Chapter 6:

6 1 0
                                    

Arry.

"Malapit ka na palang mag birthday, sweetie. Anong handa mo? Maghahanda ka ba?" Pagtatanong ni Necy habang nandito kami sa kwarto.

March 29 na kasi at kung natatandaan niyo, April 2 ang birthday ko.

Nakalimutan ko ding sabihin na nakapag moving up na din kami, nong  March 25 yon. Syempre dahil matalino ako--pero hindi sin talino ni Zi--with honors lang ako, 93 lang kasi average ko.

So ayun, sa pasukan mag ge grade 11 na kami ni Necy at napag usapan din namin sa iisang school ulit kami mag aaral.

Hindi pa kami handang maghiwalay eh, hihi.

"Hindi ko pa alam kay mama eh. Basta may pera siya at kaya niyang maghanda edi go, kung wala naman, okay lang naman baka magpaluto lang ako ng spaghetti." Sabi ko habang naglilinis ng kuko sa paa.

Diba nga nandito kami sa kwarto ko, kasama si sweetie. Palagi kasi siyang nandito eh palibhasa puro lalaki ang kapatid kaya walang makausap sa kanila.

"Ahh, edi libre nalang din kita ng milk tea, pati si Daito at si tita para may panulak tayo." Aniya habang nagtetext,siguro si Henry ang kausap neto.

"Bahala na, basta punta ka dito sa bahay, ha?" Tumingin ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiti na para bang kinikilig, habang nakatingin sa cellphone niya.

Tsk tsk tsk, ganyan nga naman ang itsura kapag inlove. Hay nako, basta lang wag siyang sasaktan ni Henry at nako talaga!! Malilintikan sakin yon!

Pinabayaan ko nalang siyang kiligin diyan at ako naman ay nagliligpit na ng gamit at nag alcohol, para naman hindi amoy paa ang kamay ko.

Nilinis ko lang naman hindi ko nilagyan ng cutics eh, hindi kasi bagay sa paa ko.

Sumampa na ako sa kama ko at nagpatugtog nalang ng music sa aking playlist.

"Missin you crazy- Russ"

'It's been long too way,

Since I seen you, looked you in your eyes,

Riding 'round the town and staying

out, don't wanna say goodbye

Everything's so different now,

You're just what I'm missing now

But I know that I can't have you back,

I guess I'm tripping now.'

'Sometimes I start missing you crazy,

ain't nothing quite like you. Love like

this keeps going and going, I cannot

forget you.'

Oh oh oh ohhhh

Oh oh oh ohhhh'

Hayyy... Dalawang araw na ang nakalipas simula ng makita ko si Zi at dalawang araw ko na ding iniisip kung bakit ganon ang tinrato niya sakin nang ibalik ko kay Milo yung jacket niya.

May gusto kaya siya sakin?

Nagseselos kaya siya?

Ano bang problema niya?

Nililigawan niya si Klira pero pinaangkas niya ako sa motor niya ng mawala ito, tapos yung sa plaza tungkol sa jacket ni Milo.

Ang gulo niya.

SIZE doesn't MATTERWhere stories live. Discover now