7

21 1 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang dumalaw ang Seventeen sa bahay namin. Wala na nga rin akong masyadong balita sa kanila at hindi ko na din sila nakikita sa Seoul National University masyado. Di na din masyadong nakakapagtext sa akin si Mingyu. Siguro, busy sila sa bago nilang comeback. Friday na ngayon at kinabukasan ay weekend. Gagala lang siguro kami ni Venice. Nakita ko si Venice na nakadapa sa kama namin. Binuksan ko ang TV namin baka sakaling may maayos na balita.

BREAKING NEWS: Twice's Tzuyu and Seventeen's Mingyu are Reported to be Dating

Ha? Kakaamin niya lang sa akin last time ah? Na gusto niya ako?

"Is that news legit? E ikaw lang naman ang gusto ni Mingyu?" tanong sa akin ni Venice. Nagkibit-balikat lamang ako.

"Di pa naman confirmed. Wag ka muna magdrama, girl. Magfocus ka muna magreview. Sa Monday na exams natin. Tapos after that, defense at thesis." inagaw niya sakin ang remote at pinatay ang TV. Binuklat ko naman ang libro ko at nagsimula magbasa. Sinubukan kong magfocus pero hindi ko alam, sobrang nabobother ako doon sa news. Pero uso naman fake news, baka gawa-gawa lang yun.

Sa kalagitnaan ng pag-aaral ko para sa exams ko, biglang tumunog ang cellphone ko. Tawag galing sa kanya.

"Annyeonghaseyo?"

[Annyeonghaseyo- Uh, all about the news, it's not true. Don't be bothered.]

"Alam ko naman yun. I'm not worried rather. Good luck nga pala."

[Oh, I forgot, exams niyo na pala next week. Good luck. Saranghaeyoo~~~Annyeong!]

"Saranghae~Anneong." nagbaba na kami ng tawag. Thank God. Di naman pala totoo yung balita. Nakapagfocus na ako sa pagrereview. Siya lang naman pala ang motivation ko.

"Oy girl, ngingiti-ngiti ka diyan? Tumawag lang yung mokong, natimang ka nanaman. Aral na, uy." sabi ni Venice na iiling-iling.

Dumapa ako sa kama. Alam niyo yung feeling na kahit kinomfirm niya naman talaga na di totoo yun pero feeling mo di ka pa rin palagay. Hay~ bakit pa ba kasi ako dumaan sa parking lot para mag-CR? Kaya ngayon, namromroblema tong love life ko.

"Grabe girl, no. Thankful ako sayo na dumaan ka ng parking lot that time. Bakit? Kasi nga naging close tayo sa Seventeen tapos, pati kami ni Wonwoo, close na din. Alam mo, akala mo sa unang tingin cold siya pero pag nakilala mo siya, sobrang masayahin ng personality niya. Warm siyang tao." napangiti ako sa sinabi niya. Siguro, ang magandang naidulot nun, naging close ako sa Seventeen, pero medyo nga lang, kumomplikado ang buhay ko.

Binuksan ko yung TV dahil tinatamad na ako magreview. Nakita ko doon sina Mingyu at Tzuyu. Nakangiti sila habang iniinterview.

BREAKING NEWS: Tzuyu and Mingyu Confirmed Dating

"Uhm-what can you say about dating Tzuyu?" [Reporter]

"Uh- Tzuyu has a good personality. She has the intelligence and yeah, she can handle our relationship very well."  [Mingyu]

"You, Tzuyu? What can you say about Mingyu being your boyfriend?" [Reporter]

"Uhm, Mingyu has this kind of personality I most like when it comes to boys. And it is not hard to love him as well." [Tzuyu]

Nakita ko kung gaano sila kasaya sa pagtingin sa isa't isa. Pinatay ko na ang TV at ramdam ko ang pag-init ng mata ko.

"Uy, girl- baka palabas lang yun ng Pledis at JYP. You should trust Mingyu." sabi nito. "Diba wala naman daw katotohanan yun? Andrea~" sabi ni Venice habang hinahagod ang likod ko dahil humihikbi na ako.

Siguro nga, masyado ako nadala ng pag-asa ko. Hindi naman kasi ako nararapat sa kanya. Isang hamak lang ako na fangirl at kahit may past encounter kami nung bata pa kami, hindi ko gagamitin yun laban sa pagmamahal sa kanya. I will still love him the way he is. Even he doesn't love me back.

"Girl, ito tubig oh. Uminom ka muna." kinuha ko muna ang tubig kay Venice at ininom ito para mahismasan ako.

"Girl, wag ka na umiyak. Baka palabas lang naman nila yun."

"Palabas?" tumawa ako. "Girl, kung palabas yun hindi ganon ang tinginan nila. Yung makikita mo yung tuwa sa mata nila. Yung alam nila na sila talaga para sa isa't-isa. Sabi ko sayo, ang fangirl ay para sa isang taong katulad lang natin. At ang k-pop ay para sa k-pop lang." nagpout nalang si Venice.

"Unnies, kakain na." tawag sa amin ni Gwyneth. "Okay yeodongsaeng, we're coming." sagot ni Venice.

"Ikaw, bumaba ka na diyan. Tigilan mo na ang pagdradrama mo, okay? Gagala nalang tayo bukas para makapagpalamig. Kain tayo dun sa Korean Restaurant na rinecommend sa akin ni Wonwoo. Libre ko." ngumiti naman ako at bumaba na para kumain.

Pagka-upo namin sa mesa, wala si Mama.

"Where is eomma, Unnie? " tanong ko kay Ate Kaith.

"Nasa labas lang naman siya. Mauna na daw tayo maghapunan." sabi ni Ate at naghanda na siya sa lamesa. Tinulungan naman namin siya.

Sa kalagitnaan ng pag kain namin, bigla siyang nagsalita, "Kamusta kayo ni Mingyu? Ano bang meron sa inyo?" at sumubo siya.

Tumahimik lamang ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko.

"Uh~maybe we should focus eating, unnie. Kanina pa gutom si Andrea."  pag-iiba ni Venice sa usapan.

Linagay ko na sa lababo ang pinagkainan ko at sinundan si Venice sa pag-akyat ng kuwarto.

"Girl, ngayon nalang kita nakita ulit na heartbroken. Naalala ko pa nung high school tayo dito, yung crush mo noon~ umiyak ka din noon noong frinendzone ka." sabi ni Venice.

Wala lang talaga akong gana ngayon.

"Itulog mo na lang yan girl." sabi sa akin ni Venice at nagtaklob na siya ng kumot. Sumunod ako sa kanya at sinimulang ipikit ang aking mata habang pumapatak ang luha.

K I N A B U K A S A N

Kasama ako ni Venice sa isang mall dito sa Seoul. Para naman sumaya ako kahit papaano. Nakasweatshirt ako na gray, high-waisted rip jeans at maliit na black na backpack. Suot naman ni Venice ang pink na sweater at high-waisted shorts. Pareho kaming nakawhite na sneakers.

"Dito daw yung restaurant na rinecommend sa akin ni Wonwoo. Tara hanapin natin." hinatak niya naman ako. Nagescalator kami papunta sa second floor ng mall. Nakita namin ang isang restaurant. Para siyang batang nakakita ng laruan. "Eto nga yon. Tara!" at hinatak sa loob. Sinamahan ko siya mag-order ng pagkain.

Habang lumilinga ako sa paligid ko ay nakita ko ang isang lalaki at babaneg nakamask. Nakacap yung lalaki at nakatakip naman ng hoodie ang lalaki. Unti-unting nagtama ang mata namin. Alam ko yun, alam kong siya yun.

"Ven, magcocomfort room lang ako." tumango naman siya at lumabas ako ng restaurant. Naramdaman ko nanaman ang pag-init ng mata ko. Nakita ko naman ang pagsunod niya sa akin kaya tumakbo ako palapit sa maraming tao. Pero hinabol niya pa din ako. Tumigil ako dahil nahihirapan na ako huminga. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa braso ko.

"Mag-usap tayo." sabi niya at dinala niya ako sa likod ng mall. "Bakit hindi mo nirereplyan yung mga text ko? Bakit di ka sumasagot sa tawag ko?"

I coldly stared. "Bakit sinabi mo sa akin na balewalain yung balita sa inyo ni Tzuyu? Eh nagdadate na pala kayo. Sabi ko na nga ba, trip lang yun sa akin ng Seventeen o baka dare. Nagpaniwala naman ako."

"Hindi yun, it's just that-" di ko siya pinatapos. "Sabihin mo nalang kasi na trip mo yun sa akin, para di na ako umasa. Atsaka, alam ko naman na hanggang fan lang ako at taong bahagi ng past mo." tumingin siya sa akin ng nakakaawa.

"Sorry. Pero hindi yun totoo. Gusto tala-" di ko siya pinatapos ulit. "Pinaniwala ko ang sarili ko na lahat ng imposible, nagiging posible. But, it still remains IMPOSSIBLE until now." tumakbo ako at umalis. Narinig ko ang sigaw niya pero di ko na iyon pinansin.

Now I know that it's still IMPOSSIBLE.

Carat Series 1: Impossible || Kim Mingyu [COMPLETED]Where stories live. Discover now