Chapter 14

9 1 0
                                    

Siya na naman.

Yung lalaki sa CR.

Kaklase ko na naman siya.

Para bang pinipilit ng tadhana na pagtagpuin kami kahit na hindi maganda ang first encounter namin. Iyon na nga yung last class ko for the day, tapos may pabaong problema pa?

Halos puno na rin yung classroom nang dumating ako. Sa isip-isip ko, kung hindi ko sinamahan si Chrsi, baka hindi ko kailangang tumabi doon sa lalaki sa CR. The only vacant seat was beside him.

"En," tawag niya.

"Ano?" tanong ko.

"I am really sorry." Naramdaman ko na mas sincere siya that time. "I really didn't want to do it, but-"

"But it's a dare? Okay, fine, dare na kung dare." Kinuha ko na lang yung dinala kong notebook para kunwari may pinagkakaabalahan ako.

"What do you mean by that?"

"Uto-uto ka. Sumusunod sa gusto ng mga kaibigan mo. Wala ka bang free will?"

"It's not like that. I am not that type of guy, okay?"

"First impression lasts forever, alam mo yun?" Medyo naiinis na ako that time. Kahit paikut-ikutin ko pa yung situation, mali pa rin yung ginawa niya. At bilang isang judgmental na tao, hindi madali sa akin na makalimutan yung first impression ko sa kanya.

"What do I need to do for you to forgive me?" tanong niya.

"Wala. 'Wag mo na lang ulitin yung ginawa mo."

"Then, puwede mo na kalimutan yung nangyari?"

"Sa tingin mo makakalimutan ko yun? Kapag nasaktan ka, nasaktan ka. That's a fact."

"Sorry na, I just want to us to start over again."

Akala niya siguro nasa pelikula kami. Pero dude, we're not in the movies.

"Start over again? Bakit, magka-ano-ano ba tayo?"

"Puwede maging friends tayo?" tanong niya. He was giving me an awkward smile, yung smile na hindi ka sigurado kung tama ba yung sagot mo sa recitation. Parang nagpapa-cute pa siya.

Sabi ko naman sa inyo, madali akong magpatawad ngunit it will really take some time for me to trust this guy.

"Puwede. Pero 'wag mong isipin na makakalimutan ko yung ginawa mo," sabi ko.

"Pero you forgive me na?"

"Bakit ba mahalaga para sa'yo yung forgiveness ko?"

Bakit wala pa rin yung prof namin? Hindi ko na alam kung saan pupunta ang usapan naming ng lalaking ito.

"Kasi ang gago ko!" Biglang lumakas yung boses niya. Nagtinginan yung mga kaklase namin.

Medyo nakakahiya.

"Bakit ka sumisigaw?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Sorry. It's just... that... hindi kaya ng conscience ko," sagot niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Siyempre, gusto ko siyang patawarin kasi tao rin siya, nagkakamali. Nararamdaman ko naman yung sincerity niya sa paghingi ng kapatawaran. Si God nga napapatawad tayo, tayo pa kaya? However, what happened to me brought me back to what I call my dark grey days. Yung baggage na gusto mong iwan pero mahirap iwanan kasi alam mong may laman na hindi mo pa nalalaman? Mahirap i-explain, pero yun na ata yung pinakamalapit na kaya ko.

You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon