Intro

34 3 2
                                    


Sa high school namin, isa siya sa mga campus idol. Alam mo yung schoolmate mo na sobrang popular? Yung tipong kahit sinong tanungin mo kilala siya kasi matalino at guwapo/maganda?

Sila ang mga campus idol.

Ganun si Regie. Kuya Regie/Reg pa ang tawag ko sa kanya dati.

Guwapo. (Girlfriend niya ang isa sa pinakamagandang campus idol! ^_^)

Habulin ng babae. (Kahit mga first year, nagkakagusto sa kanya -_-)

Athletic. (Basketball player ng varsity team! Pero siya ang pinakamaliit!)

Matalino. (Valedictorian!) 

With those credentials, naramdaman kong hindi kami magkakasundo. Akala ko kasi, kapag campus idol ka, malaki rin ang ulo mo - mayabang, exclusive, mapang-mata, etc.

Hindi kasi ako guwapo. (Hindi rin naman ako panget?)

Habulin ng trabaho. (Bilang isang campus journalist, marami talaga akong trabaho T_T)

Wala akong sports. (Pero mahilig ako sa board games!)

Matalino rin naman ako. (Salutatorian, okay?)

Maliit din ako, isa sa mga pinakamaliit sa batch namin.

To be honest, hindi ko naman talaga siya "napapansin" noong high school. Naka-focus kasi ako sa pag-aaral at trabaho ko. Narerecognize ko lang siya tuwing recognition day, iyong mga panahong pareho kaming aakyat sa stage at tatanggap ng mga award. Nakikita ko rin siya sa campus kasama ang girlfriend niya o kaya minsan ang tropa niya.

Ang naaalala kong pinaka-encounter namin ay noong ininterview ko siya para sa school paper namin. It was an awkward 45 minutes. Feeling ko na-bore siya sa akin.

Boring kasi ako. Haha.

We belong in two different worlds. Parang parallel lines na never magtatagpo.

Then college happened.

I didn't know that he was also studying in my dream university. I was a freshman, and he was a sophomore. We joined the same organization as well.

He was my senior. I was his junior.

Since then, our worlds became closer.


You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon