Chapter 2

26 1 1
                                    


Nakaupo lang ako sa may first-aid booth.

Marami nang students ang dumating, halos puno na ang cov'd courts. Mas marami ang mga naka-blue, since the event is for the freshies naman talaga. Sinayaw din ng mga seniors ang OrSem dance. Ang bibo nilang lahat, nakakahawa ng energy!

"Baka gusto mong puntahan yung blockmates mo," sabi ni Claire. Siyempre, sinigurado muna niyang okay na yung paa ko.

"Feeling ko kaya ko nang maglakad. Salamat ha!" Tumayo na ako ang kinuha yung bag ko.

"Teka lang, ano nga course mo?" tanong niya.

"Management Engineering," sagot ko na medyo pabulong.

"Wow! Quota course ka pala! Smart!" sabay nag-bow siya sa harap ko. To be honest, hindi ako aware na mabigat pala ang dating ng course ko sa university na 'to.

"Ikaw, anong course mo?" tanong ko.

"Management lang," sagot niya.

"Bakit may 'lang'?" Alam mo bang 'yun talaga yung course na gusto ko?

"Kasi may Management Engineering, Management Economics, Management with specialization in Data Science, at marami pa."

Hindi rin ako aware na nag-eexist ang mga course na yun. Hindi ko naman kasi binasa yung list of courses habang sinasagutan yung application form ng university na 'to. Basta, diretso ako sa letter "M" for Management, then nakita ko lang yung Management Engineering.

"Reg!" tawag ni Claire. "Ihatid mo naman si En sa mga ME people. Sina Chris ang naka-assign doon."

Lumapit sa akin si Kuya Reg. "Kaya mo na ba?"

"Oo naman. Hindi pa naman ako paralyzed," sabi ko nang pabiro.

"Sure? Are you sure na sure?" That's the Kuya Reg I know. Makulit. Tumango na lang ako para hindi na siya mangulit pa.

Nagsimula kaming mag-lakad.

"ME pala course mo? Talino!"

"Wow ha. Hindi naman ako aware na pang-matalino ang course ko. Puwede pa bang mag-shift?" tanong ko. Napapaisip na talaga ako kung tama ba 'tong pinasukan ko eh.

"Balita ko, maraming math doon at Chinese. Magaling ka naman sa math, kayang-kaya mo yan!" sabi niya.

KInabahan ako bigla. Una sa lahat, hindi ako magaling sa math. Familiar ako sa mga numbers and problem-solving, pero I don't want to spend some time on them. Medyo may love-hate relationship kami ng math noong high school. MTAP contestant ako back in grade school, pero di na ako nakasali noong high school. Bumaba yung confidence ko that time, pero may mga pagkakataon na inspired akong mag-aral ng math, lalo na kapag humihingi ng tulong sa akin yung mga crush ko (ang dami noh?)

"Oh bakit natulala ka?" tanong ni Kuya Reg. Kasama ko nga pala siya ^_^

"Kinabahan lang ako sa math. Nakita ko nga yung subjects ko, maraming math." Deep inside nagdadalwang-isip na akong mag-shift. "Ikaw ba ano yung course mo?" tanong ko.

"Biology." The way he said it, he was so confident. Yung tipong sigurado siya sa course na kinuha niya.

"Bakit bio?"

"Gusto kong maging doctor one day. Alam mo yung mga doctor na pumupunta sa mga baryo? Gusto kong maging ganun."

Iba rin pala siya mangarap – di ko ma-reach. Pero that is something very promising.

"That's nice actually. Kailangan ng bayan natin ang mga katulad mo."

"Eh ikaw, kailangan mo rin ba ng tulad ko?"

WTF? Hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo naggaling yun. Hindi ko alam kung paano ko sasakyan ang mga banat niyang ito.

"Tumigil ka nga kuya Reg. Hindi tayo talo, okay?"

"Joke lang kasi! Ito naman oh," sabay tapik na naman sa ulo ko. Excuse me, mahirap mag-ayos ng buhok.

Tuloy-tuloy na sana kami sa paglalakad, pero humihinto kami kung minsan kasi may mga nagpapapicture sa kanya. Iba na talaga kapag kasama mo ang isa sa mga campus idols.

"Chris!" tawag ni Kuya Reg sa isa pang sophomore.

"Reg!" bati naman ng isang matangkad na chinito. Akala ko babae yung Chris T_T

Biglang tumakbo si Chris papunta kay kuya Reg. Alam mo yung batang excited na makita si Jollibee? Para siyang ganun. NIyakap niya si kuya Reg, tapos binuhat pa. Ang cute nilang tingnan!

"Ang cute talaga nilang dalawa! Ship ko na ang RegIs!" bulong ng sophomore na katabi ko.

"Mas bagay si Chris sa akin!" sabi naman nung isa.

"So sa akin si Reg!" banat naman nung isa.

In fairness, ang cute nga nilang dalawa. Puwede mo silang mapagkamalang couple. Napapaisip tuloy ako kung ano ba talaga sila.

Bukod sa matangkad, ang puti rin ni Chris. Siya yung typical guwapong chinito na makikita mo sa mga teleserye. Actually, mas mukha siyang Korean or Thai. Singkit, tapos mapula ang mga labi. Yung buhok niya, medyo mahaba pero malinis tingnan.

Kapag kasama niya si Kuya Reg, parang si Kuya Reg yung babae. Maliit kasi siya.

"Oy Chris, tama na!" sabi ni Kuya Reg. "Ibaba mo na ako!"

"Na-miss lang kita!" sagot naman ni Chris.

"Pani mo noh? [Funny talaga, pero ginawa niyang Pani]," banat naman ni kuya Reg. "By the way, si En nga pala. Freshie siya, ka-course mo." Pinakilala niya ako kay Chris at sa iba pa niyang kasama.

"Hi En! Ako si Chris, nice to meet you!" Inabot niya yung kamay niya sa akin, gesture para sa isang handshake. Tinitigan ko lang for a while.

Pasmado ako, shet! Baka mandiri siya kapag inabot ko yung kamay niya? Pero baka ma-weirduhan naman siya kapag wala akong ginawa? Universe, help me!

"Okay lang ba kung fist-bump na lang?" tanong ko. Fail!

"Sure!" At yun nga, nag-fist-bump na lang kami.

"Thanks Kuya Chris." Sabi ko.

"Hey, wag mo na ako i-kuya. It's nakakatanda." Duh, sophomore ka na kaya at freshie naman ako.

"Ang awkward kasi. Si Kuya Reg nga kinukuya ko pa eh."

"Nah. Chris is fine."

Medyo may accent pala 'tong si Chris. Hindi ko madistinguish kung ano. Ay wait, conyo?

"Oh siya, iwan na kita kay Chris ha? Siya na ang bahala sa'yo," sabi ni kuya Reg. May binulong si kuya Reg kay Chris bago siya umalis. Gusto kong itanong, pero I didn't want to be nosy.

Hinatid ako ni Chris sa grupo ng mga ME student. Apparently, dalawang block lang pala kami.

"En, dito nga pala ang block mo. I am your senior, technically, so don't hesitate to approach me ha?" sabay tapik sa ulo ko.

Ano bang meron sa ulo ko, at ang hilig nilang guluhin?

Tinanong ko na rin siya kung paano sila nagkakilala ni kuya Reg. Apparently, lumaban din pala sa Mr. Freshie itong si Chris. Siya ang representative ng mga ME students. Mixed din ang lahi niya - Chinese+Korean+Filipino+sprinkle of Thai. In short, napaka-Asian ng ancestry niya.

Bigla siyang lumapit siya sa akin at bumulong.

"If your foot hurts, just tell me."

Akala ko naman kung ano. Pero it was enough for me to say na sweet talaga 'tong si Chris. It was also enough for me to blush.

"Ehem," sabi ng katabi kong freshie. "Ako nga pala si Grace, blockmate mo. Bakit ang close mo sa dalawang yun?"

"Uhm, kilala ko si Kuya Reg, tapos kilala niya si Chris?"

"And, anong meron sa inyo? Bakit nag-blush ka nung bumulong sa'yo si Chris? Yung totoo?" sabay ngiti, yung parang evil smirk. Ang kulit din, pero...

Ano nga bang meron?

You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon