Bakit andito ka pa. At bakit ganyang ang suot mo? Tsaka sino yung naghatid sa'yo ha?" sunod-sunod na tanong ni Quen.

" Kalma lang bestie, it's not that late, okay? May pinuntahan lang ako kasama ang isang bagong kaibigan, and for the dress, well something happened na kinakailangan ko magpalit nang damit."

" Eh sino yung naghatid sa'yo aber?"

" Bagong kaibigan." tinawanan sya nito.

" Lalaki o babae? Bakit hindi mo pinakilala sa akin? Bakit naglilihim ka na Vonvon?"

" Pwede bang secret muna bestie, sasabihin ko din naman sa'yo but not today. Kasi kailangan mo akong pakainin at gutom na gutom na ako. Anong ulam nyo? Pahiram na din pala ng t-shirt, ayoko umuwi ganito suot ko." at tuluyan nang pumasok si Devon sa loob nang bahay nang kaibigan. Wala namang nagawa ang isa kundi sumunod at ipaghanda eto nang hapunan.

You Snatched My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon