Chapter 2: Since I Saw You Crying

154 4 0
                                    

Nag-scroll lang ako ng feed. Puro picture ng umiiyak na Ricci Rivero. 

"Sino ba ito at bakit ba siya umiiyak?" Tanong ng utak ko habang tinitignan sa Twitter yung mga picture nitong si Ricci Rivero. 

"Kuya niya siguro yung # 9 Ra, Rivero na nagcocomfort sa kanya"

"Bakit Ra, Rivero yung kuya niya eh Prince yung name niya diba?"

"Ah, talo pala sila sa game kaya pala."

"Infairness gwapo 'tong si Ricci Rivero"

Yun yung mga random na bagay na tumatakbo sa isip ko na di ko namalayang ang tagal ko na pala tinitignan yung mga tweets tungkol sa kanya. 

"Cci, cheer up!!!  Archers bounce back!"

"@RicciRivero06 Baby don't cry!! We got you always!!"

"Ricci cries because he's only human. It does not show immaturity but it's more on how passionate he is in playing the sports he loves"

The last tweet I saw from Ricci's fan led me to a wider range or curiosity. Bigla nalang gusto ko siya kilalanin. I don't know kung ano meron, sa totoo lang hindi nga ako mahilig sa sports. (At inantok lang ako last time nanood ako ng UAAP game UP vs. DLSU noon) Pero ngayon, eto ako at i-sesearch ang isang UAAP player. 

Actually, nakakahiya man sabihin pero wala nga akong pake sa games ng school namin. Mas excited pa ako sa cheerdance.

Sorry for the word pero syempre alam nyo naman bilang isang Iska mas priority namin yung academics.

Parang ang bilis ng oras, nalaman ko na agad full name niya, kung bakit Ra, Rivero si Prince (Real Name: Rashleigh), kung ilan kapatid niya at kung ano pangalan nila, parents niya, probably every data on the internet that I could find about Ricci Rivero. 

"Patay tayo mas bata pala si Ricci sa akin ng one year. Pero 1 year lang naman so?"

Hanggang sa eto na nga pati yung articles ng achievement niya dati pa eh habang binabasa ko eh feeling proud rin ako. 

"Hala eto na naman tayo"

Eto na, sumusumpong na naman yung sakit kong pagiging "fangirl"  sabi ko dati, ayaw ko kasi it feels pathetic to be one. Na minsan naiisip ko, baka isipin ng idol ko na creepy ako. At feeling ko nacoconsume nito yung real life ko. 

Ayaw ko na, I stopped before but now I've fallen in this new trap, Ricci Rivero and the DLSU Green Archers. 

Since I've Messaged You · Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon