Chapter 5 - A Special Chapter

15 1 1
                                    


Flashback to High-school

Third year high school, wala pang K-12 noon. Malapit na ang exams, at goal kong maging top one sa batch that quarter. Pero mahirap kapag wala kang inspirasyon aside from your family.

"En, tulungan mo naman ako sa math. Hindi ko kasi ma-gets yung trigo [trigonometry]."

That was Kyla. Siya yung nag-iisa kong super crush noong high school. Nagsimula kami as buddies noong first quarter. Same kasi kami ng class number kaya lagi kaming magka-pair. Kahit sa mga inter-section na contest, kami ang pambato. Madalas din kaming magkasama - pagpasok, sa lunch, kahit sa uwian. Inaasar din kami ng mga classmates namin.

Mukha raw kaming mag-asawa.

Pero that's not true.

May boyfriend si Kyla that time. Hindi rin ako papantay doon sa boyfriend niya na isa ring campus idol. Volleyball player naman siya, tapos siya lang naman ang valedictorian ng batch namin. Iyon nga lang, hindi namin siya ka-section.

"Bakit hindi ka sa boyfriend mo magpaturo?" Ito yung mga panahon na gusto ko nang umiwas sa kanya, kasi alam kong tuluyan lang na madedevelop ang feelings ko. Alam ko na namang walang pag-asa.

"Uy, alam mo namang hindi pareho schedule namin eh. Magpapaturo lang naman ako, please!" She made that cute puppy eyes with pouty lips. Bakit ba ang hilig ng mga tao magpa-cute?

"Sige na nga."

At bumigay din ako.

"Yay! Punta ka sa bahay mamaya. Sasama sina Nica at Val," sabi niya.

Pumayag na lang din ako.

That whole afternoon, inaral ko ang mga ituturo ko sa kanila. Siyempre, useless ang group study kung darating ka doon nang walang alam.

---

Ding-dong. Ding-dong.

"Sino yan?" tanong ng mama ni Kyla.

"Tita, si En po ito."

Binuksan ni Tita Rose ang pinto. "En! Long time no see. May group-study kayo?"

"Yes po. Nandyan na po ba yung iba?"

"Wala pa. Pero sige, pasok ka na. Diretso ka na sa kuwarto ni Kyla. I'll bring food na lang for you guys."

Ang sweet ng mama ni Kyla :)

Pumasok ako sa kuwarto ni Kyla, pero wala siya roon. Narinig ko na bukas yung shower niya, probably naliligo pa siya.

"Kyla? Puwede na ba akong pumasok?" Kahit nasa loob na talaga ako ng kuwarto niya.

"Sure!" sigaw niya nang pakanta. Mahilig nga pala siyang kumanta sa banyo.

Umupo ako sa may kama niya at nilabas yung mga libro at notes ko. I was reviewing some parts na uunahin kong ituro sa kanila.

"Ang aga mo ha?"

Binaling ko ang tingin ko sa kanya. She was drying her hair using her towel, pero nag-ddrip pa rin na tubig from her forehead down to her neck. Her pink sando was loosely touching here pale skin. She was wearing this black little shorts exposing her legs na namumula pa nang kaunti.

Biglang nag-init yung katawan ko.

"Uy, baka matunaw naman ako niyan," biro niya.

Bumalik na lang agad ako sa pagbabasa. "Uhm, ano gusto mong una kong ituro?"

"Paano ba ang magmahal?"

Whut?! Ano 'yan?

"Uy, seryoso ako." Pero kinilig ako doon.

"Wala pa naman sina Nica, kaya chill ka lang," sabi niya. Tumabi siya sa akin at inakbayan ako.

"Alam mo, kapag ikaw ang naging top one sa batch at natalo mo si Victor [her boyfriend], magdedate tayo."

"Seryoso?"

"Oo nga. Basta turuan mo ako"

That changed everything. May sapat na akong inspirasyon para mag-aral pa lalo. From cover to cover ata ng libro binasa ko. Lahat ng notes ko, sinulat ko ulit. Talagang nag-aral ako nang mabuti. Tapos, every now and then, may group study kami sa bahay ni Kyla. Sino ba naman ang hindi sisipagin mag-aral kapag kasama mo ang crush mo?

---

At dumating na nga ang exams.

I was confident enough to take all of them.

And I did.

Hintay-hintay na lang sa results.

"Uy, En!" tawag ni Val. "Nasabi ko kay Kyla."

Sinabi ko nga pala kay Val na gusto ko si Kyla. Close friend ko rin naman siya, kaya thought it was okay. That was on the day of our last group study. Napansin kasi niya na nakatitig kay Kyla while she was explaning the different types of bonds for our chemistry exam. Sa tao ako nakatitig, hindi doon sa tinuturo niya.


"Bakit mo sinabi?" Medyo may hint na ng inis yung tono ko that time.

"Sorry na, hindi ko mapigilan eh." Ang daling rason naman niyan.

Bumalik na lang ako sa upuan ko at nagmukmok. Wala rin si Kyla sa room, probably iniiwasan na niya ako. Ito yung dahilan kung bakit ayaw kong madevelop ang feeling sa isang kaibigan.

Malaki ang tendency na iwasan ka niya.

Days passed by, and napansin ko na hindi na kami ganoon nag-uusap ni Kyla. Hindi na siya nag-sshare ng songs na nagugustuhan niya. Hindi na rin siya tumatabi sa akin tuwing lunch time. Hindi ko na rin siya nakakasabay papasok at pauwi. Nagbago na ang lahat.

"Good morning class, I have a good news for you," bati ng teacher namin. Two weeks na ang nakalipas after our last exam, and bigayan na ng card this week. "I am so proud of your performance for the last quarter of this school year. Lima sa inyo, pasok sa top ten over-all ng batch!"

Sobrang naka-smile si Mrs. Villanueva, nakakahawa. Pati ako napangiti.

"Also, the top one this year is from this classroom."

"Si Jokoy ba 'yan ma'am?" pabirong sabi ni Lester. Si Jokoy yung matalino pero makulit na bata sa classroom. Tropa niya naman si Lester.

"Tumahimik ka nga Lester. Siyempre pasok si Jokoy sa top ten this year," sabi ni Ma'am Villanueva.

"Yes naman!" sabi ng mga classmate ko.

"Pero ang top one, of course, si En!"

Nanlaki yung mata ko. Parang hindi ako makapaniwala. Kinurot ko yung sarili ko, and totoo nga!

SINO BANG HINDI MATUTUWA SA RECOGNITION NA 'YUN? MA, PA, TOP ONE AKO :D

"Kasama ni En na aakyat sa stage sina Kyla, Maki, Wilson and Jokoy. Naku mga anak, kung alam niyo lang I am so proud of you! May pakain ako bukas, so walang absent okay?"

"Yes ma'am! Yay!" Biglang nagkaroon ng mini-celebration sa classroom.

Hinanap ko agad si Kyla, at saktong nagtapo ang mga tingin namin. I smiled at her, and she smiled back at me.

Congrats - sabi niya.

Dumating ang recognition day. I was the top one of the batch. Pero for the first two years, si Victor talaga. Naging busy daw siya with volleyball kaya medyo napabayaan yung acads niya. Pero, top 2 is not bad, diba?

Top 4 naman si Kyla. Top 6 and 7 naman sina Maki and Wilson. Top 10 si Jokoy.

Natapos ang third year life ko, walang date na naganap. Hindi ko na pinaalala kay Kyla, kasi mukha akong desperado kapag ganun. HInayaan ko na lang.

Then dumating na ang summer vacation...

*phone vibrates*

Kyla:

En, labas tayo bukas?

You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon