Chapter 3:

11 1 0
                                    

Arry.

"You only need the light when its burning low,
Only miss the sun when it starts to snow, only know you love her when you let her go."

Ang ganda, nakakaantok. Sa totoo lang, konting-konti nalang mapapasandal na ako sa katabi ko.

Pang-apat na banda na ang kumakanta at sunod na sina Zi. Siya nga pala iyong katabi ko sa kanan at sa kaliwa ay sina sweetie at Henry.

Napapapikit na ako pero nagulat ako nang may nagpalakpakan at naghiyawan. Napaayos tuloy ako nang upo at nakitang tumayo na sina Zi at Henry.

Nakasunod lang tingin ko sa kanila este- kay Zi. Hindi ko parin makalimutan iyong sinabi niya kanina, parang dalawa ang ibig sabihin pero syempre pinigilan ko ang sarili kong mag-assume na naman.
Mahirap na.

"Gwapo talaga ni Henry!" Narinig kong sigaw nang isang babae sa bandang harap namin.

Napatingin naman ako kay Sweetie na naka-simangot at nakanguso. Siniko ko siya kaya naman napatingin siya sa akin.

"Pakitaan mo nga.." Nakangisi kong sabi at napangiti din siya.

Tumayo agad siya at biglang sumigaw.

"Go Babe!! Woohhh!!" Sigaw niya at tumingin naman sa kanya si Henry at kinindatan sabay flying kiss.

At eto namang sweetie ko, kinilig.

"Tss. Hindi naman maganda eh." Rinig kong sabi nung isang babae kanina, iyong sumigaw.

Tumingin naman sa kanya si Sweetie at inirapan. Napatawa naman ako sa pinaggagagawa nila.

Maya-maya naman may sumigaw ulit.

"I love you, Zi!! As usual, babae ang sumigaw at maganda siya, sexy at makinis. Kaya naman nanahimik nalang ako.

Naramdaman kong sinisiko ako ni sweetie kaya lumingon ako sa kanya. At tinaasan ng kilay.

"Pakitaan mo din." Nakangising sabi niya, pero umiling lang ako.

"Huwag na, talo ako diyan. Maganda, sexy, at makinis. Hayaan mo nalang." Walang ganang sabi ko.

Totoo naman, mukha palang talo na ako. Idagdag mo pa ang ka-sexyhan niya eh ako? Siksik hindi sexy.

"Maganda ka rin naman ah at makinis. Eh ano naman kung chubby ka? Matalino ka din naman at mabait. Eh siya ba?" Aniya habang naka-krus ang mga braso at nakatitig sa akin.

Hindi nalang ako sumagot at tumingin sa stage kung saan nag-aayos sina Zi. Nakita ko namang nakatingin sa akin si Zi at para bang may hinihintay kaya naman nginitian ko siya at nag-iwas ng tingin.

Ano bang meron?

Napatingin ulit ako sa stage nang marinig na magsisimula na silang tumugtog. Si Henry ang electric guitar, si Zi ang vocalist na may hawak na bass guitar, at ang kaibigan nilang sina Gero na drummer, Milo na pianist.

So pamilyar ulit sa akin ang kanta. At sa tingin ko ay...

May I have this dance- Meadowlark

SIZE doesn't MATTERWhere stories live. Discover now