Chapter 6: Since I Found Out

92 3 0
                                    

Pumunta na kami sa reception, maganda ang theme at masasabi mong "lit" itong wedding reception na ito kasi mayroong mobile bar!! Syempre hinay lang tayo kasi kasama ang parents

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pumunta na kami sa reception, maganda ang theme at masasabi mong "lit" itong wedding reception na ito kasi mayroong mobile bar!! Syempre hinay lang tayo kasi kasama ang parents. Mayroon ding usual na photobooth, at iba pang activities habang hinihintay ma-settle at dumating lahat ng guests.

Nagsimula na ang program; prayer muna tapos introduction ng host, kaunting kwento from family and friends ng bagong kasal at mayroon kumanta.

Syempre eto na ang hinihintay ng lahat, kainan na!

Habang kumakain, sinabi ng host na mayroon daw game para bride at groom. Yung title ng game ay "Guess Who?". Huhulaan ng bride at groom kung sino ang mga kasama nila sa pictures nila from childhood. Kung sino meron nakalimutan, siya ang iinom ng wine, isang bottoms up lang.

Lumabas na ang unang litrato. Picture ito ng apat na bata. Narealize ko na ako ang nag-iisang babae sa picture, si Leo na napakaliit pa, si Kuya Lorenz (ang groom) at isang batang lalaki. Hindi ko na maalala ang pangalan niya. Siguro kapag sinabi ni Kuya Lorenz eh maalala ko. Ang naalala ko lang, kaibigan siya ni Kuya from Summer Camp na nagbakasyon sa Pampanga nung time na nagbakasyon rin kami ni Leo.

"Okay! So Lorenz, mababanggit mo ba ang full name ng lahat ng tao diyan sa picture? Ready ka na ba?" Masigasig na sabi ng host. 

"Kayang-kaya to! Basic! Left to Right: Si Azalea Arnaiz at Azaleo Arnaiz; ang mga pinsan ko na mas kilala nyo rin na si AZ at Leo, ayan mga pinsan kaway-kaway naman kayo diyan! Syempre ako ang bata na nasa gitna at si Rasheed Rivero. Sayang wala si Rasheed ngayon, may game kasi yung kapatid niya." Sabi ni Kuya Lorenz

"Rasheed Rivero????????!!!!!! As in yung kapatid ni Ricci???" 

Gumulo ng sobra ang takbo ng isip ko. Tinitigan ko maigi ang litrato na nakaproject at binuksan ang aking cellphone, hinanap ko yung picture nina Prince, Rasheed at Ricci nung bata pa sila. Magkamukha nga! At nawindang ako kasi hindi ko man lang siya naalala noong unang beses na sinearch ko si Ricci. 

"Correct! Bigyan ng jacket!!!......Joke lang syempre hahaha!" Masayang bigkas ng host

Nagpatuloy ang laro at natalo ang bride, hindi niya kasi maalala ang pangalan ng teacher na kasama niya nung Grade 1. 

Hindi pa rin mawala sa isip ko na ang batang nakilala ko 10 years ago ay si Rasheed Rivero. Inisip ko maigi kasi alam kong hindi Rasheed ang sinabi nyang pangalan noon.

"Hi! Ako si Rash!" nagflashback sa akin yung unang beses na na-meet ko si Rasheed. 

Nagbabakasyon kaming magkapatid sa bahay nila Kuya Lorenz noon sa Pampanga noong dumating si Rash. Sabi ni Kuya Lorenz mas bata daw sa kanya si Rash at naging super close sila dahil sa summer camp. Naalala ko rin na nakwento ni Rash na puspusan silang magkakapatid sa training ng basketball kahit bata pa sila. 

"Alam mo ba yung mga kapatid ko, parang pangarap talaga nila maging basketball player. Mahilig din naman ako doon pero parang iba yung gusto kong gawin pag tumanda na ako. Hindi ko pa alam sa ngayon, pero diba baka sa future maisip ko na yun?" Naalala ko yung sinabi ni Rash noong kumakain kami ng ice cream habang nasa ilalim ng puno. 

Pagkatapos ng summer na yon kasi, hindi na ako muli pang nagkaroon ng communication kay Rash. Hindi ko rin siyang naisip i-search noong nauso na ang Facebook dahil sa totoo lang hindi ko maalala yung surname niya. 

Napaisip ako kung naalala pa ba niya ako? Gusto ko siyang makausap ulit pero sa totoo lang, na-awkwardan din ako sa sitwasyon ko ngayon na crush na crush ko ang kapatid niya. At natatakot rin ako na baka di na pala niya ako naaalala. Hihintayin ko nalang ang kapalaran kung makakapag-usap pa kami ulit ni Rash eh mukhang may communication pa sila ni Kuya Lorenz.

---

Dahil nagsimula ng lunch time ang reception, maaga din ito natapos. Diretso na kami agad pauwi ng Maynila dahil ang buong pamilya ay may pasok kinabukasan. Pagsakay sa sasakyan, binuksan ko na agad ang aking cellphone at nag-live stream na ng Game 3. Kakasimula na ng 3rd Quarter pero sabi ko nga "Better late than never".


___

Photo credit used above: brideandbreakfast.ph

Since I've Messaged You · Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon