CHAPTER 11: Since I Was Waiting For You

68 2 0
                                    

Ricci's POV

Saglit ko pa lang nakakausap si @ccirryblossoms pero feeling ko matagal na kaming friends. I can't believe I'm sharing a part of my life to a stranger without fully revealing myself. Kumbaga ba, minsan nga mas mabuti pang mag-open up sa stranger kaysa sa taong matagal mo na kakilala dahil "no judgment attached".

Masaya ako diverse yung napag-uusapan na namin ngayon unlike nung una, I have to pretend to be a fan (of myself) to keep the conversation going.

Direct Message
@ccirryblossoms

Ang sakit ng puson ko? 😭 Ayaw ko naman lagi umiinom ng gamot. Ano ginagawa mo pag meron ka?

"Nakalimutan ko pala na hindi ko sinabi kung babae o lalaki ako. Pero ngayon ko lang din naconfirm ang gender nya. Siguro iniisip nya na fangirl rin ako. Ano, magsisinungaling ba ako? Pero kung gagawin ko yun wala naman din ako matatanungan sa pagiging babae dahil lahat naman ng mga kapatid ko ay lalaki. I'll just tell her the truth" biglang madaming tumakbo sa utak ni Ricci.

Uhm, honestly di ko alam kung ano gagawin bc I'm a guy.

Seryoso ba? All this time akala ko girl ka? Bihira ang fanboy ni Ricci? I mean true, madami nag-iidol sa kanya na mga lalaki pero not to the point na may fan account.

Gusto ko lang talagang palaging updated kay Ricci 😂 Also, I guess a fan account is better than having an alter account. Wholesome lang tayo haha.

Ay! Haha! Sabagay. 😂

I remembered yung pinsan ko, she uses hot compress pag meron sya. Also, she works out or sumasayaw para mawala yung pain.

Thanks for the advice! Di pa rin ako makapaniwala na hindi ka girl. GaaHd. I can't believe.

Hindi ka ba comfortable na may kausap na lalaki?

Wala naman problema, it's just that all this time akala ko lang 😆😆😆

Sorry kasi curious ako. Straight ka ba?🙈

Kasing straight siguro ng ruler? Pero di ko sure ooops 😆 jk lang. Tuloy ba yung write up mo today? Mamaya na yung M&G ni Ricci!

Kakareceive ko lang ng text. Cancelled daw. Let's see. Gusto ko pumunta 😭 Will message you if I go. Pero di muna ako papakita sayo wala pa akong confidence 😂

♥️♥️♥️

"Ricci, tara na! Ma-lalate na tayo sa Meet and Greet mo"

"Wait lang dad, eto na pababa na ako!"

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Iniisip ko kung pupunta ba dun si @ccirryblossoms o hindi. At saka pano ko naman malalaman kung sino sya sa kanila? Pakiramdaman na lang ba?

🥰🥰🥰

"Thank you guys for coming! Maraming salamat sa inyong walang sawa na suporta. I love you all! See you next time!"

Umalis na kami pero habang nakikipagselfie ako sa kanila, wala ni isa na napaisip ako kung sya ba yun. Nasaan ka ba?

Direct Message
@ccirryblossoms

Something came up, di ako makakarating sa meet & greet.

Wait, what happened? 😮

🌻🌻🌻
Author's Note: Guys, I'm not promoting na makipag-friends kayo online (especially to the kids/minors reading here). I've been a fangirl for a long time already and true to that marami kang nagiging online friends. Still, please do not trust everyone. Don't give out your info so easily. Always be alert.

Short update lang tayo ngayon. Baka matagal pa ulit bago next update eh, you know busy life. Hehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Since I've Messaged You · Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon