Chapter 3

20 1 0
                                    


It was a really fun first day of OrSem.

Kahit na medyo kumikirot yung paa ko, nag-enjoy naman ako kasama ang mga blockmates ko. May mga naka-close din ako – sina Grace, Jomar, Shane, Jane at Mark. Si Mark yung stalker sa aming lahat. Close friend niya si Chris (pareho silang galing sa isang Chinese school), kaya hiningi niya yung Facebook names namin tapos pinag-aadd niya kami. Hindi ko siya inaaccept kasi wala naman kaming mutual friends. Sina Grace at Shane naman, parehong galing sa all-girl school. Si Jomar, galing naman sa science high school. Tapos si Jane, galing naman sa isang sikat na private high school sa Quezon City.

Yung iba ko namang blockmates, parang may sariling mundo. Marami sa kanila, Chinese. Obvious na yayamanin din – naka-Iphone, Nike ang sapatos, Herschel ang bag, English-speaking. Medyo na-insecure ako kasi de-keypad ang phone ko, class A na Converse ang sapatos, at napulot ko lang sa sulok ng bahay yung bag ko. Kaya nahiya talaga akong magpaka-bibo.

"En, ayos ka lang?" tanong ni Grace. Again, tulala na naman ako.

"Ah, okay lang. Bakit?"

"Tulala ka kaya. Tapos uwian na rin. Paano ka uuwi?"

"May shortcut sa likod ng cov'd courts papunta sa may amin. Lalakarin ko lang," sagot ko.

"Malapit ka lang pala dito?"

"Actually, isang sakay pa."

"Gusto mo bang sumabay? I brought my car. Sabay sina Jomar and Shane," yaya niya. Actually, gusto kong sumama kasi masakit pa rin yung paa ko. Pero gusto ko rin sanang puntahan si kuya Reg.

"Huwag na, sa susunod na lang siguro."

"Sure ka ha? Una na kami!" She waved bye to me.

Nagsimula naman akong maglakad palabas ng cov'd courts habang hinahanap si kuya Reg. At dahil gumagala ang mga mata ko, hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko.

At muli tayong natumba.

"Sorry!" sabi ng nabangga ko. Ako dapat mag-sorry, di ako tumitingin sa dinaraanan ko eh. 

"Ayos lang, it's my bad." Tengene. Pagpasok ko nadapa ako. Pag-uwi ko, nadapa na naman. Lagi bang ganito?

"En? Hey, sorry. Are you alright?"

Si Chris pala ang nabangga ko. He immediately knelt beside me. Pawis na pawis siya, may mapa na ng kung anong kontinente sa dibdib niya, pero amoy fresh pa rin siya. Ano bang sikreto nito?

"How about your foot? Is it okay? Kaya mong maglakad?" tanong niya.

"Yup. Okay lang, pramis." Tatayo na sana ako, pero biglang kumirot yung paa ko. Peste. Napansin ata ni Chris na hirap akong tumayo, kaya tinulungan niya ako.

He put my arms around his shoulders, and he put his other arm around my waist. Ganitong eksena na naman, pero with a different guy. Lagi na lang ba akong aakayin? :(

"Wait, kaya ko naman maglakad," sabi ko. Nararamdaman ko na naman na parang may butterflies sa tiyan ko. Tapos umiinit yung tenga ko. Nakakahiya!

"Hirap ka maglakad eh. I'll send you home na lang. Where do you live ba?"

Naku Lord! Nakakahiya po talaga! Bakit po ba ang prone to accidents ko ngayong araw? Help me!

"Uy, 'wag na. For sure out of way yung bahay ko," sabi ko.

"Do you want me to get a Grab for you na lang?" dagdag pa niya.

"Eh, wala akong pambayad doon. Mag-jjeep na lang ako," sagot ko. Kapag nag-alok pa 'to ng libreng pamasahe, magpapalamon na ako sa lupa.

You're My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon