It's been 5 months since nililigawan na ako ni Mingyu. Mahaba-haba na din ang 5 months. Sasagutin ko din siya. May hinihintay lang akong sign.
"Ano ba, girl? Di mo pa din sasagutin si Mingyu? Sinagot ko na nga si Wonwoo. Baka ikaw din? Trip mong sagutin. Uso yun." sabi sa akin ni Venice.
"May inaantay lang akong sign. Or rather go-signal para sagutin siya."
"Ano naman yan? Diyos ko, may paganyan-ganyan pa tong nalalaman."
"Uhm- kapag naka-100 M views mamayang gabi yung Don't Wanna Cry."
"Ay, ang babaw naman ng sign mo. Yung totoo?"
"Oo nga. Totoo kasi--"
"Aba bahala ka. Basta, winiwish ko na sana sagutin mo na si Mingyu."
Naglakad na kami palabas ng school. 7 PM na din pala. Di kami masusundo ni Mingyu at Wonwoo kasi may pinapagawa ang Pledis na importante sa kanila.
Pagdating namin sa bahay, nagsisisigaw si Gwyneth.
"Oh bakit, anong meron?" tanong ni Venice.
"100 million views na ang Don't Wanna Cry!" sagot nito sa amin. Nagtinginan kami ni Venice.
"Paano ba yan, sasagutin mo na siya." kinikilig na sabi ni Venice. Sakto naman ay may natanggap akong text message.
From: Matangkad na Kyut kahit Negro
Available ka ba mamayang 9 dito sa Dance Studio? Punta kayo. Magformal ka ha. May pupuntahan tayong party.Nagreply naman ako.
To: Matangkad na Kyut kahit Negro
Oo. Sunduin mo ko ng 8:30.Agad naman akong naligo at nagbihis. Pinili ko ang isang blue lace semiformal dress. Di ko pa ito nagagamit.
Sinuot ko na ito at kinulot ang ibaba ng aking mahabang buhok. Tapos naglight makeup lang ako. Sinuot ko na ang silver stud earrings ko at ang silver necklace. Nakasilver 3 inch heels naman ako.
"Saan lakad mo? Sama ako--" sabi ni Venice. 7:30 pa naman at may isang oras pa siya para maghanda. Tumango ako at hinintay siya.
Si Venice naman ay nakared na semi formal na dress. Tapos nakagold siya na heels siya. Maganda siya.
8:30 na at may busina na akong narinig. Malamang siya na yun. Paglabas namin ng gate ay hindi siya, si Hoshi at Seungkwan.
"Noona, busy kasi si Hyung, kaya kami muna susundo." tumango lang ako. Pareho din silang nakatuxedo. Nagtataka nga ako kung anong meron.
"Ano bang meron?" tanong ko sa kanila. Di nila ako sinagot. Sumandal nalang ako sa kotse at chineck ang phone ko. Pagdating namin sa may dance studio, bigla nalang ako piniringan ni Dino.
"Sorry Noona, utos ni Mingyu hyung eh." wala akong makita at inaalalayan na lang ako ni Venice papasok. Sinimula na akong kabahan. Wala naman talaga akong alam dito.
Iniwanan nila ako at tinanggal ang piring ko sa mata. Nakita ko siyang nakatayo. Ang gwapo niya. Para siyang prinsipe na inaantay ang prinsesa niya.
Ang gwapo niya talaga.
"Kumain ka muna. Wag ka mag-alala. Alam ni Tita to." sabi niya sa akin. Inalalayan niya ako umupo. Paano niya nalaman na blue ang favorite kong color? Blue lahat ng andito. Nakita ko na ang buong Seventeen. Nakangiti sila sa amin. Nagthumbs-up naman siya sa kanila.
Nagsimula na sila pumunta sa table nila. Kami naman ay kumakain.
"Paano mo nalaman na blue ang favorite kong color?" tanong ko sa kanya.
"Secret na yun." at tumawa siya.
Lord, paano po kayo nakagawa ng nilalang na tulad ni Kim Mingyu?
"Sinong nagluto nitong pasta?" tanong ko. "Masarap eh."
"Sino pa ba? Edi itong nilalang na kaharap mo." at tumawa naman ako.
Pagkatapos naming kumain ay dinala niya ako sa gitna. Nakita ko si DK at Seungkwan, magkatabi sila.
[Play Seventeen's "Say Yes"]
Hinapit niya ako sa bewang at nagsayaw kami.
"Alam mo, simula nang makita kita noon sa parking lot, parang matagal na kitang kilala. Palagay ang loob ko sa iyo."
Tumingin naman ako sa kanya.
"Isa akong loyal na taong naging bias ka sa Seventeen. Wala akong bias wrecker kasi you wrecked them all."
Ngumiti siya,
"This day, sana, alam mo kung anong sagot. Sana ngayon, alam na natin sa isa't isa na tayo talaga."
"A-anong ibig mong sabihin?"
Biglang lumabas ang members ng Seventeen. Agad nilang linabas ang tela na nakalagay "neo nae yeoja chinguga doelgeoya?" [Will You Be My Girlfriend?]
Napatakip naman ako sa bibig ko.
"Alam kong di ko pagsisisihan kapag kasama kita. I hope na sana magtagal tayo and we can pass all the obstacles and problems around us. At humingi ako ng sign na if ngayon maka- 100 Million views ang Don't Wanna Cry, alam ko na na ikaw ang para sa akin. At oo, 100 Million views na siya." tumingin ako ng diretso sa mata niya. "Of course, it's a yes." agad naman niya akong yinakap. Yinakap ko siya pabalik. Nagyakapan naman din silang lahat.
Pagkatapos lahat, sabi ni Jun na umakyat daw kami sa roof top kasi nag-aantay na daw dun si Minghao.
Inalalayan niya ako. Nag-elevator kami para madaling makapunta sa taas.
Pagdating namin sa taas ay nandun si Minghao.
"Tumingin ka lang sa taas." sabi niya sa akin habang hawak ako sa bewang. Nanatili akong nakatingin sa taas pero bigla niyang hinawakan ang baba ko. Iniharap niya ako unti-unti sa kanya. Linapit niya ang sarili niya sa akin. Hanggang naramdaman ko ang marahang paghalik niya sa akin. Meron pala siyang pafireworks. Nakakatuwa. Lahat kami ay nanood nito. Nakasandal ang aking ulo sa balikat niya. Abot ko naman siya kasi 5'5 naman ako tapos nakaheels. Nakaakbay naman siya sa akin habang nanonood. Tuwang-tuwa ang Seventeen.
Kung panaginip lang ito, wag niyo na akong gisingin.
~~~~~~~
Yay, this will be the last chapter. Ikli lang, no? I choose every series to be 10 chapters pero hahabaan ko each chapter kasi kapos ako sa oras, busy sa school works kaya para matapos ko diba. Next kung gagawin after lahat ng series ay imagine naman. So yun, salamat sa lahat ng suporta❤next series nga pala will be kay Wonwoo. Bukas ko siya sisimulan. May epilogue pa mga chinggus kaya, subaybay pa. May kung ano-ano din para matapos ito. By the way, thank you so much 💜 love you all💜-KwinAwtor
YOU ARE READING
Carat Series 1: Impossible || Kim Mingyu [COMPLETED]
FanfictionAndrea Raye Fernandez, ang babaeng nangangarap na maging sila ng bias niya sa Seventeen, na si Kim Mingyu kahit alam niyang imposible ito mangyari. Pero dahil sa isang di inaasahang encounter sa kanyang bias, ang IMPOSIBLE nilang love story ay may p...