Chapter 20

9 0 0
                                    

Naglakad kami ni Chris papunta sa may hagdan (I hope na sa ngayon, kapag sinabi kong 'hagdan', naiisip niyo yung hagdan sa may liblib na gate ng university!). Nakita namin si kuya Reg, mag-isang naglalakad.

"Reg! Wait up!" sigaw ni Chris. Bigla niya akong hinila para tumakbo papunta kay kuya Reg.

"Oy, kayo pala," bati ni kuya Reg – pero walang kulit or excitement sa tono ng boses niya.

"Okay ka lang?" tanong ko.

"Ayos lang," sagot naman niya. He forced a little smile, na mabilis din namang nawala.

May problema siya for sure.

"Gusto mo sumabay?" yaya naman ni Chrs.

"Saan?"

"Going home. Hatid ko si En."

"Ah." Saglit na tumingin sa'kin si kuya Reg na tila nagtataka na naman. "Ayos lang. Madali namang makasakay eh."

"Are you sure?"

"Oo."

Tahimik kaming naglakad pababa ng hagdanan. Naghiwalay kami ng landas pagsapit namin sa huling baitang.

"Dito na ako, ingat kayong dalawa," sabi ni kuya Reg sabay lakad papunta sa may sakayan ng jeep. Naglakad naman kami kung saan naka-park si Chris.

"Chris, napansin mo bang parang may problema si kuya Reg?" tanong ko.

"Yeah. He's not himself," sagot naman niya.

"May alam ka ba?"

"I think it was Mai."

"Huh? Bakit?"

"I don't know din eh. Just heard it from some of our friends."

Parang last Friday lang ang sweet nilang dalawa sa stage, tapos ngayon may problema sila? Nag-alala tuloy ako para kay kuya Reg. Parang wala talaga siya sa sarili niya. Sana maging okay din sila.

Habang nasa biyahe kami ni Chris, kinuwento niya sa akin yung mga nangyari sa kanya back in high school. Nagpalipat-lipat daw siya ng school dahil sa work ng parents niya. First two yeas niya, nasa high school department siya ng university. Nagkaroon din daw siya ng boyfriend back then, pero hindi naging maganda ang ending. Pagdating naman ng third year, sa Thailand siya nag-aral. Doon niya raw nalaman yung senior-junior relationship ng mga esudyante. Fourth year, bumalik siya sa Pilipinas at doon na nga sa south nag-aral.

"Hindi ba hassle for you na palipat-lipat?" tanong ko.

"Not really. It was fun meeting new people."

"Pero yung relationship mo with those people, short term lang din?"

Natahimik siya for a while. "Kinda, but we keep in touch naman."

"Kung ako yun, baka nakalimutan ko na yung iba."

"Just like how you forgot my name?" pang-aasar naman niya.

"Hoy! Di ko nakalimutan yung name mo! Mali lang pagkakaalala ko!"

"Palusot ka pa eh," sabi niya in a conyo way. Natawa na naman ako.

"Baliw ka rin."

"By the way, do you want to go out tomorrow?" tanong niya.

"Anong meron?"

"Date tayo."

Tug-tug. Tug-tug. Tug-tug.

Niyayaya niya akong lumabas para makipag-date?

"Seryoso ka?" natatawa kong tanong.

"Dude, I'm serious."

"Hindi ka ba natatakot na ma-judge tayo?"

"Why should I? If I like a person, I lke that person. If they don't like it, it's not my problem."

Ïbang level din ang confidence nitong si Chris! Parang alam na alam niya kung ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya. Hindi ko ata mapapantayan ang level niya.

"Chris, paano kung iba ang gusto ko?" tanong ko.

Huminto kami sa may stoplight, sakto naka-red for 180 seconds.

"I told you, it doesn't matter. We can go out as friends, can't we?"

"Pero hindi ka magiging masaya?"

"Why? I can be with you pa rin naman."

"Kahit hind maging tayo?"

"Kahit hind maging tayo," nakangiti niyang sagot.

Lord, bakit po may mga taong tulad ni Chris? He doesn't deserve me! He deserves someone who will love him the way he loves me. Pakiramdam ko, hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

"Thank you, Chris."

Hinawakan niya yung kamay ko.

"I am happy knowing that the person I love is happy."

Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.

30 seconds.

Naglapit ng aming mga mukha.

25 seconds.

At nagkadikit ang aming mga labi.

10 seconds.

It was my first kiss – sa lips.

At si Chris ang unang humalik sa akin.

Warm.

Soft.

Sweet.

Kiss.

Tug-tug. Tug-tug. Tug-tug.

You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon