Chapter 5: Since I Told My Bestfriend That I Like You

119 3 0
                                    

"Arnaiz!" Wika ni Professor Cruz habang nagtatawag ng attendance.

"Present!" Sabay taas naman ako ng kamay.

"Girl ano na??!!" Sabay na pagsiko ni Maddy sa akin.

"Mamaya na pag nagpa-CR break si Sir. Alam mo naman sobrang strict nyan. Mahuli pa tayong nakukwentuhan parehas tayong patay diyan."

Lumipas ang oras, nagdiscuss at nagkaroon ng short quiz. Eto na ang break at sigurado akong guguluhin na ako ni Maddy para tanungin kung sino si "ano" at kung bakit desperado ako manood ng game 3.

"Girl, ano na????!!!!" Pangungulit ni Maddy.

"Doon tayo sa walang tao nahihiya ako."

"Ok uhm, kasi sorry Maddy kahit sa iyo nahihiya ako pero alam ko naman na safe yung secret ko sa iyo. Crush ko kasi si Ricci Rivero." Mahinang pagsabi ko kay Maddy.

"Ricci Rivero??????!!!!!!!"
"Huy diba sabi ko secret lang bakit ang ingay mo?"
"Sorry na-excite lang ako kasi finally may crush na yung bff ko waaaaahhh congrats!!! Dalaga na sya finally!!" Reply ni Maddy sa akin.

"Ano ba yan Maddy nahihiya ako huhu"
"Normal lang yan! Teka di ko nga alam itsura nung Ricci Rivero na yun eh!! Teka ma-search nga." Sabay labas ng phone si Maddy at hinanap sa Google si Ricci.

"Ayyyyy!! Bet!!!! Marupok ka pala bes, nakakita ka lang ng abs ano ka na hahahah!"

"Grabe ka naman!! Hindi ko naman sya nagustuhan dahil lang diyan."

"Sorry ulit ha, naubusan talaga ng ticket. Di bale 2nd year palang siya diba? So may 3 seasons pa sya? Ok sabi kasi dito sa nasearch ko"

"Oo, may iba pang opportunity. At saka, kasal ng pinsan ko sa Sunday tapos sa Pampanga pa yun. Tapat sa Game 3 baka di rin ako makapanood ng game kahit sa TV" Malungkot na sagot ko kay Maddy.

"Balik na tayo sa room, magstart na ata ulit."

---
Dumating na ang Linggo, ang nakatakdang araw ng Game 3 ng DLSU vs ADMU.

Nag-log in ako sa Twitter dahil aalis kami ng maaga, at baka hindi na ako makapag-online dahil nga busy para sa kasal ng aking pinsan.

Twitter
@ccirryblossoms

"Game day today! Good luck Archers! Kayang kaya nyo yan! Especially sa inyo @RicciRivero06 @priiincerivero @brentparaiso ❤😍"

"Hindi ako makakapanood ng game ngayon kahit sa tv siguro hindi meant to be 😭"
---

"Anak bilisan mo na, tawagin mo na ang kapatid mo aalis na tayo!" Sigaw ni Daddy

"Ok po wait lang po."

"Leo!!! Bumaba ka na diyan!!"

"Ate teka eto pababa na ako" Sabi ni Leo

Pagkakababa ni Leo biglang "ay teka may naiwan ako aakyat ako ulit"

"Ay jusko po, Azaleo Arnaiz!!! Napakabagal hinihintay tayo nila Daddy. Bilisan mo na kaya nga tayo madaling araw aalis para umiwas sa traffic!!!"

Talaga naman itong kapatid ko. Minsan nakakainis pero mahal na mahal ko yan. 4 years ang age gap namin kaya minsan mayroon di pagkakaunawaan dahil nga syempre iba trip nya at ako rin. Pero kahit minsan pasaway siya, iniisip ko na kaya ako nagsisikap mag-aral eh para makatapos agad at makatulong sa pagpasok niya sa college.

Umalis na rin kami nina Daddy, Mommy at Leo. Makaraan ang ilang oras ay nakarating na rin kami sa Pampanga.

Ako yung tipo ng tao na hindi talaga mahilig sa family events kung saan makikita ko ang iba kong kamag-anak. Masaya na ako na nakakasama ko sila Mommy, Daddy at Leo pati na rin kung minsan ang mga paborito kong pinsan.

Nakakapressure tuwing magkikita-kita kami yung mga sasabihin nila

"Parang tumaba ka ah"
"Wala ka pa ring boyfriend?"
"Tomboy ka ba?"
"Kailan ka ba gagagraduate?"

Sobrang nahahassle ako sa mga tanong na kailangan ko sagutin.

At eto na nga nasa simbahan na kami. Ikakasal na ang pinsan ko, siya yung groom. Masaya naman ako at lalagay na siya sa tahimik. Pero hindi ko maiwasan maisip "Bakit kaya sila nagpakasal?"
"Kung hindi kaya nabuntis yung girlfriend niya magpapakasal ba sila?"
"What's the story behind this marriage?"

Daming tanong sa isip ko kumbaga ba inilalagay ko yung sarili ko sa paa nila. Kung makakakilala din ba ako ng taong worth it pakasalan.

Natapos na ang ceremony, picture picture as usual. Pagkalabas ng simbahan nag-ring ang phone ko. Tumatawag yung editor-in-chief sa isang local website kung saan contributing writer ako.

Ms. Kate Tolentino
Accept | Decline

Ms. Kate: Hi AZ pwede ka ba magcover ng story ngayon? Hindi kasi pwede si Ken eh.

AZ: Uhm Ms. Kate, nasa Pampanga po kasi ako ngayon kasal po ng pinsan ko.

Ms. Kate: Ay ganun ba? Sayang naman co-cover mo pa naman story sana yung Game 3 ng DLSU & ADMU. Ikaw magsusulat tapos si Sally yung photographer.

AZ: Hala!!!!!

Ms. Kate: Bakit AZ may problema ba?

AZ: Ay sorry po Ms. Kate. Gusto ko lang din po talaga sana panoorin yun kaso andito po ako ngayon. Di rin po ako makakaluwas agad ng Manila ngayon. Next event nalang po ako.

Ms. Kate: Ok sige thank you hahanap pa ako ng substitute. Bye!

AZ: Thank you din po. Pasensya na rin po. Bye...

----

Parang nanlamig ang mga tuhod ko. Eto na sana, mami-meet ko na sana si Ricci. Dahil meron kami media pass for sure malapit ang pwesto. Pero isa na naman itong sawing kapalaran. Kahit gustuhin ko man lumuwas ngayon eh hindi na pwede. Gusto ko na umiyak pero hindi ko magawa. Dahil magtatanong ang pamilya ko.

Messenger
Maddy Lim
Active now

Bessy!!!!!!!! Huhuhuhu 😭

Oh bakit? Ano problema?

Tinawagan ako ng editor-in-chief ko! Alam mo sabi niya i-cover ko daw story ng DLSU vs ADMU today. Pero alam mo naman andito ako sa Pampanga ngayon. Sobrang nakakapanghinayang. Naiiyak na ako pero di ko malabas. Para bang hindi kami nakatadhana magkita ni Ricci 😭 Bessy sorry sobrang haba na nito ayoko na.

Nako sayang nga yan!! Bessy wala na tayo magagawa diyan. Pagdasal na lang natin na manalo sila. I-enjoy mo nalang yung reception diyan. Promise sa next season sasamahan kita! ❤ Love you!

Thank you sa pakikinig sa akin palagi. Love you Maddy Lim!!!! 😍

Since I've Messaged You · Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon