Sa loob ng kwarto ni Miguel ng siyay nakaramdam ng gutom at nakikita ang buong pangyayari sa labas kong paano sinasaktan ang kanyang pamilya biglang sumakit ang kanyang ulo dahil na rin sa gutom kaya sinuntok niya ang mesang naroon kita niyang nahati ito sa dalawa at parang lumiksi ata ang kanyang pakiramdam ng siyay tumalon sa bintana palabas tumakbo siya ng tumakbo naamoy niya ang hangin at may kakaibang Amoy ang dulot nito... Nakita nito ang isang bahay na nakabukas at ang isang babaeng buntis naamoy niya ang dugo nito na hindi alam ni Miguel na nag ibang anyo na siya humaba at tumulis ang kanyang mga kuko pumula ang kanyang mga mata biglang sinunggaban ang babae at sumigaw ito ng dakmain ni Miguel ang kanyang liig at sinipsip ang dugo nito hanggang hindi na ito hhumihinga.Nag lalakad ang ibang mga kasama ni arnoldo ng Nadatnan nila ang bahay ni lani ang babaeng buntis nang nakita nilang nakahandusay at walang buhay ang babae kaya napasigaw ang isa sa kanila sapagkat asawa niya si lani.Marami ding mga tao ang naki usyoso at nakita ang kalagayan ni lani ay haka haka nilang aswang ang may gawa pagkat laslas ang leeg nito wala ng dugo subalit hindi naman nalaslas ang katawan..narinig nila ang isang iyak ng sanggol sa bandang tiyan ng babae ng nakita nila ito ay ang anak ni lani na naipanganak pa.
Ang ibang mga tao ay nagsisilikas ng may nakikita na namang bangkay na wala nang mga paa at ibang parte ng katawan kaya umalis na sila patungong ibang lugar.
Galit na galit si arnoldo dahil natatamasa at nararanasan na sana niya ang maalwan na buhay ngunit kasabay naman nito ang lagim ng kanilang balangay.
"Arnoldo,arnoldo!"sigaw at nagmamadaling sabi ng kanyang asawa kasama ang kanyang dalawang anak sina Edmund at victor.
"Anong nangyayari!"si arnoldo.
"Ang mga kinulong nakatakas"ani ng kanyang asawang si Emily."Punyeta!hanapin sila at patayin dahil sila ang salot dito"bintang ni arnoldo at tinipun ang mga taong kaanib niya para hanapin ang pamilyang Lorenzo pati ang pamilyang Lopez para patayin at ang aswang na gumagala.
Samantala nakarating na si Alyana sa kanilang lugar nanibago siya at tiningnan ulit ang mapa pero mukhang tama talaga ang kanyang pinuntahan.
Lumabas siya ng kanyang sasakyan at luminga linga Napa sigaw siya ng makakita ng mga patay at may ibang tao pang nagmamadali umaalis."Kuya! Kuya ano po ang nangyayari dito?"tanong ni Alyana.
Ngunit hindi siya pinansin nito at nagmamadali ito. Kaya sa isang ale siya nag tatanong."Umalis kana dito dahil may aswang ang gumagala dito at siya ang pumapatay dito"wika ng ale at umalis na. Nag alalala si Alyana sa nanay at itay niya kaya pumasok siya sa loob ng sasakyan at tinext sila subalit nakita niya ang limang kalalakihan na pupunta dito at may mga dalang matataas na baril pati mga kahoy kaya nagmadali niyang senent ang message, sana matanggap nila. Natatakot siya sana hindi nalang siya tumuloy pa nong sinabi ni inay na hindi siya dapat tumuloy pero nag alala lang siya sa kanila.
Sa yungib naman ay nag uusap sila linda at Carol. Dahil sa pag alala sa kani kanilang mga anak.
"Carol natatakot ako para Kay Alyana sana matagpuan ito ni manuel pagkat hindi ito bubuhayin pag si Arnoldo ang makakita".wika ni linda."Wag ka mg alala linda magtiwala tayo Kay manuel"wika ni carol.
"Pasyensya kana carol Kong bakit nadamay pa kayo sa akin"linda na umiyak.
"Hindi linda kayo ang tinuring naming pamilya dahil sa kabila ng lahat ay hindi niyo kami iniwanan keysa mga kadugo namin na inggit ang lang ang iniisip at puot ang nasa puso katulad ni arnoldo na aking pinsan na kahit binigay mona ang lahat ay hindi pa sapat,,ganid ang nasa kanyang isipan".wika ni carol. Si arnoldo ang nag iisang pinsan ni carol sila nalang dalawa at ang ang pamilya ni manolo ay wala na wala din siyang kamag anak dahil ng iisa lang siyang anak kaya nagpapa salamat ito na nagka
Anak ng kambal.Si Alyana ay pinakalma ang takot at pinatatag ang kanyang sarili kinuha niya ang kanyang nag iisang arnis at nilagay sa likuran para hindi halata.
Dumating sa harap ang limang lalaki at sinipat nito ang kanyang sasakyan."Bumaba ka para walang masaktan"wika ng isang lalaki kaya walang nagawa si Alyana at bumaba sa kanyang sasakyan parang natulala at napanganga naman ang mga lalaki na mga binata pa pala sa kagandahan ni Alyana.. May mahabang alon alon na buhok na kulay mais ang kanyang mga matang singkit na kong iyong pagmasdan ay parang kaakit akit at ang suot niyang short at kamison na tinirnuhan ng jacket na back at nakaboots hanggang tuhod kaya napahanga talaga sila dahil ngayon lang at sila nakakita nga ganitong ayos sa kanila. Lahat kasi sa kanila ay tipikal nang mahahaba ang susuutin ng mga kababaihan.
Lingid sa kanila na may isang tao ang nakakita din si manuel at nabighani din siya sa ganda ni Alyana ngunit alam niyang hindi pwede kasi may isang tao nang nandito sa kanyang puso. Nakita niyang nilapitan ng isang lalaki si Alyana ngunit napatigagal siya ng sinipa ito ni Alyana at tumilapon ito
Biglang binunot nito ang isang arnis.
Dahil sa galit sa apat na lalaking na ewan ay tinutok Kay Alyana ang baril ngunit biglang limipad sa eri si Alyana at binigyan niya ng isang malakas na sipa ang apat namangha si manuel sa kanyang nakikita biglang nagtakbuhan ang limang lalaki lumapit sana siya ng pumasok ito sa kanyang sasakyan at mabilis pinatakbo tinatanaw niya kong saan patungo si alyan at napamura siya ng sa mansyon ang punta nito at lumabas siya sa kanyang pinagtataguan at nakaban gaan niya si miguel na madungis at namumula ang mga mata pati ang kuko ay mahaba makikita ang mga tuyong dugo dito."M-miguel!anong nangyari sayo!".gulat na wika ni manuel tinitigan siya ni miguel at inaamoy at bigla itong tumakbo kaya sinundan nito si miguel papuntang mansyon.
Itutuloy.....
Jc