Chapter 7

12 2 2
                                    

"Congrats Mavs!" bati ko sa blockmate kong nag-uwi ng titulong "Mr. Freshie 2013."

"Thanks bro!" sabi niya.

Si Kiara naman ang itinanghal na Ms. Freshie 2013. Deserve naman niya, after that "hot" performance.

Ipinasa na nina kuya Reg and Kathy ang korona sa batchmates ko. Yun din ang naging hudyat ng pagtatapos ng O-Night.

It has ended, pero magsisimula pa lang ang O-Party.

Nakita ko na yung mga bands na magpeperform. Most were local bands from the university. Pero hinihintay ko talaga ang Itchyworms. Hindi ako fan to be honest. Gusto ko lang sabayan yung pagkanta nila ng "Beer." Feeling ko kasi, deserve kong isigaw lahat ng feelings ko.

Pagod.

Sakit.

Confusion.

Frustration.

Disappointment.

At iba pa. Alam mo yung gusto mo lang magdrama kasi feeling mo ang dami mong pinagdaanan? Ganun yung nararamdaman ko that time.

"En!" tawag ni kuya Reg. Kasama niya si Ate Mai. "Kilala mo pa ba siya babe?"

"Siyempre! Humahakot ng awards 'yan tuwing recognition eh," sagot naman ni Ate Mai. Well, totoo naman. "Anong course mo En?"

"Management Engineering po," sagot ko.

"Wow. Balita ko mahirap yung course na yun ah," sabi niya. "Huwag mo na rin akong i-'po.' Magkalapit lang ata edad natin."

"Sixteen pa lang ako," sabi ko. At pareho silang nagulat.

"Ang bata mo pa pala?" sabi niya.

"You can say that, I guess?"

Out of nowhere, biglang may umakbay sa akin.

"He looks younger pa nga eh," sabi ni Chris.

Tug-tug. Tug-tug. Tug-tug.

Dama ko yung braso niyang nakapatong sa mga balikat ko. Ang bigat, pero warm at cuddly.

"Uy, Chris! Hindi kita nakita kanina ah?" tanong ni kuya Reg.

"We went out kanina ng blockmates ko." Doon ko lang napansin na nakainom pala siya.

"Nakainom ka?" tanong ko. Bigla niya akong tiningnan tapos nag-'shhh' siya.

"Huwag mong sabihin sa iba," bulong niya sa akin.

Medyo kinilabutan ako, kasi sobrang lapit ng labi niya sa tainga ko. Naramdaman ko yung hininga niya at yung paggalaw ng mga labi niya.

"Hoy, ano yan?" banat naman ni kuya Reg. "Baka kung anong pinagsasabi mo sa junior ko ha."

Junior niya? Haha!

"Hey, technically he's mine."

Mine?

The way he said those words, he sounded serious.

"Uy, bakit ang seryoso mo?"

"I am serious bro. I want him to be mine."

Tug-tug. Tug-tug. Tug-tug. Ano ba 'to? Bakit ganito si Chris? Ang lala ata ng tama niya?

"Ang lakas ata ng tama mo," bulong ko sa kanya.

"Tama ko for you," pabulong niyang sabi. Ngumiti lang siya sa 'kin. Naramdaman kong namula yung mga pisngi ko.

You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon