Chapter 2:

7 1 0
                                        

Arry.

'Peace be with you too, Artemis.'

'Peace be with you too, Artemis.'

'Peace be with you too, Artemis.'

"Hoy! Natulala na! Wala na, nag assume na naman!" Nanggigigil na siguro to. Pang sampung beses na kasi niya akong kinakalabit pero tulala parin ako.

Eh anong magagawa ko? Normal lang naman iyon diba? Syempre yung crush ko kilala ako.

Eh hindi naman ako famous! Atsaka magkaiba kami ng section! Pilot section sila at kami ni sweetie ay pangatlo.

'Duh? Isang room lang ang pagitan niyo!'

Pero kahit na! Hindi naman kami gaanong nagkikita sa school eh. Argh!! Nakakaloka naman!

"Eh anong magagawa ko? Eh kahit ikaw maga-assume eh! Kasi nga imposible talaga!" Sabi ko at nagpagulong gulong sa higaan ko.

Nandito na kami ngayon sa bahay namin. Pagka-uwi dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga. Feeling ko kasi pagod na pagod ako sa nangyari. Alam niyo bang hinihingal ako kanina? Grabe! Hindi ko alam kung bakit! Nakakaloka nga eh!

"Alam mo sweetie, likas na sa mga lalaki ang mag-paasa. Malalandi kasi ang mga iyon. Kaya kung ako sa iyo, kalimutan mo nalang iyong nangyari dahil paniguradong nakalimutan kana din non. Kaya, move-on na okay? Baka umiyak ka lang sa huli." Mahabang litanya niya habang nakatingin sa cellphone niya.

Alam ko naman iyon eh. Alam kong makakalimutan na niya ulit ako. Pero nakakapagtaka lang talaga dahil kilala niya ako. Hindi kaya ini-i-stalk ako non? Psh! Assumera! Imposible! Baka narinig lang niya iyong pangalan ko sa ibang tao? O kaya naman, kilala talaga niya ako pero hindi lang ako pinapansin?

Hayy? Mga lalaki talaga! Kala mo kung sinong mga gwapo! Pero gwapo talaga si Zi.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may naalala ako. "Hoy!" Sabi ko at bumangon sa higaan. "May boyfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya na siya namang kinalaki ng mata niya.

"A-ano? W-wala ah! Itong babaeng to kung ano-ano i-iniisip!" Nauutal niyang sabi.

Napairap naman ako sa kanya at lumapit. Nanlalaki parin ang mga mata niya habang lumalapit ako. Tinitigan ko siya ng matagal at mabilis na hinablot ang cellphone niya.

Bago niya ako mahabol tumakbo agad ako sa cr at ni-lock iyon. Nanlaki naman ang mata ko sa mga nakita at nabasa ko.

Sa messages:

From Babe:

Babe, pupunta kami sa plaza mamaya kasama si Zi, baka gusto mo ring pumunta isama mo si Artemis.

SIZE doesn't MATTERWhere stories live. Discover now