Chapter 1:

13 1 0
                                    

Arry.

"Bwahahahaha!! Hahahahahahahah!! Hooh! Ang sakit ng tiyan ko! Hahahahaha"

Argh! Konting konti nalang masasapak ko na tong babaeng to! Malapit na talaga!

Kasi naman eh!! Masama bang mag-assume? Tss! Kagigil! Argh!!!

"Hoohh!! Sweetie naman kasi! Assumable ka masyado eh! Wag ganon! Natatawa tuloy ako! Hahahaha" kanina pa ito tawa ng tawa at pinagtitinginan na kami ng ibang tao dahil ang lakas ng tawa niya.

Pauwi na kami ngayon at 8:30 palang. Tss. Nakakagigil eh kaya nag aya na akong umuwi. Magpapatugtog nalang ako para mawala ang inis ko.

Paano ba naman kasi! Iku-kwento ko ba? Tsk. Sige na nga!

Rewind‹‹‹

Napapasabay na din iyong mga tao, este mga kababaihan sa pagkanta at ako naman napapasway sway pang nalalaman.

Pero muntik nakong lamunin ng lupa ng makita kong tumingin sakin si Zi at ngumiti!!! Sh*t! Totoo ba ito? Ohmyghad!! I cant bilib this!

Nagwawala na ang puso ko!! Hanggang ngayon nakatingin parin siya sakin at minsan ay kumikindat kindat pa!

Syete! Ang init!! Napapairap naman ako kapag may kinikilig sa likod. Akala siguro nila sila iyong nginingitian nung tao. Pwes hinde! Ako iyon! Ako! Me! Si Artemis! Ako!! Bwahahaahaha mainggit kayo---

"Ahh.. Kaya naman pala.. Nandito si Klira." A-ano daw?

Si klira? Iyong nililigawan ni Zi? Nasaan? Sa plaza?

"Uy sweetie, tulala ka diyan. Sabi ko nasa likod mo si Klira." Sabi ni necy habang kinakalabit ako.

Naiiyak ako na nahihiya. Ghad! Nag assume ako! Nag feeling ako! Hindi naman pala ako iyon! At nakalimutan kong 'kahit kailan! Hindi niya ako mapapansin!' Argh!! Pahiya ako don!

SIZE doesn't MATTERWhere stories live. Discover now