First Meeting
"Shuta naman, tagal naman magpapasok sa loob, wala na yung makeup ko pisti, para kay Wonwoo pa naman to tapos mahuhulas lang din!" Panay ang reklamo ni Venice sa akin habang nasa concert kami ng Seventeen ngayon sa Mall of Asia Arena.
"Chill, ayan na oh, umuusad na yung pila." Sabi ko. Sarap batukan, di makapaghintay. As if naman makikilala siya kaagad ni Wonwoo at papakasalan kapag nagkita sila, o baka siya nga lang ang makakakita.
"Hay salamat!" She exclaimed. Tahimik lang akong naglakad papasok ng venue. Bawal ang malalaking cameras except for the fansites kaya phone lang ang dala ko ngayon.
"CR muna tayo, reretouch lang." Hinila ako ni Venice kaagad papunta ng CR. Di pa naman start ng concert pero maririnig mo ang sigawan at mga fanchants sa concert venue.
"Omg, huhu. Excited na ko!" She excitedly said. Ako naman ay nangiti lang sa kanya. Medyo exaggerated lang kasi tong babaeng to sa pagfafangirl.
Matapos niyang magretouch ay pumunta na kami kaagad sa venue. Pahirapan pa nga kasi pareho kaming naka-heels dahil VIP Standing ang kinuha namin at di namin sila makikita kung di kami mag-heheels. Tiis-ganda nalang.
Rinig na rinig ang sigawan ng mga fans. Some of them are so extra na nagwedding dress pa at carrot mascot.
Alas-sais na ng hapon at nagdilim ang paligid. Iba ang bugso ng damdamin ko kaya noong lumabas sila, grabe ang sigawan ng buong arena. Napakagwapo pala talaga nila sa personal.
"OMG! WONWOOOOO!" Sigaw ni Venice. Getting Closer ang first performance. Napaka-energetic ng lahat, wala man lang dead atmosphere.
Hindi ako maka-hype ng maayos dahil naka-heels ako. Etong si Venice kahit nakaheels tumatalon pa rin.
"Oh my goodness, Wonwoo mine!" Sigaw nito at nakakatuwa dahil nginitian siya ni Wonwoo from the stage.
"OMG OMG OMG! PENGE HANGIN OMG!" Sabi ni Venice habang pinapaypayan kuno ang sarili niya.
Nag-iba naman ang energetic na atmosphere nang kantahin nila ang Smile Flower. May mga fans pa ngang naiyak at kabilang na ako doon.
"Thank you PH Carats for being with us tonight, I hope you did enjoy our performances and we're looking forward to come back here in the Philippines again, soon." Sabi ni Vernon for their ending speech. Nabanggit ni Junhui na favorite niya rin ang pata dito sa Pilipinas, ang cute.
At para sa huling performance, ang never ending na Aju Nice. Hype na hype ang buong arena dahil dito at dito. Matapos ang on-loop ay namaalam na sila at nagpalabas ng mga tao.
YOU ARE READING
Carat Series 1: Impossible || Kim Mingyu [COMPLETED]
FanfictionAndrea Raye Fernandez, ang babaeng nangangarap na maging sila ng bias niya sa Seventeen, na si Kim Mingyu kahit alam niyang imposible ito mangyari. Pero dahil sa isang di inaasahang encounter sa kanyang bias, ang IMPOSIBLE nilang love story ay may p...