Sa isang tagong bahay ng magsasakang si Arnoldo ay nagpupulong sila mga Lima sila...
"Ano ba ang iyong sabihin Arnoldo bakit mo kami pinapunta dito"wika ng isang lalaki na mataba."Gusto kong makukuha natin ang nararapat sa atin"wika ni Arnoldo.
"Anong ibig mo Arnoldo?"wika naman ng isang katabaang ginang.
"Hindi sapat ang ibinigay sa atin ng don manolo....isa silang bilyonaryo subalit kahig tuka pa rin tayo!"ang sabi ni Arnoldo na nilalamot ng kanyang inggit.
"Nababaliw kana ba Arnoldo sa iyong mga salita?maghunos dili ka!"ang wika naman ng isang payat na lalaki.
"Mga bulag ba kayo sa kabila nang kabaitan na ipinapakita sa atin ng don,,ay may magagawa ba siya para makaahon tayo sa kahirapan kaya mag isip din kayo ang mga anak natin diba may mga pangarap tayo para sa kanila? Mga hindi natin nakamtan. Kaya dapat na ibigay din natin ang maalwan na buhay."ang sabi pa ni Arnoldo.
"Anong ating gagawin arnoldo"wika ng isang babae na kanyang asawa.
Sinabi sa kanila ni arnoldo ang dapat gagawin.Mansyon
" yaya Linda"tawag ni manuel sa kanilang yaya ito si Linda ang matagal na kanilang katiwala sa loob ng bahay at asawa nito ang kanilang family driver may dalawang anak na babae na andoon sa maynila isang anak nag aaral mula pagkabata dahil narin sa walang anak ang kapatid ni Linda na si loisa kaya pinag aral nito si Alyana.
Si aryana naman ang katu katulong ni Linda sa gawain ng bahay naka tapos ng pag aaral ng kolohiyo dahil sa tulong ng kanilang butihing Amo na si
Don Manolo Lorenzo. Dahil sa kanyang kinuhang kurso ang isang guro kaya imbes sa paaralan siya magturo ay pinili nitong sa mansyon nalang at tinuruan nito si miguel ng pag aaral.Lumapit si yaya Linda ky manuel
"Bakit po senyorito"ani ng butihing katiwala.
"Yaya naman huwag mo nga akong tawagin na senyorito tinuring na kitang tunay na kamag anak kaya manuel nalang po"ang magalang na sabi ni manuel.Napangiti si yaya Linda
Dahil alam nito ang kabutihang binigay ng pamilyang Lorenzo sa kanila."Yaya paki dala nitong ibang pagkain sa kwarto ni miguel dahil doon tayo kakain nagtuturo din kasi si aryana doon e"wika ni manuel, kaya tumalima na si yaya Linda.
Pagdating nila doon ay nilatag nila ang mga pagkain sa lamesang mahaba na sadyang nilagay doon at nandoon na din silang lahat nag siupo na ang lahat sa kabilang upuan sina yaya Linda,mang kiko ang asawa nito at si aryana.
Sa kabila naman ang pamilyang Lorenzo pagkatapos nilang magdasal ay inilapit ni manuel ang isang cake kay aryana at kumanta sila ng happy birthday pag blow ng candle ni aryana ay nag simula na silang kumain at tuwang tuwa naman si miguel sa kanyang nakikita at napangisi ng makita ang pagkain binati pa nito si aryana ng hapi birhdi kahit ganoon ang kundisyon ni miguel ay pinapakita nila ang pagmamahal dito."Carol akoy nagtataka sa mga nasasakupan natin parang may kakaiba silang kinikilos e"wika ni manolo,upang nabaling sa kanya ang lahat ng atensyon maliban lang kay Miguel na sige pa rin ang ngisi at tuwa sa kinaing cake.
"Bakit dad"wika ni manuel.
"Kanina kasi e nong kinausap ko sila parang iba kong makatingin sa akin"ang may pag alala na mukha ng don."Baka kailangan lang nila ng pahinga mahal,kailangan din nila yon!tsaka malapit na ang birthday ng kambal kaya imbitahan mo sila sa malaking salo salo ang paghandaan natin"wika ni carol.
"Oo nga mahal at ipa pakilala na din natin si miguel sa mga tao."wika ng don sa kanila,naging masaya pati ang pamilya ni yaya Linda sa pasya ng don.
*kringggg*tunog ng telephono na nasa malapit lang sa kanila. Tumayo si aryana at ng excuse sa kanila para sagutin ang tawag.
Habang nag uusap si aryana sa telepono ay nagkwentuhan naman ang kumain.Bumalik si aryana sa lamesa.
"Anak sino yon"tawag pansin ni yaya Linda.
"Ina,tumawag si Alyana uuwi daw siya dito magbakasyon ata"masayang wika ni aryana.
"E kong ganoon salamat naman sa tagal ng taon na hindi siya nagbabkasyon rito"ang wika ni yaya Linda."Talaga!uuwi si Alyana"ang donya at hindi din mapigilan ang galak.
Si Miguel tumigil sa kanyang ginagawa At pinag mamasdan ang kanilang galaw tela nasisiyahan din si miguel ng makitang masaya ang kanyang pamilya.Itutuloy.......
Jc