Arry.
Nakalabas na kami sa plaza at ngayon ay may apat na motor ang nakaparada sa harap namin.
Halatang mayayaman ang may-ari dahil naka-customize ito at maraming ilaw na nakakabit. Ang astig tignan.
At syempre pinakamaganda ang kay Zi, Ducati ang tatak non. Napakaganda nito at parang ang sarap sumakay. Pero syempre, hindi ako ang aangkas doon, kundi si Klira.
Si sweetie naman ay kay Henry at si Gero ay nag-iisa pati narin si Milo. So, paano ako? Iiwan ako ganoon? Abaa---
"Sweetie! Kay Milo kana umangkas." Pagsigaw ni Sweetie habang sinusuotan siya ni Henry ng helmet. Ano? Bata ha? Wala namang forever eh! Charing!!
Tumingin naman ako kay Milo at nakita siyang nag-aabang, kaya naman ngumiti ako sa kanya at lumapit.
Inabot naman niya ang helmet sa akin at tinulungan akong magkabit.
Pero nagtataka ako kasi hindi ako nakakaramdam ng pagkailang nung tulungan niya akong magkabit ng helmet.
Tapos pagkatapos non ay sumakay na siya at pinaandar ang motor niya. Pwede ring humarurot agad diba?
Dahan-dahan naman akong umangkas at umayos ng upo.
"Kumapit ka, baka kasi mahulog ka." Rinig kong sabi niya kaya naman humawak ako sa jacket niya at umayos ng upo.
"Okay na, sanay naman akong mag-balance eh." Sabi ko, tapos sumunod na kami kina Zi.
Hindi ko alam kung saan ang punta namin dahil medyo madilim ang paligid. Pero maya maya lang ay may nakita na akong christmas lights sa mga puno at upuan.
Huminto kami sa may parking lot. Paano ko nasabe? Nakita ko iyong sign eh, parking lot daw. Diba?
Pagkababa ko ay inalis ko kaagad ang helmet at inilibot ang tingin sa paligid. Tulad nang sabi ko kanina, may mga christmas lights sa paligid.
"Tara na, guys." Napalingon ako kay Zi nang magsalita siya ang unang naglakad palabas sa parking lot. Sumunod naman kami sa kanya at namangha ako sa nakita ko.
Wow. Cafe pala ito, may mga mesa at upuan sa labas na may lamp post at may christmas lights sa katawan nito.
Mayroon ding dalawang gazebo at isang swing na may christmas lights din. Grabe ang cafe na ito, sagana sa christmas light. Baka iyong tinitinda nila dito puro ilaw at hindi pagkain.
Bago pumasok, syempre may pintuan diba? Pero higtech pintuan nila grabe! Nakaka-ita! Kusa itong bumubukas kapag may dadaan. At dahil mayaman sila, iyong pangalan ng Cafe nila ay gawa din sa ilaw.
Ito pala ang 'Light D' way, Cafe'. Obvious nga eh, lahat na yata ng way, may light.
Hindi lang way, pati upuan at mga poste may light."Goodevening Zi!" Napatigil ako sa pagmamasid sa paligid nang may lalaking lumapit sa amin.
Pamilyar ito sa akin, hindi dahil gwapo siya, kundi may kahawig din siya.
"Goodevening din, Storm. Nasaan nga pala ang pina-reserve ko?" Tanong ni Zi.
Ah! Si Storm Samonte, isa sa mga pinsan ni Zi. Medyo may edad na ito, mga 21 years old nadin. Siya siguro ang may-ari nitong cafe dahil sa damit niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/165121555-288-k915057.jpg)